Chapter 22
Jasmine's POV
Nandito ako ngayon sa classroom at nakikinig sa isang napakaboring na lesson.
Wala na akong ibang magawa kundi matulog na lang.
Maya maya pa ay naalimpungatan ako at isang pamilyar na mukha ang nakatingin sa akin habang nakangiti at pansin ko rin na naglalabasan na ang iba kong mga kaklase.
"Ba't ka narito?"
"Sinusundo ka?"
"At bakit?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Samahan mo na lang akong maglunch."
"Ayoko," sipi ko at tumayo na nga't kinuha na ang bag ko para makaalis na.
"Sige naman na. Libre ko."
"Libre mo?" tanong ko rito at tumango tango ito.
"Ayoko pa rin," sagot ko at nilampasan ko na nga siya pero kahit hindi ako lumingon sa kanya ay alam kong sumusunod siya.
"Sige naman na Veia. Di ba magkaibigan na tayo? Bakit ayaw mo kong kasabay?" aniya ng makasabay ko ng naglalakad pero hindi ako nagsalita.
"Sige ayaw mo ah," rinig kong saad niya at naramdaman kong wala na siya sa tabi ko.
"Pahiram ng gitara," rinig kong sipi ulit niya pero tulad kanina ay hindi ko na naman inintindi hanggang sa narinig ko na ang musika galing sa gitara.
You'll never enjoy your life
Livin' inside a box
You're so afraid of taking chances
How are you going to reach the top?
Alam na alam ko kung bakit ang kantang 'yan ang naisip niyang kantahin. At tama nga siya. Nakakulong lang ako sa isang kahon na ako mismo ang gumawa.
Rules and regulations
Force you to play it safe
Get rid of all the hesitation
It's time for you to seize the day
Instead of just sitting around
And looking down on tomorrow
You gotta let your feet off the ground
The time is now
Sa pagkakataong ito ay humarap na nga ako sa kanya at kinindatan pa ako ng loko.
Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya pero agad ko naman itong binawi kasi baka lumaki pa ang ulo niya na napangiti niya ako.
I'm waiting, waiting, just waiting
I'm waiting, waiting outside the lines
Waiting outside the lines
Waiting outside the lines
Try to have no regrets
Even if it's just tonight
How you gonna walk ahead
If you keep living blind
Stuck in the same position
You deserve so much more
There's a whole world around us
Just waiting to be explored
Oo, alam ko lagi na lang akong nasa posisyon na 'to. Aloof sa mga tao at ayaw makisalamuha pero mas ok na 'to kesa naman magpasok ako ng mga tao sa buhay ko tapos sasaktan lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...