Chapter 39

81 9 1
                                    

Chapter 39

Drew's POV
Nag-aayos ako ngayon ng gamit ko dito sa aking silid ng makita ko ang isang pambatang libro. Kinuha ko ito at tiningnang maigi. Siguro ito ang paborito kong libro noon. Binuksan ko ito and when every page flips, there is this familiar feeling within my heart that I can't decipher what it is.

Hanggang sa napadpad sa pahinang may nakaipit na tuyong bulaklak ng santan. Sinubukan ko itong hawakan ngunit nadurog na lamang ito. Sinarado ko ang libro at ibabalik ko na sana sa kung saan ko ito kinuha pero may isang litratong nahulog galing rito. Inilapag ko ang libro sa mesa pagkatapos ay kinuha ang larawan.

Isang batang lalake na nasa tabi ng napakagandang batang babae ang nasa larawan. Kitang kita mo ang mga ngiti sa kanilang mga labi.

"Veia," bulong ko na lamang sa aking sarili at unti unti ng bumabalik sa aking isipan ang mga nawalang memorya ng aking nakaraan.

Kasama ko si Jasmine sa garden ng aming bahay. Napakacute niya talaga at aaminin kong crush na crush ko siya kaya nga gusto ko siyang maging kaibigan at nagsucceed naman ako dahil itinuturing niya na aking matalik niyang kaibigan.

Nagbabasa lang ako ng aking paboritong libro ng may bulaklak siyang santan na inilagay sa aking unahan dahilan upang maantala ang aking pagbabasa. Inangat ko ang aking tingin hanggang sa nagtagpo ang aming mga mata.

"Nakita ko kasi na six petals ang bulaklak na 'to. Bihira lang kasi makakita ng ganyan eh kaya pinitas ko at gusto kong ibigay sa'yo."

"Itago mo na lang kaya. Hindi naman ako mahilig sa bulaklak tsaka isa pa ikaw ang babae kaya dapat nasa sa'yo yan," sipi ko pero umiling siya.

"Kaibigan kita at gusto kong ibigay 'to sa'yo para naman kahit malayo tayo hindi mo ko makakalimutan," aniya at ngumiti.

"Bakit naman tayo magkakalayo? Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan? " wika ko at tumango siya bilang sagot.

"Kaya hindi tayo magkakalayo."

"Kahit na. Tanggapin mo na."

"Sige na nga," saad ko at kinuha na ang bulaklak na hawak niya at pinaipit ito sa librong binabasa ko.

I'm so sorry Veia at hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo. Iniwan kita at kahit hindi ko man 'yun ginusto ay iniwan pa rin kita.

"Ma, bakit po tayo aalis?"

"Drew anak, huwag ng maraming tanong. Kailangan nating umalis para makasama natin ang kapatid mo. Di ba gusto mong mangyari yun?" Tumango ako kay mama.

"Bakit hindi na lang si Barbara ang umuwi rito?"

"Doon kasi siya nag-aaral at hindi maganda na tumigil siya at lumipat dito. Kaya halika na at baka mahuli pa tayo sa flight."

"Magpapaalam lang po ako kay Jasmine," saad ko at nagsimula ng maglakad palabas.

"Drew, huwag na. Wala ng oras kaya halika na," saad ni mama at inakay na ako papunta sa kotse.

Nagsimula na itong umandar kaya naman napalingon na lang ako sa aming bahay.

"Ma, daan naman po tayo kanila Jasmine."

"Makinig ka naman sa akin. Hindi pwede dahil baka maiwan tayo ng eroplano."

"Pero ma. . ."

"Drew," may diin niyang sabi kaya naman hindi na lang ako nagsalita pa.

Sinong mag-aakala na magkikita pa tayong muli. Pasenysa na at nagawa pa kitang kalimutan pero kahit ganoon ay hindi ako magsasawa na gumawa ng bagong memorya kasama ka.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon