Chapter 32
Nadine's POV
Kakain na sana kami ng dinner ni mama ng biglang dumating si papa."Ano na naman ginagawa mo dito?" Pagod na tanong ni mama.
"Bakit? Bawal ko man lang ba dalawin ang mga anak ko. Carmen alam kong naging duwag akong ama sa kanila kaya hayaan mo na lang ako na patunayan sa kanila kung gaano sila kahalaga sa akin. Hindi ko naman sila kukunin at wala rin akong balak na tumira dito. Huwag mo naman ipagkait sa akin na makasama ko sila," wika ni papa habang si mama naman ay nagpunta na lang sa dining room.
Ngumiti sa akin si papa dahilan upang ngumiti rin ako sa kanya.
"Sabay na po kayo sa aming kumain," yaya ko sa kanya kaya tumango naman siya't sabay na kaming nagtungo sa hapag kainan.
" Nasaan pala si Jasmine? Hindi ba natin kasabay kumain?" Tanong ni papa.
" Wala pa po siya. Hindi rin namin po siya macontact."
"Kadalasan ba 'tong mangyari dito? Bihira ko rin kasi siyang makita rito."
"Minsan sumasabay po siya sa amin pero kapag nandito kasi siya kadalasang nasa kwarto niya lang siya eh,"paliwanag ko kaya naman tumango na lamang siya.
"Kumain na nga lang tayo," medyo naiinis ng saad ni mama.
Hindi ko naman masisisi si mama kung bakit ganito ang asta niya. Hindi siya nasiyahan sa pagbabalik ni papa pero kailangan niyang intindihin ng sitwasyon.
Hindi niya pwedeng ipagtabuyan na lang lagi si papa lalo pa't kailangan siya ni Jasmine. Hindi man pinapakita ni Jasmine pero kailangan niya ng pagmamahal, kailangan niya ng iintindi sa kanya at hindi siya iiwan.
Jasmine's POV
Pagdating ko sa bahay ay isang nakakairitang eksena ang nadtnan ko.Seryoso?
Magkakasamang kumain sila mama, papa at Nadine.
They look a picture perfect family.
"Jasmine nandito ka na pala. Halika sabay ka sa amin anak na kumain," nakangiting wika ni papa.
Nakatingin na silang tatlo sa akin habang ako naman ay hindi gumagalaw sa kintatayuan ko.
"Saan ka na naman ba kasi nanggaling? Gawain ba 'yan ng isang matinong babae, ang magpagabi sa labas?" Sermon naman sa akin ni mama. Tinalikuran ko sila at nagtungo na ako sa aking silid.
Maybe I can eat when they are finish.
May kumatok sa pintuan ko at pumasok na nga si Nadine.
"Ganito na lang ba ang gagawin mo araw-araw? Tatakbo, magtatago. Kailan mo haharapin lahat ng 'to Jasmine. Nandyan si papa, binalikan niya tayo, binalikan ka niya pero anong ginagawa mo? Iniiwasan mo siya. Si mama, hindi niya man pinapakita pero nag-aalala siya sa'yo still tinataboy mo siya. Ako, nandito ko para sa'yo pero hindi mo ko pinapasok."
"Why do you keep on pushing people away? It's lonely to be alone Jasmine."
"Wala akong pakialam kung malungkot at least hindi ako aasa at masasaktan. My biggest mistake in life is letting people in then all they do is keep on hurting me again and again."
"No, your biggest mistake is choosing misery. Sinubukan kitang tulungan, ilang beses na pero mukhang ikaw lang talaga ang makakatulong sa sarili mo," aniya at lumabas na.
Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko kaya napahawak na lamang ako rito. Napaupo ako sa kama ko dahil sa sakit.
Maybe this is what I get for choosing misery then I should accept the consequence wholeheartedly.
Nadine's POV
Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Trinity."Napakaswerte naman talaga ng kapatid mo Nadine. Akalain mo 'yun si Joshua niloko siya habang 'yung manliligaw niya may girlfriend naman pala. Ano mga ulit pangalan nun? Right Drew."
"Anong sinsabi mong girlfriend may si Drew?"
" Hindi mo ba alam. Oh my bad, hindi ata nakwento sa'yo ng kapatid mo. Sige, una na ko," anito pagkatapos ay umalis na.
Unbelievable. Hindi ko akalain na magagawa 'yun ni Drew.
Nang makita ko si Drew ay agad ko itong pinuntahan pagkatapos ay sinampal.
"Sino ka ba? At bakit mo sinampal ang kapatid ko?"
"Barbara," mahinang pigil ni Drew sa kanya.
"Pwes pagsabihan mo 'yan na kapatid mo na kung may lolokohin lang naman siya huwag ang kapatid ko! Akala ko pa naman siya na talaga ang para kay Jasmine nagkamali pala ko, " wika ko pagkatapos ay umalis na nga doon.
Drew's POV
I was still stunned sa ginawa ni Nadine sa akin. Alam kong deserving ko ang sampal na 'yun. Siguro ay may mga hindi sila pagkakaunawaan ng kapatid niya pero sigurado akong mahal na mahal niya si Veia."May kapatid pala si Jasmine."
"Tama lang naman 'yung ginawa ni Nadine. Syempre magagalit siya kasi sinaktan ko 'yung kapatid niya." Saad ko dahilan upang matahimik din siya.
Makalipas ang ilang minuto ay binasag ni Barbara ang katahimikan.
"Mauna na ko Drew ah at may bibilhin pa ko," wika ni Barbara at umalis na.
Nagsimula na rin akong maglakad nang makita ko si Veia na nakaupo mag-isa sa may tagong lugar dito sa campus. Agad ko siyang pinuntahan, nakatalikod siya sa akin kaya alam kong hindi niya alam na nandito ako. Nang makalapit na ko ay tumigil na ko sa paglalakad. Nagbuntong hininga ako sapagka't hindi ko alam kung pupuntahan ko ba siya o hindi.
Nang nakapagdesisyon na ko na tumalikod na para umalis ay nagsalita siya dahilan upang mapatigil ako.
"Bakit ganun ang mga tao? Si papa na dapat sinasandalan ko, iniwan ako. Si mama na dapat nag-eencourage sa akin, lahat pa mali nakikita sa akin. Si Nadine na pinagkatiwalaan ko, trinaydor ako. Si Joshua na minahal ko, sinaktan ako tapos ikaw na pinapasok ko sa puso ko, niloko lang ako. Ano bang mali sa akin?" aniya pagkatapos ay tumayo at humarap sa akin.
"Veia, alam kong ang laki ng naging kasalanan ko at kulang pa lahat ng paghingi ko ng tawad sa'yo pero isa lang naman ang hiling ko at 'yun ay sana maging masaya ka ng tunay. Hindi maiiwasan sa buhay ang masaktan pero dapat manaig pa rin sa puso mo ang pagmamahal. I know I sound absurd talking about love well in fact dinungisan ko ang salitang 'yun and I regretted for hurting you pero hindi ko pinagsisihan na mahal kita," wika ko at umalis na nga roon.
If only I was brave enough para i-settle 'yung issues ko dati hindi na sana umabot pa sa ganito. Naging duwag ako eh pero pangako ko na hindi na ulit ako magiging duwag sa pagmamahal ko kay Veia.
Jasmine's POV
I know na siya 'yung dumating at tama ako, si Drew nga. Ramdam ko mahal niya ako pero sapat ba 'yun para tanggapin ko ang pagmamahal na 'yun?I hate taking risks. Call me a quitter, call me weak but I just don't want to experience pain over and over again.
Nung una ay sumugal ako kay Joshua pero anong napala ko? Pain and more pain. Tapos hinayaan ko si Drew na pumasok sa buhay ko, ako na naman ang nasaktan. Ayoko na. Pagod na kong masaktan. If just one day I will vanish with the wind maybe all the pain I am feeling right now will disappear.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...