Chapter 2

580 18 2
                                    

Chapter 2


"Ah kasi Jasmine sasabihin ko lang sana na..." saad niya at binigyan ko siya ng curious look.

"Pwede bang manligaw?"

"Nagbibiro ka ba?"

"No, hindi. Gusto talaga kitang ligawan," with conviction niyang saad.

"Dali na Jasmine say yes na para naman magkaroon ka na rin ng manliligaw," wika ni Nadine.

"Oo nga naman Jasmine. I will not take no as an answer."

"Pasensya ka na pero. Ayo. . ." hindi ko pa natatapos ang aking  sinasabi ay nagsalita ng muli si Joshua.

"Kasasabi ko lang diba? I will not take no as answer at kahit ayaw mo pa manliligaw at manliligaw ako sa'yo," aniya pagkatapos ay bumaling kay Nadine.

"Sige Nadine," paalam niya pagkatapos ay bumalik sa akin ang kanyang atensyon.

"Jasmine, una na ko" sabi ni Joshua tapos umalis na siya.

"Oh my gosh Jasmine magkakaboyfriend ka na sa wakas. Gosh kinikilig ako," patiling sabi ni Nadine.

"Akala ko ba ikaw 'yung nililigawan nun?"

"Sorry Jasmine dahil ikaw ang type niya and best friends lang kami understand?" aniya kaya naman napairap na lamang ako.

****

Ito katulad pa rin kahapon ang buhay ko. Kaalis lang nung teacher kaya recess na naming.

"OMG. Joshua is here at may dala pa siyang flowers. Di kaya para sa'kin 'yun" rinig kong sabi nung isa kong classmate.

"Feelingera ka. Akin kaya 'yung dala n'ya noh," sabi naman nung isa.

"Tumahamik nga kayo. Ako ang pakay n'ya ok at 'yung bulaklak na dala niya it's for me as in M-E me," sabat naman nung isa.

Hay naku! Ba't ba ang lalandi ng mga tao sa mundo? Ba't di na lang sila mag-aral para may makatulong naman sa future nila, di ba?

"Excuse me."

"Oh em, sinong kailangan mo papa Joshua?" tanong nung bakla kong kaklase.

"Nandyan ba si Jasmine?"

"Jasmine. You mean Veia Jasmine Villamor?"

"Oo. Siya nga. Is she there?"

"Um Jasmine tawag ka ni papa Joshua," tawag sa akin nung bakla kong klase dahilan ng  pagtataka ko kung bakit kaya naman pinuntahan ko na lang si Joshua.

"Hey. For you," sabi ni Joshua sabay abot ng bulaklak sa akin.

"Baka nagkakamali ka lang?"

"Ano ka ba? Di ba nga ikaw ang nililigawan ko kaya syempre para sa'yo 'tong bulalak."

"OMG! Nililigawan ni Joshua si Jasmine," rinig kong sigaw nung isa.

Grabe naman. Kaya ayoko nito eh. Nilampasan ko na lang siya at naglakad papuntang canteen para kumain.

"Hey Jasmine. Wait up," rinig kong tawag sa akin ni Joshua dahilan upang mas bilisan ko pa ang paglalakad.

"Kunin mo na kasi 'tong bulaklak tsaka saan ka ba pupunta?"

"Canteen at sabi ko naman sa iyo ayo. . ."

"At sabi ko rin sa'yo liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo," sabi niya tapos tiningnan ko siya mga ilang segundo then balik ulit ako sa paglalakad.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon