Chapter 37
Drew's POV
I can sense na hanggang ngayon ay natatakot pa rin si Veia na palayain ang sarili niya at papasukin muli kami sa buhay niya. She is just afraid to be left over and over again kaya siya na mismo ang lumalayo.Nagawa kong basagin ang barrier na meron kami noon kaya naniniwala ako na magagawa kong muli 'yun. I just need to prove myself to her.
Isang lalake ang bagong pasok sa bahay nila Veia. Hindi ako maaring magkamali, I guess siya nga ang ama ni Veia. They look so alike. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya lumapit siya sa akin.
"Narito ba si Jasmine?" Tanong niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako.
"Kamukhang mukha mo po siya. There's no doubt na kayo ang tatay niya."
"Sa akin lang siya nanggaling pero hindi ako naging ama sa kanya."
"Hindi naman po nating maiwasan na makagawa tayo ng mali. Ako rin, nasaktan ko si Veia but that doesn't mean na hindi ko siya mahal."
"Boyfriend ka ba niya?" Isang iling ang naging sagot ko sa kanya.
"Drew nga po pala. I'm in love with your daughter but she doesn't believe me," saad ko at inilahad ang kamay ko sa kanya at tinanggap niya naman ito.
"Oscar. Tawagin mo na lang akong tito. Sana huwag mong sukuan ang anak ko kahit ilang beses ka pa niya ipagtulukan."
"Hindi ko po gagawin 'yan dahil mahal na mahal ko po ang anak niyo."
"Salamat. Ikaw na sana ang lalake para sa kanya," nakangiti niyang wika kaya naman gumanti rin ako ng ngiti.
Jasmine's POV
Hawak hawak ko ngayon ang ballpen at notebook ko. Dito ko isinusulat ang mga thoughts ko at mga nilikha kong tula.I was writing another poem ng may kumatok sa pinto at iniluwal nito si papa.
"Bakit ka narito? Wait don't tell me pati ikaw alam na kung anong nangyari sa akin," diretso kong saad habang nakatingin sa kanya.
"Ok ka na ba?"
"Wala na bang iba? Kahapon ko pa naririnig 'yan eh."
"Jasmine alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo but believe me hindi ko ginusto na iwan kayo. Ganun siguro talaga pag napagod ka na, ang gusto mo na lang lumayo to redeem yourself."
"Sinabi na sa akin ni mama ang totoo kung bakit ganito ang pamilya natin. Hindi ka niya mahal kaya pinili mong iwan kami."
"Mahal na mahal ko si Carmen pero mahirap magmahal ng taong hindi ka man lang kayang pahalagahan."
"Kaya pati ako iniwan mo. Great," sarkastiko kong saad.
"Jasmine just give me another chance."
"Bakit ngayon ka lang bumalik kung kailan tapos na rin akong maghintay? You were never there for me when I needed you the most. Lahat kayo iniwan ako at pinaramdam sa akin na mag-isa kong haharapin ang buhay."
"I know it was selfish of me to leave you behind pero nung panahon na 'yun akala ko mas nakakabuti na iwan ka sa mama mo. Ako lang ang galit sa kanya. Ako lang ang napagod sa kanya kaya ayokong idamay ka."
"Yeah. You're right. Nasaktan ka kaya ka umalis then bare with me. I am also hurt kaya I can't accept you in my life again. I'm sorry," wika ko at kasabay nito ang pagsarado ko ng kwaderno.
"Sige. Siniguro ko lang talaga na ayos ka. Alagaan mo ang sarili mo at huwag kang magpapagutom. Sige anak, una na ko," rinig kong sipi niya at lumabas na rin siya sa silid ko.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...