Chapter 20

147 10 1
                                    

Chapter 20

Jasmine's POV

Nasa kwarto ako ngayon at nagne-net ng biglang may kumatok at pumasok na nga siya kahit hindi pa ako umiimik.

"Jasmine," saad nito pero hindi ko inintindi sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagbro-browse sa net.

"Jasmine pansinin mo naman ako. May mahalaga akong sasabihin sa'yo," aniya kaya naman tinapunan ko ito ng tingin.

"Gusto ko sanang maging isa ka sa sixteen candles."

"Ano namang pumasok sa isip mo at sa tingin mo ay papayag ako?" tanong ko rito at tumayo na nga ako para mas makaharap ko siya.

"Bakit? Kulang ba ang sixteen candles mo?"

"Jasmine, alam kong may hindi tayo pagkakaunawaan pero pwede bang kahit ngayon lang na birthday ko ay kalimutan muna natin 'yung nangyari. Kapatid kita kaya gusto kong kasama ka sa sixteen candles ko."

"Kapatid? 'Yun ba talaga ang turing mo sa akin kasi sa kabila ng ginawa mo? I don't think na dapat ginagawa ng isang kapatid 'yun," saad ko na bakas ang pait sa bawat salita ko.

"Jasmine, alam ko naman 'yung kasalanan ko pero sana naman kahit sa mahalagang araw ko ay iset aside mo muna 'yan."

"Fine. Ayoko namang mapahiya ang nag-iisa kong kapatid," sipi ko at gumuhit ang labi niya pataas.

"Salamat, Jasmine. You don't know how much it means to me," sipi niya at niyakap ako pero hindi ko na lamang ito ginantihan ng yakap.

Maya maya pa ay bumitaw na siya sa pagkakayakap at lumabas na ng kwarto ko.

Galit pa rin ako sa babaeng 'yun at hindi dahil sa nalalapit na kaarawan niya ay mapapatawad ko na siya.

Nadine's POV

Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko si mama.

"Parang ang saya mo ata ah."

"Ah opo. Napapayag ko na kasi si Jasmine na maging isa sa sixteen candles."

"Bakit naman hindi? Naalala ko pa noon na close kayo?" tanong nito kaya umiling na lamang ako.

"Yung nobyo mo. Ano nga ulit pangalan nun?"

"Joshua po."

"Nakausap mo na ba siya?"

"Opo."

"Good. Mamaya pala invite him kung wala naman siyang plans. I want to meet the guy na nagpatibok sa puso ng anak ko." Nakangiting wika ni mommy.

"Sige po," sambit ko at nagpatuloy na nga sa paglalakad.

Joshua's POV

Nandito ako ngayon sa bahay at masasabi kong nais kong umalis na.

"Joshua, subuan mo naman ako oh," maarteng sipi ni Trinity.

"Trinity may kamay naman ah."

"Pero gusto kong subuan mo ko."

"Sige na kahit isang beses lang," pangungumbinsi nito.

"Haishh," sipi ko at nagbuntong hininga.

Kinuha ko na ang kutsara na may lagay na gelatin at isusubo ko na sa kanya.

"Oh, I'm sorry," ani Nadine na kararating lang pero agad naman siyang tumalikod.

"Nadine," tawag ko rito.

"Sige ipagpatuloy mo lang. Hindi pa ata kayo tapos magsubuan," aniya habang nakatalikod na rin.

"Sige na Nadine tapos naman na kami ng fiancé ko eh. Kung gusto mo siyang hiramin ok lang," nakangiting sipi ni Trinity at binigyan ng emphasis ang word na fiancé at umalis na.

"Nadine," tawag ko rito at napansin kong nagbuntong hininga ito at humarap sa akin na nakangiti.

"Hindi ko alam na nagkakamabutihan na pala kayo ni Trinity," nakangiting saad nito.

"Hindi naman. Makulit lang kasi talaga 'yun kaya naabutan mo kami kanina. Hindi kasi niya ako tinitigilan hangga't hindi ko siya sinusubuan," sipi ko at tumango tango na lamang ito.

"Ah Joshua iniimbitihan ka pala ni mama na dun na sa bahay magdinner pero kung may gagawin ka ay ayos lang naman. I'm sure maiintindihan naman 'yun ni mommy isa pa. . ." hindi ko na siya pinatapos.

"Sure pupunta ako. Mamaya na ba?"

"Ah oo. Pupunta ka talaga? Tulad nga nung sinabi ko pwede naman i-decline mo," ika nito kaya naman napatawa na lamang ako.

"Ikaw talaga. Ayos lang. Dapat pala maghanda na ako dahil makakaharap ko na ang ina ng best friend ko."

"Sira ka talaga," aniya habang umiling iling pa.

Nadine's POV

Pauwi na ako ngayon sa bahay at nasasaktan talaga ako dahil sa nakita ko kanina.

Alam ko naman na walang pagmamahal si Joshua kay Trinity pero mas lamang siya sa akin kasi fiancée siya habang ako naman ay di hamak na best friend lang.

Sa pagdating ko sa bahay ay nagprepare na si mama para sa dinner.

Nang tinanggap kasi ni Joshua ang paanyaya ko ay agad kong ininform si mama.

Napangiti na lamang ako ng lihim kasi suportado si mama na magkaroon ako ng boy friend pero nawala rin ang kagalakan kong iyon at napalitan ng guilt at lungkot kasi hindi naman kami tunay na magnobyo ni Joshua at isa pa hinihiling ko na sana totoo na lang ang pagpapanggap namin.

"Ano? Ayos ba?"

"Alam mo mama napakadami naman ata niyan."

"Aba. Dapat lang noh dahil first boyfriend mo ata ang lalakeng ito.

***

Dumating na nga ang dinner at narito na rin si Joshua.

Nagmano na nga ito kay mama.

"Aba't napakagwapo namang bata. Bagay na bagay kayo ni Nadine talaga."

"Mama," saway ko rito.

"Bakit?"

"Wala. Kain na nga lang tayo," yaya ko at nagsimula na nga kaming kumain.

"Kailan naman kayo nagkakilala nitong si Nadine."

"Nung first year high school po. Sa katunayan nga eh natarayan ako diyan kay Nadine pero himala at heto ngayon."

"Ganyan talaga 'yan si Nadine minsan. Pagpasensyahan mo na lang."

"Gaano na pala kayo katagal ni Nadine?" tanong ni mama at nagkatinginan kaming dalawa ni Joshua pero agad naman itong naputol.

"Mag-iisang taon na rin po."

"Ikaw Joshua ah huwag mong sasaktan 'tong si Nadine dahil ikaw ang una niyang minahal. Sa oras na makita kong may luhang tumulo sa mata ng anak ko dahil sa'yo magtago ka na dahil hahanapin kita," pabirong saad ni mama at ngumiti lang ng alanganin si Joshua.

"Si Jasmine po pala? Nasaan?" pagpapalit nito ng topic pero bakit kailangan niya pang hanapin si Jasmine?

"Bakit mo naman ako hinahanap?" agad kaming napatingin sa nagsalita at dun namin nakita si Jasmine na kakarating lang.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon