Chapter 34

78 9 0
                                    

Chapter 34

Drew's POV
Naglalakad lakad ako dito sa labas ng makasalubong ko ang isang pamilyar na tao. Halata ko rin sa mukha niya na hindi niya ako inaasahang makita.

Nagdesisyon kaming magpunta sa pinakamalapit na park at doon mag-uusap. Wala ring masyadong tao kaya mas mainam ito.

"Akala ko mahal mo siya kaya nagpapasalamat ako na dumating ka para mahalin at protektahan si Jasmine pero katulad ko, sinaktan mo rin siya," wika niya habang diretso ang tingin niya sa unahan. Halos magkatabi lang kami sa upuan.

"Hindi ako magmamalinis dahil alam kong mali ang ginawa ko. Nung una gusto ko lang siya maging kaibigan pero habang nagtagal nahulog na ko sa kanya," saad ko pagkatapos ay yumuko.

"Pinagsisisihan kong sinaktan ko siya kaya naman unti unti ko ng tinatama ang pagkakamali ko. This time gagawin ko lahat para bumalik sa akin si Veia. Hindi ko man kayang maipangako na hindi ko na siya masasaktan pero aalagaan at mamahalin ko siya ng buong buo. Ganun naman talaga kapag mahal mo dapat handa kang lumaban para makamtan ang tagumpay."

"Lumaban? Madaling sabihin pero mahirap gawin lalo na kung dinidikta ng mundo na hindi kayo para sa isa't isa," aniya kaya naman napatingin na lamang ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Ano naman ngayon kung dinidikta ng mundo na hindi kayo para sa isa't isa, Joshua? Ikaw, ano ba ang nais ng puso mo?"

"Hindi naman importante kung ano ang gusto ko, ang mahalaga  huwag siyang masaktan."

"Duwag ka," maikli kong saad kaya naman napatingin na rin siya sa akin.

"Kung mahal mo, ipaglaban mo. Would you like living in your own world full of regrets? Kung may natutunan man ako sa nagawa kong pagkakamali ay 'yun ay huwag takbuhan ang problema. Face it with a head held high."

"Pero bumitaw na ko at sa tingin ko ganun na rin siya."

"Eh di habulin mo hanggang sa hindi na siya makatakas," nakangiti kong wika at maya maya pa ay nagkurba na rin ang kanyang labi sa isang ngiti.

"Tama ka. Maraming salamat Drew," sabi niya pagkatapos ay tinapik ako at umalis na siya.

Sa tingin ko ay si Nadine ang tinutukoy niya. Hindi ko man sila lubos na kilala alam kong hindi nila ginusto na saktan si Veia. 

May mga pagsubok man sila ay dapat nila 'yun harapin ng magkasama at ako kahit ilang beses pa kong ipagtulakan ni Veia ay hinding hindi ako susuko.

Tumayo na ako at napagdesisyunan kong puntahan si Veia sa bahay nila upang makausap siya.

I'm on my way to their house ng mahagip ng mata ko si Veia na naglalakad mag-isa. Maya maya pa ay hinimatay siya.

"Veia," wika ko sabay labas sa kotse at dinaluhan siya.

"Veia," saad kong muli habang tinatapik tapik ang kanyang pisngi pero hindi siya gumigising. Binuhat ko siya at isinakay sa backseat ng aking kotse pagkatapos ay nagtungo naman ako sa driver's seat at nagsimula ng nagmaneho.

Kailangan ko siyang madala sa hospital.

Joshua's POV
Hindi ko inaasahan na makikita at makakausap ko si Drew sa ganoong pagkakataon. Tama siya, duwag ako kaya malaki ang pasasalamat ko dahik natauhan na ko.

Patuloy kong sinasaktan ang mga taong nagmamahal sa akin dahil lang sa kasunduan na hindi ko naman gusto. Sinaktan ko na ng sobra noon si Jasmine hindi ko hahayaang mawala sa akin amg kapatid niya.

Mahal ko si Nadine at ganun rin siya sa akin kaya dapat lang na kaming dalawa ang magkasama.

Hindi na ko nagdalawang isip pang pindutin ang door bell. Pinagbuksan naman agad ako ng katulong nila.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon