Chapter 36

77 10 1
                                    

Chapter 36

Joshua's POV
Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni papa pagkatapos ay pumasok na nga ako roon at nadatnan ko siyang nagbabasa ng mga papeles tungkol sa kanyang trabaho.

"Pwede po ba tayong mag-uusap?"

"Oo naman. Tungkol ba 'yun saan?" Tanong niya ng maibaba na ang pen niya at tumingin sa akin.

"Alam kong dati pa akong nakatakda na magpakasal kay Trinity pero hindi ko siya mahal."

"So?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Ayokong magpakasal sa kanya at sana maintindihan mo po ako."

"That's nonsense! Magpapakasal ka sa kanya."

"If you think that marriage is a kind of business agreement then for me it's not. Marriage is a union between two persons in love with each other."

"Now,  you're saying me na may mahal kang iba kaya gusto mong putulin ang kasal niyo, hindi ba?"

"Opo."

"Alam mong hindi mo pwedeng gawin 'yan. Their family is a great asset to our company so you can't back out."

"All my life sinunod ko po kayo kaya sana naman kahit ngayon lang po hayaan mo naman akong magdesisyon para sa sarili ko."

"No. Ako ang ama mo at hangga't sa nabubuhay ako ay ako ang masusunod."

"I'm so sorry pero hindi ko po siya mahal. May mahal na kong iba at handa akong ipaglaban siya kahit ibigsabihin nito ay lalabagin ko ang nais niyo."

"Maaring ngayon ay hindi pero matutunan mo rin siyang mahalin."

"Talaga?" Saad ko at nagpakawala ng isang nanguuyam na ngiti.

"Hindi ba't nagpakasal ka rin kay mama dahil rin sa negosyo, pa. Kaya hanggang sa nagpaalam siya sa mundong 'to ay hindi niya man lang naramdaman na minahal mo siya. Ayokong magkaroon ng pamilya na katulad nito. Kaya pasensya na po kung hindi ko kayo masusunod sa pagkakataong ito," saad ko at tumalikod na sa kanya't nagsimula ng maglakad.

"Joshua bumalik ka dito! Joshua!" Rinig kong tawag niya sa akin pero hindi ko na siya muling tiningnan pa.

I am ready to fight for my love. Kahit ngayon lang maramdaman ko man lang na gumawa ako ng sarili kong tadhana.

Nadine's POV
Magkasama kami ngayon ni Joshua sa isang fast food chain at pansin ko na may malalim siyang iniisip.

"Joshua ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin.

"Oo naman. Nagkausap lang kasi kami ni papa at sinabi ko sa kanya ang kagustuhan kong putulin ang kasunduang kasal namin ni Trinity. "

"Sinabi mo 'yun?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya kaya naman hinawakan niya ang aking kamay at tumango.

"Ayokong matali sa babaeng hindi ko naman mahal. Ikaw ang mahal ko kaya handa akong ipaglaban 'yun para sa huli ay tayo pa rin," nakangiti niyang saad kaya naman napangiti na rin ako pero nabura ito ng maalala ko si Jasmine.

"Alam mo naman na ang kalagayan ngayon ni Jasmine di ba?"

"Oo naman. Naniniwala akong malalampasan niya 'to."

"Ako rin pero mahirap kumapit kung siya mismo ay sa tingin kong bumibitaw na."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya pero umiling na lamang ako.

"Sa tingin ko ay dapat na nating sabihin ang totoo sa kanya. Kailangan niyang malaman kung bakit natin nagawang saktan siya."

"Do you think that it is the right thing to do now?" Tanong niya kaya naman napatango ako.

"Kailangan niyang maintindihan ang dahilan natin. Maybe that is what she needs for her to let go of the past and all of the pain," saad ko at tumango na rin siya bilang pagsang-ayon sa akin.

Hindi man kami magkadugo  ni Jasmine ay mahal ko siyang parang tunay kong kapatid.

Gusto kong lumaban siya at kumapit sa pag-aasang may ligaya ang bawat bukas. She maybe hurt from the past that is why she needs to let go.

Jasmine's POV
Nanonood lang ako sa sala ng drama sa TV.  Si mama maya maya ay sinusubukan akong kausapin pero hindi ko na lang siya pinapansin. Ganito naman ginagawa ko sa kanya dati so what's the difference.

"Jasmine naman. Gusto ko lang naman magkaayos na tayo. Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa'yo pero paano ko ito pupunan kung hindi mo ako hinahayaan," aniya kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Pwede ba tigilan mo na lang ako. Bumalik na lang tayo sa dati, sanay na kasi akong wala kang pakealam sa akin eh," wika ko at ibinalik ko ang tingin ko sa TV. 

"Alam kong hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa akin pero hindi kita susukuan dahil anak kita."

Hindi ko na lamang siya pinansin nang biglang may tumakip sa view ng TV.

"Para sa babaeng kahit lagi akong iniiwasan pero handa akong habulin siya sa kahit saan pa man siya pumunta," nakangiting wika ni Drew pagkatapos ay kunindat sa akin habang ako naman ay umirap na lang.

Lumapit siya sa akin at inabot ang dala niyang white roses.

"Hindi mo ba kukunin, Veia? Nangangalay na ako," aniya ng nakangiti pa rin kaya naman napilitan akong kunin ito sa kanya.

"Maiwan ko na muna kayo," saad ni mama at umalis na habang si Drew naman ay pumalit sa inupuan ni mama.

"Alam kong mabigat ang pinagdaanan mo pero handa akong gabayan ka patungo sa masayang kinabukasan kung hahayaan mo lang ako."

"Kung ginagawa mo 'to dahil sa nakokonsensya ka Drew, pakiusap tigilan mo na. I don't need your sympathy."

"Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa iyong na ginagawa ko ito dahil sa mahal kita? Paniwalaan mo naman ako," wika niya at tumingin ako sa kanya.

"Talaga? Hindi kasi 'yun ang nakikita at  nararamdaman ko. Pare parehas lang kayo, ayaw niyong iwan ko kayo na mabibigat ang inyong loob dahil sa mga ginawa niyo sa akin," saad ko at tumayo na at nagsimula ng maglakad palayo.

"Ikaw? Hanggang kailan ka magtatanim ng galit?" Tanong niya dahilan ng pagtigil ko sa paglalakad pero ilang segundo pa ay nagpatuloy na ko sa paglalakad.

Hatred. Nababalot na nga nito ang puso ko. Maari ngang subukan ko ng palayain ang sarili ko sa sakit at galit pero paano?

Ayokong maging masaya kung kapalit naman nito ay mas malalim na sakit na uukit sa puso ko.

(a/n: konting chapters na lang ang natitira. Hindi ko alam kung ilang chapters pa po ang natitira. Sana po ay patuloy niyo itong suportahan hanggang sa dulo. Kamsa hamnida.)

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon