Chapter 26
Joshua's POV
Pagkatapos ko agad na kumain ng agahan ay agad akong lumabas patungo sa kotse ko. Bubuksan ko sana ang pinto ng kotse ko ng biglang may nagsalita sa likod ko."Saan ka pupunta?"napaharap ako kay Trinity.
"Why are you asking? As long as I can remember, I don't need to ask permission on your approval kung saan ako pupunta." May diin kong bigkas sa bawat salita.
"Joshua ako ang fiancée mo kaya may karapatan akong malaman kung saan ka pupunta,"aniya kaya naman tinalikuran ko siya't binuksan na ang pinto ng kotse ko.
"Si Nadine ang pupuntahan mo noh? Kawawa naman siya, sariling kapatid niya sinira ang party niya," dahil sa sinabi niya ay sinarado kong muli ang pinto ng kotse at humarap muli sa kanya.
"Paano mo nalaman? Wala ka naman roon ah."
"May pakpak ang balita, Joshua. Kung sa kanya ka nga pupunta then I won't let you," wika niya pero hindi ko 'to pinansin sa halip ay pumasok na nga ako sa kotse at pinaandar na ang sasakyan.
Narinig ko pang tinatawag niya ko pero hindi ko na siya inintindi.
**
Nang makarating ako sa bahay nila Nadine ay agad akong nagdoor bell.
"Um tita nandyan po ba si Nadine?"
Nang makita ako ni tita ay may kung ano sa ekspresyon ng mukha niya na hindi ko makuha kung ano. Pagkadisgusto ba?
"Oo nandito siya. Pasok ka," aniya at pumasok na rin ako.
Nang makarating kami sa sala ay nagpaalam ito sa akin na tatawagin niya si Nadine.
"Joshua," napatingin ako kay Nadine at siya naman ay umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Dinadalaw ka at para na rin makita ko kung ayos ka na ba."
"Compared kagabi, masasabi ko na mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon."
"Gusto mo na punta tayong starbucks para marelax ka?"
"Ayos na ko dito sa bahay."
"Sige na. Ang tamlay mo pa rin kasi eh."
"Sige na nga. Magpapaalam lang ako kay mama."
"Sure," sipi ko at pinuntahan na nga niya si tita.
Jasmine's POV
Pagmulat ko ng mata ay napaayos agad ako ng upo dahil narealize ko na hindi ito ang kwarto ko hanggang sa bumalik sa aking isipan ang nangyari kagabi. Ako nga pala mismo ang sumama sa kanya dito.Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako at naabutan ko siya sa sala na hawak hawak ang phone niya. Maaring naglalaro na naman s'ya.
Nang maramadaman niyang nandito ako ay agad naman niyang tinigil ang ginagawa niya at tumayo.
"Buti naman at gising ka na. Halika na para makakain na tayo ng lunch."
"Lunch?"
"Yup. 11:00 na kaya. Sa'yo ay brunch na," anas niya at pumunta na nga kami sa dining room at nagsimula ng kumain.
"Salamat pala ah."
"Sure, no prob. Basta ba para sa'yo."
"Buti ka nga kahit anumang nangyari ay hindi mo ko iniiwan. Lahat kasing tao ay iniiwan ako kaya naman sanay na kong mag-isa."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka nag-iisa. Nandito ako para sa'yo," aniya kaya naman sinuklian ko na lamang siya ng ngiti.
"Pagkatapos nating kumain, ihahatid na kita sa inyo at baka nag-aalala na sila sa'yo."
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...