Chapter 40

114 12 0
                                    

Chapter 40

Carmen's POV
Naging maayos na ang relasyon ko kay Jasmine at masaya ako dahil doon. Grabe ang pagsisisi ko at maraming nawalang taon sa aming dalawa. Siguro kung nabigyan ko siya ng sapat na atensyon at pagmamahal ay hindi aabot sa ganito. Ang mahalaga ngayon ay ayos na ang lahat.

I guess so?

Kadarating ko lang ngayon dito sa paborito kong Chinese restaurant.  Nang makapasok ako ay agad ko siyang nakita. Ngumiti siya sa akin kaya ganoon na rin ang ginawa ko pagkatapos ay pinuntahan ko na siya.

Nang makalapit ako ay agad siyang tumayo at hinila palabas ang upuan upang makaupo ako. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.

"Salamat," sipi ko sa isang maliit na boses pagkatapos ay umupo na ako.

Maya maya pa ay nag-order na kaming dalawa ng makakain.

"Thank you na nga rin pala Oscar at pumayag ka tungkol dito."

"Bakit naman hindi?" Nakangiti niyang tanong.

"Alam mo na. Matapos lahat ng nangyari sa atin. Baka isipin mo na napakakapal ng mukha ko at gusto ko pang makausap ka ng masinsinan well in fact ako naman talaga ang nanakit sa'yo. Ang mga bata na lang naman ang nag-uugnay sa ating dalawa eh."

"Tama ka Carmen.  Nasaktan nga ako ng sobra kaya mas pinili kong magpakalayo layo. Maraming taon na rin ang lumipas at akala ko magbabago ang nararamdaman ko. Nagkakamali pala ako," aniya dahilan upang mapatingin ako sa kanya ng diretso.

"Oscar."

"Ayos lang. Simula pa lang , alam ko naman na hindi naman talaga ako 'yung mahal mo. Kung hindi lang talaga dahil kanila Jasmine, hindi na ko magpapakita pa pero ama ako. Nangungulila rin sa kanila."

"Kung wala sila? Wala ka na talagang balak magpakitang muli sa akin?" Tanong ko kaya isang tango ang naging sagot niya.

"Paano kung gusto kong makasama ka ulit? Hindi ka papayag?" Tanong ko sa pagkakataong ito ay siya naman ang nagulat sa aking tinuran.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Oscar napag-isip isip ko kasi na siguro hindi naman masama kung susubukan muli natin. Malay mo this time mag work na ang relationship natin tsaka isa pa gusto kong mabigyan ng kumpletong pamilya sila Nadine. Siguradong matutuwa ng lubusan ang dalawang iyon. Pero 'yun ay kung payag ka lang naman. Hindi naman kita pipilitin kubg ayaw mo."

"Carmen after how many years hindi ko inaasahang maririnig ko 'yan sa'yo.  Maybe this time our family will be living in happiness, " nakangiti niyang saad kaya ginawaran ko na rin siya ng ngiti.

Hindi ako nagsisisi na siya ang naging ama ni Jasmine.  Nabulag lang ako sa pag-ibig ko sa maling tao pero ngayon handa na akong tanggapin ang pagmamahal niya ng buong buo at suklian ito.

Drew's POV
Narito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Alexa at agad na kumatok.

"Alexa pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya pero wala akong narinig na sagot kaya kumatok muli ako at sa pagkakataong ito ay pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman pumapasok na ako sa loob habang nanatiling bukas ang pinto.

"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nangyari noong isang araw. Alam ko naman na hindi mo kasalanan ang lahat pero sa iyo ko ibinuntong lahat ng sisi."

"Naiintindihan ko naman eh. Mahal mo siya kaya natural lang na mag-alala ka sa kanya at magalit sa akin dahil ako naman talaga 'yung dahilan kung bakit siya inatake ng sakit niya," nakangiti niya wika.

How come this girl put a smile on her face although I know she was in deep pain?

Mas lalo tuloy akong nakonsensya sa mga sinabi ko sa kanya.

"Hindi mo kasalanan ang lahat kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. You're a wonderful lady and I know you deserve happiness. "

"Yeah, you're right. Kaya nagdesisyon akong bumalik na lang sa America," aniya dahilan ng pagkagulat ko pagkatapos ay napatingin ako sa mga damit na iniempake niya.

"You're joking right?"

"I deserve to be happy Drew at pati na rin kayo. Hindi ako makakamove on kung nandito ako."

"Alexa," mahina kong usal.

"Don't feel guilty.  Desisyon ko 'to at isa pa namimiss ko na rin sila mommy eh. I guess my vacation here is over now."

"Mag-iingat ka at lagi kang magdadasal."

"Opo," natatawa niyang saad kaya sinimangutan ko na lang siya.

"Ikaw rin. I will truly miss you at alagaan mo si Jasmine," wika niyang muli kaya niyakap ko na siya.

Mahirap magpaalam sa isang kaibigan na alam mong walang ibang ginusto kundi ang makakabuti sa'yo. I wish her all the best.

Jasmine's POV
Napakagaan pala talaga sa pakiramdam kapag nakapagpatawad ka na. 'Yung bagaheng hindi mo mailabas labas ay naglaho na.

We can't change the past yet we chose to design our future and now the future I designed is being happy with the persons I value so much.

"Jasmine. Lumapit ka kaya dito," nakangiting yaya ni Nadine sa akin.

Nag-aayos kasi sila ng mesa sa garden dahil sa naisipan naming i-celebrate ang pagkakabalikan ni mama at papa. Habang ako naman ay narito sa veranda at nakatingin sa kanila.

Maya-maya pa ay lumapit na ako sa kanila at nagsiupo na kami.

"Hey, picture muna tayo," wikang muli ni Nadine at kinuha ang phone at mono pod niya.

"1 2 3," pagbibilang ni Nadine pagkatapos kaya sari-sarili na kaming pose.

"I hope hindi pa naman kami late," napatingin kami sa nagsalita at doon namin nakita si Joshua at sa tabi niya ay ang nakangiting si Drew.

"Oh mga hijo. Just in time lang pagdating niyo. Halika na at nang makasimula na tayong kumain," saad ni papa at nagsiupo na kaming muli.

Nasa tabi ko si Drew at nasa harap ko naman si Nadine at katabi niya ang kanyang nobyo.

"Ang swerte naman talaga nitong mga prinsesa ko at may mga makikisig na prinsipe sa kanilang mga tabi," nakangiting sipi ni mama.

"At hindi po sila iiwan kahit kailan," segunda pa ni Drew kaya naman napangiti na lamang ako sa aking narinig.

"O sha. Magsimula na tayong kumain," saad ni papa at nagsimula na kaming kumain.

Napakasaya ko dahil sa araw na 'to ay nakasama ko ang mga taong mahal ko. Kahit saan pa man ako mapunta ay isa lang ang sigurado ko, hinding hindi ko makakalimutan ang pakiramdam na ito.

Yes, sometimes mind forgets but our heart always remembers.

(A/N: Nais ko pong magpasalamat sa inyong lahat na nagbabasa at sumusuporta ng istoryang ito. Susunod na po ang Epilogue.)

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon