Chapter 23
Nadine's POV
Nandito ako ngayon sa corridor ng second floor high school building at currently nakatingin kay Joshua na naglalaro ng volleyball.
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya.
"Ang gwapo talaga niya noh?" napatingin ako sa nagsalita at dun ko nakita si Trinity na nakatingin rin kay Joshua.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Come on Nadine, alam mo naman na kami ang ikakasal ni Joshua, don't tell me na umaasa ka sa relasyon niyong dalawa?"
"Trinity, bakit mo ba ko kinausap?"
"Wala lang. Napakasakit lang kasi sa loob na 'yung pretend girl friend ng fiancé ko ay hindi man lang ako iniimbitahan sa party niya. Kailan nga ulit 'yun? Bukas na 'yun di ba?"
"Trinity, please ayoko ng gulo." Mariin kong wika.
"Oh ba't ganyan ang tingin mo sa akin? Alam mo you should be nice to me kasi magiging asawa ako ng best friend mo sooner or later."
"Wala akong panahon makipagplastikan sa'yo," sipi ko at nilampasan siya.
"Sa akin wala pero sa sarili mo meron ganun ba?"
"Paano kaya kung sabihin ko kay Joshua na ang best friend niya ay mahal na siya?"
"Don't you dare."
"Why? What would you do princess?" Nanghahamon niyang wika.
"Nakakaawa ka Trinity kasi kahit ikaw pa ang makatuluyan niya, hindi ikaw ang mahal niya."
"Hindi ba't parehas lang tayong nagmahal ng lalakeng hindi tayo ang mahal? Sino nga ba ang babaeng bumihag sa puso niya? Di ba Jasmine ang pangalan nun? Your beloved sister. Nakakaawa ka kasi pwede niya kong matutunang mahalin pag magkasama na kami pero ikaw? Forever, you will be his best friend. Nothing more, nothing less," aniya at umalis na.
Jasmine's POV
Nakatingin lang ako sa kawalan. Bukas na ang mahalagang araw sa buhay ng kapatid ko.
Aaminin ko hanggang ngayon ay galit pa rin ako kay Nadine at hindi ko hahayaan na bukas magiging perpekto ang araw na 'yun para sa kanya. Miserable ako kaya hindi ako makakapayag na masaya silang dalawa sa isa't isa.
Hindi ko inaasahan na biglang may pink roses na tumambad sa mukha ko.
"Hindi mo man lang ba kukunin? Nangangalay na ang kamay ko oh," napatingin naman ako sa nagsalita at dun ko nakita si Drew.
"Tsss," sipi ko at kinuha na nga ang rosas habang siya naman ay umupo na sa tabi ko.
"Alam mo ba na ang ibig sabihin ng kulay na 'yan ay please believe me so please Jasmine kapag sinabi kong mahal kita, paniwalaan mo ako. I am not one of the men out there who make a girl believe he loves her though he do not."
"Kung ganun bakit kailangan mo pang makasama sa sixteen roses ni Nadine?"
"Akala ko ba naintindihan mo na kung bakit."
"Yeah of course. Bukas na pala 'yun baka nakalimutan mo. Hindi magiging masaya ang prinsesa kapag kulang ang knight and shining armors niya."
"Eh hindi naman siya ang prinsesa ko."
"Sino pala?" Nakataas ang kilay kong wika sa kanya.
"Hay naku! Sino pa ba? Kundi ang babaeng nasa harapan ko ngayon na binigyan ko ng rosas at handa kong pag-alayan ng buong buhay ko."
"Huwag mo kong binobola dahil hindi 'yan tatabla sa akin."
"Bakit naman kita bobolahin? Well except for the fact na medyo malusog nga ang katawan mo."
"So sinasabi mo na mataba ako?"
"I mean compared sa kapatid mo mataba ka nga," aniya kaya naman tumayo na nga ako at nagsimula ng maglakad paalis.
"Pero kahit ganun pa man hindi maikakaila na ikaw ang bumihag ng puso ko," wika nito dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
Ngayon nasa harapan ko na siya at hinawakan ang dalawa kong balikat.
"Wala akong pakialam kahit matagalan pa bago mo ko sagutin, bago mo ko matutunang mahalin. Ang mahalaga ipadama ko sa'yo ang pag-ibig na nais kong ialay. I know you have doubts because of your past experience pero iba ko sa kanya Veia. If you can't believe in every word I say then just let me show you my love."
"Drew," mahinang usal ko na parang hangin ang kausap.
Bumitaw na ito sa pagkakahawak sa aking balikat pagkatapos ay hinimas ang ulo ko na parang aso habang nakangiti kaya naman napangiti na rin ako habang nakatingin sa kanya.
Nadine's POV
Wala sa sarili akong naglalakad.
Masakit man tanggapin pero tama si Trinity. We will never be more than friends and that hurts the most.
Ang tanga tanga mo kasi Nadine eh. Alam mo naman na may babae ng nakatakda para sa kanya, hinayaan mo pa ang sarili mong mahulog.
Kaya ka nga pumayag na saktan ang sarili mong kapatid para mas hindi siya masaktan ng sobra tapos sinalo mo naman ngayon ang sakit na dapat mararanasan niya.
Habang naglalakad ako ay may naramdaman na lang akong humigit ng braso ko.
"Magpapakamatay ka ba? Nadine naman birthday mo na bukas tsaka mo pa naisipan magpakamatay. Isa pa kung magpapakamatay ka huwag mo ng idamay ang taong nasa loob ng kotse na muntik pang makabangga sa'yo," wala akong naririnig sapagka't nakatuon lang ang atensyon ko sa mukha niya.
"Nadine ano ba? Magsalita ka nga diyan at kinakabahan ako sa'yo."
"J-joshua."
"Thank goodness. Ano bang pumasok sa kokorte mo at bigla ka na lang tumawid? Ni hindi mo ata alam na naglalakad ka eh. Pinag-alala mo ko ng sobra, alam mo ba 'yun?"
"Sorry hindi ko naman ginusto 'to eh. Hinding hindi," sipi ko habang tumutulo ang mga luha't umiiling.
"Shhh. I'm sorry kung nasigawan kita," aniya at niyakap ako at hinahagod ang likod ko habang ako naman ay walang tigil sa pag-iyak.
I know after tomorrow, everything will be over.
It's hard to accept but there's no more choice to do but to accept the mere fact the I will be his forever best friend and not the way I want it to be.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...