Chapter 31
Nadine's POV
Katatapos lang ng klase namin kaya naman nagsatayuan na kami para lumabas. Nang nakapagayos na ako ng gamit ko ay lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ng Ma'am Santos, an gaming guro."Bakit po, ma'am?"
"Pwede bang pakibigay 'to kay Joshua. Hiniram ko kasi pala tapos nakalimutan kong ibalik. Pakisabi salamat ," anito at ibinigay na nga sa akin ang G-tech na hiniram niya.
"Salamat Nadine ah."
"Sige po," wika ko at umalis na nga si ma'am habang ako naman ay napatitig na lamang sa G-tech na hawak hawak ko.
"Kakausapin mo lang naman siya Nadine eh," mahina kong usal sa sarili ko pagkatapos ay lumabas na rin ako ng silid aralan.
Naglalakad ako nang nakita ko si Joshua na nakaupo sa gilid ng soccer field kasama ang iba naming kaklase habang nagtatawan kaya naman pinuntahan ko na siya.
"Joshua, nobya mo," saad ni Manuel kaya agad napawi ang tawa ni Joshua ng mabaling ang tingin niya sa akin.
"Pinabibigay ni ma'am Santos. Sabi niya salamat daw," wika ko at inilahad na ang G-tech niya. Kinuha niya ito at inalis na ang tingin niya sa akin.
"Salamat," aniya pagkatapos ay bumalik na siya sa pakikipagkwentuhan sa mga kasama niya habang tumatawa.
I was stunned there for some seconds. Di ba ako nga ang unang umiwas sa kanya? Bakit ngayon nasasaktan ako sa ginagawa niyang pagtrato sa akin?
Nagbuntong hininga ako pagkatapos ay naglakad na nga palayo sa kanila, sa kanya. Nang makalayo layo na ako ay nilingon ko siya pero ni isang tingin ay hindi niya ako tinapunan kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sa aking dinadaanan at nagpatuloy na sa paglalakad.
I wish someday I will wake up that I am no longer in love with him so that everything will go back to normal.
Ito kasi ang sumpa kapag ang minamahal mo ay ang sarili mong best friend kaya wala kang magagawa Nadine kundi tiisin 'yan.
Drew's POV
Nandito kami ngayon ni Alexa sa garden ng bahay. Grabe ang bilis ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Gusto ko na kasi talagang sabihin sa kanya ang lahat. Alam kong masasaktan siya pero kailangang malaman niya na dahil ayokong mas paasahin pa siya."Ano ba kasing sasabihin mo Drew? Don't tell me magdi-dinner date tayo ngayong gabi? Gosh hindi ako ready."
Paano ko sasabihin sa kanya? Pagkatapos nito ang ngiting nasa labi niya ay mapapalitan ng sakit sa kanyang mga mata, ayoko mang sabihin pero kailangan. Napapikit na lamang ako para kumuha ng lakas ng loob. Nang ilang minuto ay muli kong idinilat ang aking mga mata.
"Alexa, let's break up."
"W-what? Mali 'yung narinig ko di ba?"
"I'm sorry. Hindi ko gustong saktan ka pero ayoko rin naman na paniwalain ka sa isang kasinungalingan," wika ko at unti-unti ng pumapatak ang kanyang mga luha.
"Bakit? May nagawa ba kong mali?"
"Alexa wala." Sabi ko habang umiiling.
"Kung ganun, bakit mo ko iiwanan?" tanong niya kaya hinawakan ko ang kanyang kanang kamay na nakapatong sa mesa.
"Hindi kita iiwan. Nandito pa naman ako eh. Kaibigan mo ko kahit anong mangyari."
"Hindi Drew eh! I have planned my future with you kahit sa pangarap ko kasama ka tapos ibabasura mo na lang ng ganun ang pinagsamahan natin ng mahabang panahon," aniya kaya naman umiling iling na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...