Chapter 11

198 9 0
                                    

Chapter 11

Drew's POV

"Drew," tawag ng isang babae sa akin at niyakap ako.

"Miss na miss na kita Drew."

"Ganun rin ako Barbara pero ngayon pwede bang kumalas ka na," sabi ko tapos si Veia naman ay paalis na kaya kahit hindi pa kumakalas si Barbara ay ako na ang kumalas at hinabol ito at hinablot ang braso niya.

"Sorry. Huwag ka munang umalis," sabi ko pero inalis nito ang braso niya at umalis na nga.

"I'm sensing something Drew."

"Ano na naman 'yan, Barbara?"

"Come on Drew. Huwag mo kong gawing tanga. Alam ko ang mga titig na 'yan at basang basa ko ang mga kilos mo."

"Anong gusto mo ngayon?"

"I don't like that girl Drew."

"So what do you want me to do now?"

"Iwasan mo siya as simple as that."

"Hindi ko gagawin 'yun."

"Come on Drew. Ayaw mo naman atang ako pa ang maghiwalay sa inyong dalawa. Lalo pa't dito na rin ako mag-aaral."

"Halata nga," sabi ko habang tinitingnan ko siya na nakasuot ng uniform.

"Payag ka na bang iwasan ang babaeng 'yun?"

"No. Hindi ko gagawin 'yan. 'Tsaka isa pa wala naman talaga kaming relasyon ni Veia."

"Is that so? Then prove to me," sabi ni Barbara at umalis na nga.

"Kahit kailan talaga si Barbara," sabi ko sa sarili ko na umiiling iling pa.

Jasmine's POV

Naglalakad ako ng makasalubong ko si Joshua. Lalampasan ko na lang sana ito ng bigla niyang hablutin ang wrist ko at hinila na nga ako so ang ending ay tumatakbo kami habang siya ay hila hila pa rin ako.

Tumigil kami sa isang lugar kung saan walang tao kundi kaming dalawa lang.

"Anong kailangan mo?"

"Jasmine pwede bang patawarin mo na si Nadine. Magkapatid kayo at best friends na rin. Please. Kahit huwag na ko. Lubos na kasi talagang nahihirapan si Nadine eh."

"Sana naisip niyo 'yan bago niyo ko niloko."

"Hindi naman namin 'yun sinasadya Jasmine. I'm so sorry talaga. Alam kong hindi maibabalik ng sorry ang lahat pero  pwede pa naman baguhin ang kinabukasan. Please Jasmine. Kung kailangan kong lumuhod para lang mapatawad mo si Nadine gagawin ko."

"Ganun mo ba talaga kamahal si Nadine at talagang magagawa mo 'yan?"

"Umalis ka na. Hinding hindi ko gagawin ang sinasabi mo," sabi ko at umalis na nga ito.

"Poor Jasmine. Iniwan pala ng boyfriend niya at pinagpalit sa sarili niyang kapatid slash bestfriend. Tsk tsk tsk," sabi nito habang umiling iling pa.

"Ano bang kailangan mo sa akin?"

"Kung inaakala mo na porke't iniwan ka ng boyfriend mo ay pwede mo ng landiin si Drew nagkakamali ka. Huwag na huwag mong gagawing rebound si Drew kaya kung ako sa'yo lubayan mo siya."

"Sa kanya mo sabihin 'yan hindi sa akin. Siya ang lapit ng lapit sa akin. Isa pa hindi ko siya gusto at kung sakali man na siya ang may gusto sa akin wala na akong magagawa dun."

"OMG. Napaka-assuming mo talaga. Hinding hindi ka magugustuhan lalong lalo na mamahalin ni Drew. You're not his type kaya never mangyayari 'yun."

"We'll see," sabi ko at tumalikod na at umalis roon.

Barbara's POV

Nakakainis talaga ang babaeng 'yun. Anong problema ng babaeng 'yun?

Duh. Never pa kong pinagsalitaan ng ganun.

Inis na inis ako sa kanya!

Ayoko sa kanya lalong-lalo na para kay Drew.

There is someone better than her.

"Nakita ko ang nangyari," napatingin ako sa nagsalita.

"Who are you?"

"Trinity is the name."

"Barbara."

"I know. Narinig ko. And I must conclude na galit ka sa babaeng nagngangalang Jasmine."

"Of course. Nakakainis siya. Ang ine-expect ko pa naman sana ay matutuwa siyang makita niya ako after how many months pero anong nangyari. Mas inintindi niya pa 'yung Jasmine na 'yun imbis sa akin. Kainis lang talaga 'yun. Ako ang laging prinaprioritize ni Drew pero dumating lang ang Jasmine na 'yan nakalimutan na ko ni Drew."

"May proposal ako sa'yo."

"Sure. Ano 'yun?"

"Bakit hindi tayo magtulungan para gawing miserable ang Jasmine na 'yun?"

"Sige ba. Let's make that Jasmine girl's life miserable."



Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon