Chapter 19
Joshua's POV
Nung tinanong ako ni Nadine kung ano 'yung sasabihin ko ay bigla akong natahimik. Kaya ko ba talagang sabihin sa kanya?
["Ah Joshua nandiyan ka pa ba?"]
"Ah oo. Bukas ko na lang sasabihin sa'yo. Hindi kasi pwede sa phone eh."
["Ganun ba? Ako rin bukas na rin 'yung sasabihin ko sa'yo."]
"Sige. Goodnight."
["Goodnight din," saad nito at ibinaba na nga namin ang tawag.]
Mahirap pala talaga ang sabihin sa kanya na makikipaghiwalay na ko kahit hindi naman talaga totoo ang relasyon namin.
Alam namin pareho na pagpapanggap lang talaga ito pero hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan akong sabihin sa kanya.
I can't break up with her because in the first place there was never an us.
Bahala na.
Jasmine's POV
Nakaupo ako sa bench dito sa campus at nakatingin lang sa paligid.
"Bulaga," saad ni Drew na bigla biglang sumulpot ang mukha niya sa harapan ko.
"And then?"
"Hindi ka man lang nagulat?"
"Ay dapat ba magulat ako? Sige ulitin natin 'yung pangyayari." Sarkastiko kong saad.
"Huwag na," aniya at nagpout pa.
"Tigilan mo nga 'yan at hindi ka cute."
"Sus. Sabihin mo mas lalo akong nagiging charming sa paningin mo."
"Nakakairita kamo."
"Ikaw bakit ba ang sungit sungit mo sa akin?" Tanong niya ng makaupo na siya sa tabi ko.
"Kasi ang kulit kulit mo."
"Dahil mahal kita," aniya kaya naman natahimik ako sa tinuran niya.
"Uy kinikilig siya."
"Tigilan mo ko Drew at hindi ako natutuwa."
"Bakit naman? Dapat nga mas matuwa ka at mahal kita."
"Isa pa," I said in a warning tone.
"Mahal kita," aniya kaya naman inirapan ko na lamang siya.
"Kailan mo kaya sasabihin na mahal mo rin ako? Ako na siguro ang pinakamasayang tao pagnagkataon," sipi nito pero mukhang sarili naman niya ang kausap at hindi ako.
"Hi," agad naman kaming napatingin sa nagsalita. The devil who was clothed in an angel outfit was here.
"Drew, right?" tanong nito kaya naman tumango si Drew.
"Gusto sana kitang tanungin kung pwede kang sumama sa sixteen roses ko," aniya kaya naman gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Drew.
"Ah bakit kasama ako?" Nagtatakang wika ni Drew.
Bakit nga ba? May masama na naman sigurong binabalak ang demonyitang ito.
"Nadine pala ang pangalan ko. Alam mo naman siguro na kapatid ako ni Jasmine at dahil kaibigan ka niya gusto kong makapunta ka sa party ko at kung payag kang maging isa sa sixteen roses ko. Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo," sambit ni Nadine kaya naman napairap na lamang ako.
Ano na naman ba ang binabalak ng babaeng 'to?
"Ah, sige ba."
"Salamat Drew ah."
"No problemo," sipi ni Drew ng nakangiti kaya naman tumayo na ako at nagsimula nang maglakad paalis dun.
Narinig ko pa si Drew na tinatawag ako pero hindi ko ito pinapansin.
Nang maabutan ako ni Drew ay bigla niya akong hinigit paharap sa kanya buti na lang walang masyadong tao rito.
"Bakit ba?" Inis kong wika sa kanya.
"Ako dapat ang magtanong. Anong nangyari at umalis ka na lang bigla dun?" Nakakunot ang noo niyang tanong.
"Dahil alam ko na may binabalak na naman 'yung babaeng 'yun."
"Bakit ka ba nagagalit sa kanya?" tanong niya pero hindi ko siya inintindi.
"It's because of that guy. Am I right?"
"Oo, tama ka! Inagaw niya sa akin si Joshua tapos ikaw naman ang gusto niyang puntiryahin," I said pero ambnormal ata itong si Drew dahil pagkalapad lapad ng ngiti.
"Bakit ka nakangiti diyan?" naiinis ko pa ring saad.
"Ayaw mo kong mawala kaya masaya ako."
"Sinong may sabi?"
"Kanina. Ayaw mo kong agawin ni Nadine ba 'yun," aniya kaya naman inirapan ko na lamang siya.
Nadine's POV
Nasa isang fast food chain kami ni Joshua.
Sa totoo lang ay kinakabahan na ako at mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin niya.
"Ah Nadine. . " hindi ko siya pinatapos.
"Joshua ikaw ang escort ko sa sweet sixteen party ko ah," sipi ko ng nakangiti.
"Ah, oo."
"Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" Nakangiti kong tanong.
"Wala. 'Tsaka na lang."
"Ok," nakangiti kong saad.
"Kain pa," sipi kong muli.
Kahit pagpapanggap lang itong sa amin ni Joshua ayokong matapos agad ito.
Sorry Joshua. Alam kong ang pagtigil natin sa pagiging fake couple ang sasabihin mo pero hindi ko pa kayang maglet go.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...