Chapter 28
Drew's POV
Nandito natulog si Alexa sa bahay. May bahay sila dito sa Maynila pero ayaw niya raw roon dahil mag-isa lang siya kung sakali. Nandito ako ngayon sa aking silid. Kanina pa ako gising pero wala akong balak bumaba pa rin hanggang ngayon."Drew," saad ni Barbara pagkapasok.
"Si Alexa?"
"Tulog pa. Pagod na pagod 'yun sa byahe eh," aniya kaya napatango na lamang ako.
"Ano ng balak mo?" tanong niya kaya naman diretso akong napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko alam."
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Pumasok pasok ka sa gulong 'to hindi mo naman alam kung paano lumabas. Si Jasmine paano? Si Alexa?" tanong niyang muli kaya napailing na lamang ako.
"Hindi mo sila pwedeng lokohin habang buhay. Ano 'yun buy one, take one? 'Yung isa girlfriend, habang 'yung isa naman nililigawan. Ayusin mo nga buhay mo," wika niya kaya naman napayuko na lamang ako habang naramdaman ko naman siya na umalis.
**
Nang mapagdesisyunan ko ng bumaba para mag-almusal ay naabutan ko si Alexa na nagluluto.Tama siguro na tapusin ko na ang sa aming dalawa ni Alexa. Ayokong mawala sa akin si Veia ng dahil lang sa kagaguhan ko.
"Gising ka na pala. Heto at pinaghanda kita ng breakfast," saad niya habang inilalagay sa plato ko ang bacon, hotdog at fried egg.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa," aniya pagkatapos ay kumuha na rin siya ng pagkain niya.
"Um Alexa may sasabihin sana ko sa'yo eh."
"Hmmm?" Saad ni Alexa habang kumakain.
"Pwede bang magbre—" saad ni Drew pero naputol ito ng tumunog ang telepono ni Alexa.
"OMG! Sa mommy tumatawag. Wait ha," wika ni Alexa at sinagot ang tawag.
"Yes 'my. Nandito ko kasama ko pa nga si Drew eh. Yeah I'm alright. Oh si Drew," aniya at inilayo ang phone sa bibig niya.
"Kakausapin ka raw ni mommy," wika niya at ibinigay sa akin ang phone.
"Yes tita."
["Drew alam mo naman na pasaway 'yan na anak ko. Ikaw na lang bahalang magpasensya."]
"Opo."
["Kung hindi lang talaga dahil sa'yo. Hindi ko papayagan 'yan na bumalik d'yan nang mag-isa diyan. Alagaan mo ang girlfriend mo ha at ilayo mo siya sa maaring makapagpahamak at makasakit sa kanya."]
"O-opo. Hindi ko po hahayaan na mapahamak si Alexa."
My conscience is killing me right now.
["Napakaswerte talaga ng anak ko sa'yo. Osige ingat kayo ha," wika ni tita at ibinaba na nga ang tawag.]
Ibinalik ko naman kay Alexa ang cellphone niya.
"Ipasyal mo naman ako."
"Saan ba gusto mong pumunta?"
"I don't know. Di ba may resort kayo? Doon na lang." Nakangiting wika ni Alexa kaya napatango na lamang ako kahit labag pa sa kalooban ko.
Nadine's POV
Kasama ko ngayon si mama dito sa kusina at nagbe-bake kami ng cookies. Isa rin kasi 'to sa naging bonding naming dalawa eh."Kumusta naman pala kayo ni Joshua," tanong sa akin ni mama out of nowhere.
She didn't buy my explanation na niloko namin ni Joshua si Jasmime kaya't kinulit niya ako upang sabihin ko ang totoo at dahil doon ay isinabi ko nga ang pakiusap ni Joshua sa akin.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...