Chapter 25
Pupuntahan ko na sana siya nang biglang may tumawag sa akin kaya naman napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses.
"Veia, alam kong nasasaktan ka ngayon. Gusto mo bang umalis muna tayo dito?"tanong ni Drew nang makalapit sa akin.
Tumingin muli ako sa lugar kung saan ko nakita si papa pero wala na ito doon.
"Veia, Veia ayos ka lang?" bumalik ang tingin ko kay Drew.
"Oo naman. Mabuti pa nga't umalis na muna tayo rito," sipi ko at hinawakan ko na ang kamay niya at naglakad na kami.
Gustong-gusto ko nang makaalis dito. Gusto ko nang makalayo sa kanila.
Nadine's POV
Nandito na kami ngayon sa bahay at hanggang ngayon na nasa kwarto ako ay wala pa ring tigil ang pagbuhos ng mga luha ko."Nadine, I'm sorry that your party is not the way we planned it to be," malungkot na wika ni mama.
"Ma, wala naman po kayong kasalanan."
"Sa pag-uwi ni Jasmine, sisiguraduhin kong hihingi siya ng tawad sa'yo." Saad ni mama dahilan upang mapatingin ako sa kanya sa gitna ng aking paghikbi.
"Hindi pa po umuuwi si Jasmine?"
"Wala pa."
"Ma, promise me na hindi mo papagalitan si Jasmine tungkol sa nangyari sa party."
"Why would I do that? She's the one who ruin your night!"
"It's not entirely her fault!" Hindi ko na rin napigilang mapahagulgol habang sinasabi 'yun.
"Anong ibig mong sabihin?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya.
"It's my fault. Sinaktan ko siya kaya siya gumanti. I don't care kung napahiya man ako o nasira 'yung party ko. Ang masakit tanggapin na hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin dahil sa isang kasalanang hindi ko naman ginustong gawin."
"Anong kasalanan?"
Ayokong sabihin kay mama 'yung totoo pero ayoko rin naman na matatak sa isipan ni mama na kasalanan ni Jasmine ang nangyari.
"Joshua is Jasmine's boyfriend."
"But I thought she is your boyfriend."
"Yes, he is."
"Wait, naguguluhan ako Nadine."
"He is my boyfriend now pero boyfriend siya ni Jasmine noon."
"Then what's the problem. Hindi naman na sila, di ba?"
"Hindi na nga po pero ako kasi 'yung dahilan kung bakit sila naghiwalay. Sabihin na natin na naging kami ni Joshua habang sila pa ni Jasmine."
"What the! Hindi kita pinalaki para manira ng relasyon!" Galit na sigaw ni mama.
"I know ma and I know that it's my fault. I hope naiintindihan mo na si Jasmine."
"Ewan ko sa inyong magkapatid," aniya at umalis na ng kwarto ko.
Ayos lang kahit pati si mama ay husgahan ako, ang mahalaga maging ayos lang sila ni Jasmine.
Ok na 'to na hindi ko sinabi 'yung totoo para mabuksan ang isip niya na may flaws rin ako.
Magsimula bata pa ako lahat ng sabihin ni mama ginagawa ko dahil alam kong ampon lang ako. Ayokong maging disappointment sa kanila ni papa dahil grabe ang utang na loob ko sa kanila.
I'd been the very best in everything pero ngayon naipakita ko kay mama na hindi ako perpekto tulad ng tingin nila mama sa akin.
Drew's POV
Dinala ko muna si Jasmine dito sa bahay namin at kasalukuyang nasa sala kami."Ang sarap pala nito Drew eh," aniya ng pumupungay pang mata habang pinapakita pa sa akin ang baso na may nakalagay na vodka.
"Veia, nakarami ka na. Tama na," sipi ko at kinuha sa kanya 'yung baso.
"Eh ibalik mo na 'yan sa akin." Lasing niyang sabi habang pilit kinuha ang baso sa akin.
"Lasing ka na oh. Bakit ba kasi nakita mo pa 'to eh?"
"Gusto ko lang naman magcelebrate at nasira ko ang gabi ng mang-aagaw kong kapatid."
"Veia kahit saang anggulo mo tingnan, mali 'yung ginawa mo lalo pa't kapatid mo si Nadine."
"Ampon lang naman siya eh. Ampon na nga mang-aagaw pa. Kaya kahit anong mangyari ay hindi ko siya kapatid."
Woah! Ampon lang si Nadine.
Kahit may espirito ng alak ay nagpapasalamat ako ay nakakapag-open up siya sa akin.
"Ikaw," aniya at itinuro pa ko.
"Hmmm."
"Huwag kang magpapaagaw ah. Kahit anong gawin nung Nadine na 'yun, hindi ka magpapaagaw ah."
"Oo naman. Mahal na mahal kaya kita," sipi ko at nakatulog na nga ito.
Binuhat ko na siya ng bridal style papunta sa guest room.
"Ang bigat mo naman, Veia," reklamo ko pero nakangiti pa rin na nasilayan ko ang mukha ng anghel na 'to.
Nang makarating na kami sa kwarto ay inilapag ko na nga siya sa kama.
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin at nababaliw ako ng ganito sa'yo," sipi ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
Tumayo na nga ako't tumalikod na para umalis ng marinig kong nagsalita siya.
"Papa," mahinang usal nito dahilan upang mapatingin ako sa kanya pero ni hindi na ulit ito nagsalita.
Minabuti ko na ngang umalis na doon at nagtungo na rin ako sa sarili kong kwarto.
Sa pagpikit ko ng aking mata ay ang mukha ni Veia ang nasilayan ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako na may ngiti sa aking labi.
**
Nandito ako ngayon sa kitchen at kumuha ako ng fresh millk at inilagay ko sa cereals.
"Drew, anong ginagawa ni Jasmine dito?" Salubong ang kilay na tanong ni Barbara sa akin.
"She needs me kaya dinala ko siya dito kagabi."
"Are you really serious about her?"
"Barbara, akala ko ba napag-usapan na natin 'to."
"Drew hindi ako titigil hangga't hindi pumapasok sa utak mo na lubayan mo si Jasmine."
"I can't."
"And why not?"
"Because I am falling madly in love with her."
"Hindi pwede. Paano si Alexa? Nakalimutan mo na ba siya?"
"Mahal ko si Veia." Madiin kong wika.
"Hindi sapat ang mahal lang Drew. Alam mo 'yan," aniya at umalis na nang tuluyan.
Napasabunot na lang ako sa aking buhok.
I'd been this far. I just can't give up my love for her.
I just can't.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...