Chapter 33

76 10 0
                                    

Chapter 33

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang tea house. Sunod sunod na naman ang masasakit na pangyayari sa buhay ko kaya minabuti kong mag-unwind muna at sana sa pag-uwi ko ay hindi ko masilayan ang mukha ng lalakeng nang-iwan sa pamilya niya.

"Can we talk?" napatingin ako sa nagsalita at dun ko nakita si Alexa na matamang nakatingin sa akin pagkatapos ay umupo na siya sa upuang nasa tapat ko.

"Hindi ba't close kayo ni Drew? Maari mo bang sabihin sa akin kung sino ang babaeng dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa akin?" tanong niya sa akin pero nananatili lamang akong nakatingin sa kanya.

"Please, Jasmine. Ayaw kasing sabihin sa akin ni Barbara. I just wanted to know and I think I have the right to know."

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Kay Drew ka na lang lumapit," wika ko pagkatapos ay ibinalik ko na ang pag-inom sa aking milk tea.

"Is it you?" tanong niya dahilan ng pag-angat ko ng tingin sa kanya.

"Hindi imposible na ikaw 'yun Jasmine."

"What if I said yes?" saad ko naman at hindi nakaligtas sa aking mata ang pagigting ng kanyang panga.

"All this time, iniisip ko kung sino ang babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Ikaw lang pala," aniya na may kasabay na iling.

"Kung sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan well you're wrong. Huwag kang magsalita na parang ako ang nanakit sa'yo dahil kung tutuusin 'yan din dapat ang sasabihin ko sa'yo pero hindi kita kailanman sinisi dahil alam kong wala kang kasalanan."

"Pero kung hindi dahil sa iyo hindi niya ko hihiwalayan. Di sana ay masaya kaming magkasamang tinutupad ang mga pangako namin sa isa't isa."

"So I am the villain now," wika ko pagkatapos ay nagpakawala ng isang nakakauyam na ngiti.

"Wala akong magagawa kung 'yan ang iniisip mo sa akin Alexa ang sa akin lang, alam ko sa sarili ko na hindi ko kasalanan ang nagyari," sipi ko at tumayo na nga.

"If you excuse me, mauna na ko," saad kong muli at hindi na hinintay ang sasabihin niya't umalis na ko.

Sa paglalakad ko ay bigla akong tumigil dahil sa naramdaman ko na naman ang paninikip ng aking dibdib.

Makalipas ang kaonting minuto ay nawala rin ito kaya naman nagpatuloy na ko ulit sa paglalakad.

Nadine's POV
Nasa garden ako ngayon iniisip si. . . sino pa ba kundi si Joshua. Matagal tagal na rin nung huli kaming nagkausap at nagkita. Kung pwede lang sanang maibalik na lang ang dati pero alam ko naman na hindi na mangyayari 'yun.

Natigil ang pag-iisip ko nung biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang aking mata nung nakita ko kung sino ang tumatawag.

"H-hello Joshua. Bakit ka napatawag?"

"Nadine sorry napindot ko lang," aniya pagkatapos ay pinutol na niya ang tawag.

Nagsimula ng magunahan ang mga luha sa aking pisngi. Napakasakit marinig ang boses niya dahil alam ko na kahit kailan hindi siya mapapasaakin.

"Bakit lumuluha ka, anak?" tanong ni papa ng makaupo na sa siya sa aking tabi.

"Masakit pala talaga pa na magmahal ng taong kahit kailan ay alam mong hindi magiging sa'yo."

"Paano mo nasabing hindi ka rin niya mamahalin? Hindi naman ikaw siya."

"Pa, si Jasmine naman talaga ang mahal niya hindi naman ako at kahit malabo na magkabalikan pa sila ay hindi pa rin naman kami pwede dahil pagtungtong niya sa tamang edad ay magpapakasal siya sa babaeng nakatakda sa kanya."

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon