Chapter 13

186 9 0
                                    

Chapter 13

Drew's POV

Kasalukuyang nasa aking silid ako at nakahiga sa aking kama.

Di ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin pero isa lang ang alam ko.

Totoo lahat ng sinabi ko kay Jasmine nung isang araw.

Totoong nagugustuhan ko na siya.

"Nung una gusto ko lang namang maging kaibigan ka pero ngayon iba na ang gusto ko. Gusto kita Veia kaya naman gusto kitang ligawan," sabi ko kaya naman napailing na lamang ito at tinalikuran ako at  nagsimula na nga siyang maglakad palayo.

"Totoo ang sinabi ko Veia. Mark my words," sigaw ko pa sa kanya kahit naglalakad pa siya.

Napapangiti na lamang ako sa naalala ko.

Di naman talaga intensyon kong mahulog ang loob sa kanya pero ito nagustuhan ko na siya at gagawin ko lahat para magustuhan niya rin ako.

"Drew," sipi ni Barbara habang kumakatok sa pintuan ng aking silid at maya maya pa ay pumasok na ito at umupo sa paanan ng aking kama.

"Drew, gusto ko lang  sanang sabihin na sorry dahil sa gumawa pa ako ng eksena sa school pero hindi ako magsosorry na pinatid ko 'yung babaeng 'yun."

"Barbara wala namang ginagawang masama sa'yo 'yung tao. Ba't ba ganyan ka?"

"Ganito ako dahil nakikita ko na gusto mo siya at ayoko nun. Kaya habang hindi mo pa siya mahal ay pigilan mo na ng wala ng mahirapan pa. Alam mong tama ang sinasabi ko Joshua kaya umiwas ka na habang maaga pa," aniya at umalis na.

Pasensya ka na Barbara pero pinal na ang aking desisyon.

Gusto ko si Veia at paninindagan ko iyon.

Liligawan ko siya payag ka man o hindi.

Ako ang may hawak ng buhay kaya ako ang magdedesisyon para sa sarili ko at napagdesisyunan kong paibigin ang isang Veia Jasmine Villamor kay Drew Morales.

Jasmine's POV

 Nang makadating ako sa paaralan ay labis ang pagtataka ko sapagka't halos lahat ng taong makakasalubong ko ay tumitingin sa akin. Ramdam ko pang pinaguusapan nila ako.

Ano bang meron?

Nang makapasok ako sa aking classroom ay dun ako nagulat.

Anong ginagawa niya dito?

Nakaupo siya unahan at may hawak hawak na gitara.

Nang makita niya ako ay nagsimula na siyang tumugtog.

Sa tuwing tayo’t magkakalayo

hindi matahimik ang puso ko

bawat sandali hanap kita

‘di mapakali hanggang muling kapiling ka

dahil kung ika’y makita ng

labis labis ang tuwang nadarama

magisnan lamang ang kislap ng iyong mata

kahit ano pa ay kakayanin ko na

"Gosh. Ang gwapo na nga. Ang galing pang kumanta," rinig kong saad ng isa sa kaklase kong babae sa kaibigan niya.

"Oo nga eh," pagsang-ayon naman ng isa.

"Tsss," sabi ko ng mahina.

 Mas  kinilig pa ang mga kaklase ko ng magchorus na.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon