Chapter 35

79 11 0
                                    

Chapter 35

Jasmine's POV
Pagmulat ko ng aking mga mata  ay isang hindi pamilyar na silid ang bumungad sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Drew.

"Bakit ako naririto?"  tanong ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

"Hinimatay ka kanina  sa daan kaya naman dinala kita dito sa hospital."

"Ganun ba. Salamat," mahinang saad ko at inihilig ang ulo sa kabilang side.

"Nahihirapan ka bang huminga minsan? O kaya naman naninikip ang dibdib mo?" tanong niya dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Tama ako, di ba?"

"Paano mo nalamanan? Hayy bakit ko ba naman tinanong? Syempre nasa hospital tayo kaya malalaman ng doctor ang kalagayan ko. Mamatay na ba ako?"

"Ano ka ba naman Veia! Huwag mong sabihin 'yan. Hindi ka mamatay. Gagawin natin ang lahat para gumaling ka."

"Kung makapagsalita ka naman parang malalala ang sakit ko ah," wika ko at pagkatapos ay napatigil ako.

"Sandali. Malalala na ang kalagayan ko?"

"Veia, magagawan natin ng paraan 'to. Hindi pa naman huli ang lahat," sipi niya at pagkatapos ay napangiti ako ng mapakla.

"There's no point of fighting kung wala naman akong dapat ipaglaban. Kung hanggang dito na lang talaga ako then I will embrace it wholeheartedly."

"Bakit ba napakadaling sabihin mo 'yan?  Huwag ka naman maging selfish Veia!"

"Sandali. Bakit ka ba nagagalit?"

"Dahil sa'yo. Kapag nawala ka hindi naman ikaw ang maghihirap kundi kaming maiiwan mo. Sa tingin mo ba madaling tanggapin kung sakaling mawala ka."

"Wala namang malulungkot kung sakali Drew."

"Hindi totoo 'yan! Paano ang pamilya mo? Si tita? Si Nadine? At ako? Paano kami?" aniya kaya naman napatingin na lamang ako sa kanyang mga mata at ganun rin siya sa akin.

Panginoon, kung ito ang gusto mo ay hindi ako tatanggi. Siguro naawa ka sa akin kaya mo 'to ibinigay sa akin.

Pagod ka na sigurong makita akong tinatalikuran ng mga tao sa paligid ko.

Drew's POV
Nandito ako ngayon sa sala ng bahay nila Veia at kasalukuyang nakaupo sa sofa nila.

"Alam mo ba kung nasaan si Jasmine? Gabi na pero hanggang ngayon wala pa rin 'yung batang 'yun. Kahit kailan talaga puro sakit lang sa ulo ang ibinibigay ng batang 'yun."

"Oo nga pala Drew, sabi mo may sasabihin kang importante tungkol kay Jasmine. Ano 'yun?" tanong ni Nadine at nakita ko si tita Carmen na napatingin na rin sa akin kasama ang kuryoso niyang mukha.

"Nasa hospital ngayon si Veia."

"Anong ginagawa niya roon? Naaksidente ba siya?" nag-aalalang tanong muli ni Nadine at napailing na lamang ako.

"Kung ganun, bakit siya naroroon?"

"Hinimatay siya kanina sa daan kaya naman dinala ko siya roon," saad ko nakita kong nakahinga ng maluwag si Nadine habang si tita naman ay kanina pa nakikinig lamang.

"Pero sabi ng doctor ay nababara ang hangin na nasa loob ng katawan niya dahilan ng pagkirot ng puso niya. Hindi nito nasusupplyan ng sapat na oxygen ang puso."

"Ibigsabihin nito ay maaring lumala ang kalagayan niya?" tanong ni Nadine kaya naman napatango na lamang ako.

Pagkatapos naming mag-usap ay dinala ko sila sa hospital at nagpaalam na rin ako na aalis na.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon