Chapter 21

130 11 6
                                    

Chapter 21

Drew's POV

Ganito pala ang feeling na kahit hindi ko kasama si Veia ay mukha niya pa rin ang nakikita ko.

Oo, alam kong mahal ko na siya at inaamin ko naman 'yun.

Sabihin niyo na kong baliw pero wala eh. Tinamaan talaga ako sa cold princess na si Veia.

'Yung ngiti niya kahit hindi ganun kalapad pero gusto ko ulit makita 'yun at pinapangako ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para makita muli iyon.

"Alam mo para kang baliw diyan."

"Tinamaan ako ng sobra ni kupido Barbara eh."

"Kanino? Dun sa Jasmine na 'yun. Drew naman alam mong hindi dapat bakit mo pa hinayaan."

"Hindi ko mapigilan. Hindi ko naman 'to plinano Barbara eh, kusa ko na lang naramdaman."

"Tapos ano? Paano kapag kayo na ni Jasmine? Drew magising ka nga sa kahibangan mo. Kahit kailan hindi pwedeng maging kayo."

"Hindi ba sapat 'yung nararamdaman ko para sa kanya?"

"Never 'yan magiging sapat dahil dito sa mundo hindi puso lang ang pinaiiral. Alam mong masasaktan mo lang siya kapag pinagpatuloy mo 'yan na kagustuhan mo," aniya at iniwan na nga ako.

Tama siya. Hindi ko pwedeng hayaan 'tong nararamdaman ko pero ano pang magagawa ko?

I am falling so hard to that girl and it was so hard to resist this feeling.

Jasmine's POV

"Oh ba't nakitingin ka lang sa akin? Bakit mo ko hinahanap?"

"Syempre hahanapin ka niya Jasmine kasi kapatid kita at alam niyang nakatira tayo sa iisang bahay and this is a family dinner kaya dapat kasalo ka namin dito," sagot ni Nadine pero hindi ako nagpakita ng kahit anumang emosyon.

"Talaga?"

"Ah oo Jasmine. Tama 'yung sinabi ni Nadine."

"Ano pang hinihintay natin? Ipagpatuloy na natin ang pagkain," sipi ni mama kaya naman nagsi-upo na nga kami.

Nasa head si mama at nasa right side naman si Nadine habang ang nobyo naman nito ay nasa kaliwa. Parehas ko sila ayaw makatabi pero no choice ako kundi tumabi sa isa kanila.

Tutal si Joshua naman ang mas malapit sa akin ay sa kanya na nga ako tumabi.

"Pang-ilan mo ng girlfriend ang anak ko?" nakangiting tanong ni mama.

Halata naman na gusto niya lang malaman kung hindi napunta ang paborito niyang anak sa isang playboy.

"Pangalawa po."

"Ganun ba? Mabuti naman."

"Oo nga ma eh. Nakakaproud na may lalake pang katulad niya. 'Yung boyfriend kasi nung kaklase ko, hindi pa naman sila break ayun boyfriend na rin pala ng ibang babae. Masaklap pa dun, sarili niya pang kapatid 'yung other girlfriend nung boyfriend niya."

"Grabe naman 'yung lalakeng 'yun. Hindi na siya naawa dun sa magkapatid. Pinagsabay niya pa."

"Sinabi mo pa, ma. Awang awa nga ako eh. Di ba nakakainis 'yung lalake Joshua?" tanong ko rito habang nakatingin sa kanya habang siya naman ay pilit umiiwas ng tingin.

"Ah, oo," mahinang sagot nito.

"Pati dun sa kapatid niya, nakakainis. Alam na niya boyfriend ng sarili niyang kapatid, pumayag pa siyang maging other woman. Buti na lang hindi ka ganun Nadine noh?" tanong ko naman kay Nadine habang siya naman ay nakayuko lang.

"Talagang hindi magiging other woman 'yan na si Nadine. Hindi ko siya pinalaki para maging kabit lang. Buti nga at strong ang values niya," nakangiting wika ni mama.

"Oo nga ma. Masaya ako kasi ang bait bait niya. Hindi siya gagawa ng ikakasakit ng ibang tao lalo na ng pamilya niya."

"Ah excuse me muna po," sipi ni Nadine at umalis na.

Bakit tinatamaan ka na ba Nadine?

Masakit?

Pwes tanggapin mo dahil pinili mong tahakin ang daan na ito.

Nadine's POV

Pagdating ko sa CR ay agad ko itong nilock at dun ako napaiyak na.

Ang gusto ko lang naman ang mas ikakabuti ni Jasmine kahit magalit pa siya sa akin ng husto.

Kasuklaman niya na ako pero hindi ko alam na sobrang sakit pala. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang totoo pero hindi pwede kasi may kasunduan kami ni Joshua isa pa I am doing this for her own good.

Sana balang araw mahanap niya sa puso niya na mapatawad kaming dalawa ni Joshua at sana maintindihan niya kung bakit namin 'yon ginawa.

Napatigil ang pagtulo ng luha ko ng may kumakatok sa pinto.

"Nadine, anak. Ayos ka lang ba? Ba't parang ang tagal mo ata?"

"Ah opo, ma. Ayos lang po ako. Sige na po balik na kayo dun at susunod na po ako."

"Sige. Siguraduhin mo lang na ayos ka ah."

"Opo," sipi ko at narinig ko na ang kanyang yapak na papaalis.

Agad akong naghilamos ng mukha then I pat dry it with my face towel.

"Ayan Nadine. Act as if walang nangyari. Pwede ka ng maging artista. Napaniwala mo nga si Jasmine na totoo 'yung relasyon niyo ni Joshua eh. Madali lang para sa'yo na magpanggap na hindi ka nasasaktan. Kaya mo 'yan," pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at lumabas na nga ng CR.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon