Chapter 14
Drew's POV
May napakahalaga akong nabalitaan kahapon kaya naman sigurado akong magugustuhan iyon ni Veia.
"Mukhang ang saya saya mo ngayon Drew ah," saad sa akin ng isa sa naging kaibigan ko ng magtransfer ako dito. Si Patrick.
"Oo nga eh."
"Bakit? Napasagot mo na ba ang campus cold princess?"
"Hindi pa."
"Ba't ka masaya?" tanong muli nito pero nagkibit balikat na lamang ako.
Jasmine's POV
Wala naman bago sa araw na 'to. Naglalakad na naman ako papunta sa room ko.
Naglalakad ako ng makasalubong ko si Drew kasama ang mga kaklase niya.
Alam kong nakita ako nito pero deadma lang siya.
Hindi man sa nanghihinayang ako or what. Naninibago lang talaga ako.
Well. Who cares?
Mas mabuti na nga 'yun eh.
Barbara's POV
Papasok ako ng classroom ng biglang akong may nakabangga dahilan ng pagkatumba ko.
Mas lalo pa akong nabadtrip ng hindi man lang ako tinulungan ng pesteng lalakeng dahilan kung bakit ako natumba sa halip ay nilampasan lamang ako nito.
Agad naman akong tumayo.
"Hoy Mister na walang modo!" tawag ko rito pero hindi man lang ako nito pinansin dahilan ng mas pag-init ng ulo ko.
Agad kong kinuha ang libro ko at binato sa kanya at napangisi na lamang ako ng tumama ito sa ulo niya.
Agad naman itong tumingin sa akin at nilapitan ako.
Nang makalapit ito sa akin ay agad akong nitong hinawakan sa braso ko.
Isang mahigpit na hawak na halatang galit siya.
"Sino ka para batuhin ako!" galit na tanong nito.
Sa totoo lang nakakatakot talaga siya pero sorry na lang siya hindi ako magpapadala sa kanya.
"At sino ka naman para banggain ako? Tapos hindi mo man lang ako tinulungan na makatayo!" galit ko rin na singhal rito habang hawak hawak niya pa rin ang braso ko.
"Hindi ko kasalanan na lampa ka."
"Aba't—!" magsasalita pa sana ako ng bigla na ako nitong binitawan at nagtungo na nga siya sa upuan niya dahil sa dumating na nga ang teacher namin.
Peste ka kahit kailan KESTER FALCON.
Nadine's POV
Kasama ko ngayon si Joshua at talagang pinagmamasdan niya si Jasmine na nakaupo dun sa bench na mag-isa habang hawak hawak ang ballpen at notebook niya.
"Puntahan mo siya."
"Huh?"
"Kesa naman sa nakatingin ka lang diyan. Puntahan mo na."
"Huwag na. Isa pa galit pa rin naman 'yan sa akin eh."
"Suko ka na?" tanong ko dahilan upang tumango ito.
Tapos ay tumalikod na ito at umalis na.
Ako naiwan na nakatingin kay Jasmine.
Maswerte talaga siya at siya ang piniling mahalin ng best friend ko.
Kung best friend pa nga ba talaga ang turing ko sa kanya?
Drew's POV
Naghihintay lamang ako dito sa may labasan ng academy.
Sino ang hinihintay ko?
Halata naman siguro kung sino di ba.
Ang babaeng nililigawan ko ngayon.
Nang makita ko siya ay agad ko itong hinila papasok sa kotse ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong nito ng nakatingin lamang ito sa unahan
"Ano ba kasi sa tingin mo?"
"Hindi ako nakikipagbiruan," sa puntong ito ay nakatingin na siya sa akin habang siya ay nagsasalita.
"Ok fine. I will take you somewhere you'll definitely love."
"It should be," saad nito at ibinalik ang tingin sa unahan.
Kahit kailan talaga napakalamig ng boses niya pero kahit ganun ay hindi pa rin nagbabago ang pagkagusto ko sa kanya.
She's really interesting.
****
Nang makarating kami sa resort na pagmamay-ari ng pamilya namin agad kong pinagbuksan si Veia ng pintuan sa kotse.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya habang nakatingin sa dalampasigan na siyang may nalatag na mga kandila na siyang nakaform na
HAPPY BIRTHDAY VEIA
"Hindi naman halata noh? Happy birthday!"
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit mo 'to ginagawa?"
"Kasi nga gusto kita at gusto kitang mapasaya."
"Pwes hindi ako masaya ngayon," saad nito at tatalikuran sana ako nito ng bigla ko itong pinigilan gamit ng paghawak sa kamay nito.
"Please. Samahan mo naman ako ngayon na birthday mo," pakiusap ko rito dahilan upang humarap ito sa akin.
"Fine."
Agad ko itong iginaya sa mat na nakalatag sa dalampasigan.
Umupo kami rito habang nakatingin sa dagat at sunset.
"If there's one wish I'm going to wish right now; it is too see you smile," saad ko rito tapos ay tumingin ako sa kanya at dun ko nakitang ngumiti siya ng bahagya.
"Ngumiti ka!" Gulat at natutuwang saad ko rito.
"Namamalik mata ka lang."
"Tama ang nakita ko Veia. Napangiti ko ang isang Veia Jasmine Villamor. Malaking achievement na 'yun," natutuwa kong saad habang ito naman ay nakita ko na lang na napailing.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...