Chapter 5

297 15 3
                                    

Chapter 5

Jasmine's POV

It has been a week pagkatapos kong malaman na niloloko lang pala nila ako. Balik ako sa dating ako na bihira lang magsalita at hindi man lang ngumiti. Ang babaeng walang pakielam sa iba at sarili lang ang iniintindi.

"Oh mahal ko handa akong ipaglaban ang ating pagiibigan kahit tutulan man ito ng kahit sino man."

"Maging ako rin ay handang akyatin ang pinakamataas na bundok makapiling ka lamang," cold kong sabi rito.

"Cut. Ano ba Jasmine dati napakagaling mong umarte ngayon halos walang buhay ang pagbato mo ng mga linya. Ilang beses na natin 'tong inulit ah, lagyan mo naman ng buhay. I know you're better than this Jasmine." 

"Actually, I'm not kaya kung kailangan niyo po akong tanggalin at baka makasira ako sa play niyo gawin niyo dahil alam ko na hindi naman talaga ako deserving. You can find someone who is much better than me," cold ko ulit na sabi at umalis na roon.

"Balik na naman si Jasmine sa dati," rinig kong sabi ng isang estyudyante pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

"Ano ka ba? Nung isang linggo pa kaya. Ngayon mo pa lang narerealize."

"Sorry naman."

Mga tao talaga ngayon wala ng ibang gustong gawin kundi magchismis. Pati ako pinagchichismisan.

'Tsaka 'yung bigla kong pagbackout, nakaplano na 'yun. Dahil sa ako na nga ulit ang dating Jasmine ay balik na naman ako sa hindi pagpaparticipate sa mga activities. Sorry na lang sila bumalik ako sa pagiging cold hindi pa tapos 'yung play.

"Jasmine, sandali," rinig kong may tumawag sa akin at pagtinigin ko ay si Diane. Ang babaeng kumuha sa akin upang makasama sa play na 'yan.

"Nagbabackout ka na ba talaga?" tanong nito sa akin ako naman ay tumango lang with cold eyes.

"Pero magaling ka."

"Tulad nga nung sinabi ko, sa isip niyo lang 'yun. May two weeks pa naman bago ipalabas 'yung play. Sigurado ako na makakahanap kayo ng mas magaling sa akin."

"Sige. Kung ayaw mo talaga ay kumanta ka na lang bago magsimula 'yung play. Kung baga intermission number mo," pagpupumilit niya pa sa akin.

"Ayoko."

"Sige na. Kahit anong kantang gusto mo. Kahit hindi related dun sa play. Sayang naman kasi ang talent mo kung hindi maipapakita."

Ang mga tao talaga mapilit. Kahit sinabi ng ayaw, pinipilit pa rin ang gusto nila but come to think of it, pwede kong gamitin ang pagkantang iyon para magpasaring sa dalawang ahas.

"Ok."

"Salamat Jasmine," nakangiti niyang wika kaya tinanguan ko na lamang siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Habang naglalakad ako ay may nakabangga ako.

Si dinami-dami ng pwede kong makabangga siya pa.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Joshua sa akin.

"I'm not ok," saad ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.

"Gusto mo samahan kita sa clinic?"

"Huwag na. Nasaktan na ko kaya wala ka ng magagawa," sabi ko then I left him there.

Double meaning 'yung mga sinabi ko kanina.

How dare he to ask me if I'm ok? Makita ko pa nga lang siya bumibigat na ang pakiramdam ko.

Eto pa ang isa.

"Jasmine, can we talk?"

"No, we can't," I said then left her there.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon