Chapter 10

223 12 3
                                    

Chapter 10

Drew's POV

Di ko talaga maintindihan si Veia.

Basta kahit ayaw niya akong maging kaibigan ay gagawin ko ang lahat para tanggapin niya ang pakikipagkaibigan ko sa kanya.

Pero ano nga ba ang alam ko tungkol sa kanya? Pangalan lang niya ang alam ko.

Paano ko masasabi ang sa sarili ko na isang kaibigan kung ganun?

Naglalakad ako nang may makita akong isang pamilyar na babae.

Agad ko itong nilapitan.

"Hi."

"Um hi rin."

"Di ba ikaw 'yung babaeng iba ang tingin ni Veia sa'yo."

"Veia?"

"Oo. Si Jasmine."

"What about her?"

"Kaano ano mo siya?"

"Kapatid. Ikaw kaano ano mo siya?"

"Di nga? Magkapatid kayo?"

"Oo nga. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Kaano ano niya nga ba ako?

"Malapit na kaming maging magkaibigan."

"Huwag ka ng umasa. Alam mo naman na singtigas pa ng yelo ang puso niya."

"Alam kong mapapalambot ko rin iyon."

"Mahirap palambutin ang pusong nasaktan," sabi nito at umalis na.

Anong meron dun sa babaeng 'yun?

Tsss.

Ang pinagtataka ko lang talaga ay kung magkapatid sila bakit ganun ang lamig ng trato nila sa isa't isa lalo na si Jasmine?

Siguro may nangyari.

Nakakacurious talaga.

Huwag kang mag-alala Drew. Kapag naging magkaibigan na kayo ay maari mo ng malaman kung ano man ang mga bumabagabag sa isipan mo.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

Ba't ba ako nagtiyatiyaga ng ganito para lang maging kaibigan si Jas-- este si Veia?

Ano naman mapapala ko?

Hayy. Buhay nga naman.

Joshua's POV

Naglalakad ako ng mahulog ko ang dala kong ballpen. Yumuko ako para kunin iyon ngunit sa pagkuha kong iyon ay may nakita akong piraso ng papel.

Kinuha ko iyon at binasa.

"You said you hate to see me hurt and you never wanted to see me cry. Now that I cried. Do you close your eyes?"

Alam ko sulat kamay ito ni Jasmine.

Hindi ako maaring magkamali.

Ganun na lang ba talaga ang sakit na binigay ko sa kanya?

I'm so sorry Jasmine. I'm so sorry.

Nadine's POV

Ang swerte ni Jasmine kasi kahit ganun siya may gusto pa ring makipagkaibigan sa kanya.

Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan hanggang ngayon at kung bakit hindi niya magawang magtiwala ulit.

Naibalik ko ang dating Jasmine na walang pakielam sa iba.

Sana nga. Sana ang lalakeng iyon na ang magpapabalik sa kapatid kong  masiyahin at palatawa.

Miss na miss ko na ang kapatid ko pero wala akong magawa.

Sukdulan ang galit niya sa akin.

Naglalakad lamang ako ng biglang may nakabangga ako.

"Nadine ok ka lang?"

"Oh Joshua. O-ok lang ako."

"Good."

"Mukha atang wala ka na naman sa sarili?" tanong niya ng magsimula na kaming maglakad ulit.

"Iniisip ko lang kasi si Jasmine. Awang-awa na ko sa kanya Joshua. Buong buhay niya gusto niya ng mag-isa. Ayaw niyang magtiwala at hanggang maari ay inilalayo niya ang sarili niya sa iba. Ayokong ganun ang buhay ng kapatid ko pero wala akong magawa. Maski ako ayaw  niyang kausapin. Sabagay nasaktan ko siya ng sobra sobra. Dapat lang 'yun sa akin."

"Hindi Nadine. Ako ang may kasalanan nito. Kung hindi ko sinaktan si Jasmine hindi 'to mangyayari. Kung hindi ko sana siya niligawan ok pa sana kayo ngayon ng kapatid mo."

"Naisip ko lang. What if hindi kayo magfiance ni Trinity? Siguro masaya kayo ngayon ng kapatid ko."

"Siguro nga pero tadhana na ang gumawa ng paraan para paghiwalayin kami. Kung sakali mang kami nga para sa isa't isa tadhana rin ang maglalapit sa amin muli. Tadhana na lang ang pinaghahawakan ko Nadine. Tadhana."

Jasmine's POV

"Veia. Ito oh kainin mo pa," sabi nito habang akmang susubuan ako ng siopao.

Kainis.

Bakit ba kasi 'yan nandito?

Imbis na kainin ko 'yun ay tumayo na ako at naglakad paalis.

"Veia sandali. Veia," tawag nito sa akin.

"Veia kausapin mo naman ako oh," saad nito ng makasabay na sa akin pero hindi ko siya inintindia.

"Veia ano ba?" sabi nito tapos hinawakan ang balikat ko at iniharap ako sa kanya.

"Bitawan mo ko," malamig kong utos sa kanya.

"Hindi kita bibitawan. Veia ano pa ba ang dapat kong gawin para maging magkaibigan tayo?"

"Wala. Wala kang dapat gawin dahil hindi ko kailangan ng kaibigan."

"That's ridiculous. Ilan bese mo na 'yan sinabi sa akin pero sasabihin ko rin sa'yo na walang taong nabubuhay mag-isa. 'No man is an island' ika nga nila."

"Walang totoong tao. Lahat sila sasaktan ka lang pagdating ng panahon, sinasadya man o hindi. Wala kang magagawa dahil kasalanan mo. Hinayaan mo silang papasukin sa buhay mo kaya hangga't maari. . ."

"Hangga't  maari ayaw mong makipaglapit sa kahit kanina tama ba?" tanong nito pero hindi ko sinagot.

"Sa buhay di natin maiiwasan ang sakit at siguro nga sa paraang ginagawa mo nagagawa mong umiwas sa sakit pero hindi ka nakakaiwas sa lungkot. Hindi panghabang buhay kaya mong umiwas Veia. Lahat ng tumatakbo nadadapa. Kailangan mo lang bumangon at ipagpatuloy ang laban mo. Ganun ka ba talaga kabilis sumuko?" tanong nito pero hindi ulit ako nakasagot.

"Drew," tawag ng isang babae at niyakap ito.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon