Chapter 38
Drew's POV
Pagdating ko sa bahay ay naabutan kong naghihintay sa akin si Alexa sa sala. Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero ako ang unang bumawi at nagpatuloy na sa aking paglalakad ng tawagin niya ang ngalan ko."Drew alam kong hindi maganda ang nangyari sa ating dalawa. I'd never expected it to happen pero ano bang magagawa ko? Tao lang naman ako na minamahal ka. Sana naman bigyan mo ng second chance ang relationship natin." Humarap ako sa kanya.
"Sometimes broken relationship is like a mirror Alexa, you need to leave it to broken than to hurt yourself trying to fix it," wika ko at nakita kong may tumulong luha sa kanyang kaliwang mata.
"Drew, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka. Please, subukan ulit natin," aniya at umiling na lamang.
" Alexa better learn to live without me. Huwag mong gawin 'to sa sarili mo. You deserve better than me. Someone na gagawin kang sentro ng mundo niya and I'm sorry because that's not me." Tumalikod na ko't nagpatuloy na sa paglalakad. Narinig ko siyang humikbi pero hindi ako nagbalak na lingunin o balikan siya.
Mas mahihirapan siya kapag kinomfort ko pa siya. She needs to move on from me.
Jasmine's POV
Kasama ko ngayon ang magnobyang si Nadine at Joshua sa sala. Napatingin ako sa magkahawak kamay nilang mga kamay pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito."Jasmine alam kong malaki ang naging kasalanan namin sa'yo at kaya kami narito upang magpaliwanag."
"Ano pa bang dapat niyong ipaliwanag Nadine? Nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa doon."
"Naisip kasi namin that telling you the truth is what you need to let go. Nakulong ka sa mga kasinungalingan namin ni Joshua kaya hanggang ngayon hindi ka makausad."
"Jasmine we never meant to hurt you lalong lalo na si Nadine dahil mahal na mahal ka niya. Totoo lahat ng pinakita at sinabi ko sa iyo dati. Totoong minahal kita pero hindi sapat iyon para mailayo ka sa sakit. Nang malaman kong itinakda ako kay Trinity gumuho ang mundo ko. Mahal kita pero alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo ang totoo."
"Kaya mo ko niloko?" Umiling siya agad.
"Jasmine hindi ko intensyong lokohin ka. Kinailangan ko noon ang tulong ni Nadine. Nung sinabi ko sa kanya ang dahilan ay pumayag siya. We just want to save you from more pain even it means you will hate us. Kung ibabalik ko ang pagkakataon ay gagawin ko ulit 'yun, huwag ka lang mas masaktan pa."
Gustong magproseso ng utak ko sa mga sinabi ni Joshua pero ayaw niyang tanggapin ang mga ito.
"Jasmine, we're sorry for hurting you. Hindi man namin sinadya still we did it," wikang muli ni Joshua.
"Isang tanong Joshua, mahal mo ba si Nadine?" Nagkatinginan silang dalawa dahil sa aking tanong pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin niya sa akin.
"Mahal na mahal. Matagal ko man bago na-realize ay masaya ko at tinanggap pa rin ako ng kapatid kahit alam niyang nakatakda na ko sa iba pero huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakasal kay Trinity kahit ano pang mangyari," nakangiti niyang sipi.
"Then good for both of you. Sana maging masaya kayo." Tumayo ako at nagsimula ng maglakad.
"Salamat, Jasmine," wika ni Nadine kaya napatigil ako. Itinaas ko na lang ng bahagya ang kamay ko na nagpaparating na 'ok' at nagpatuloy na ko sa paglalakad.
**
Hindi mawala sa isipan ko ang naging pag-uusap naming tatlo habang naglalakad ako upang makalanghap ako ng sariwang hangin. Naging mali man ang pamamaraan nila ay malinaw sa aking ako lang naman ang iniisip nila sa mga panahong iyon.Hirap na hirap siguro sila ng pagsalitaan ko sila ng masasakit na salita at ng iwasan ko sila't itratong parang hangin sa buhay ko lalong lalo na si Nadine. Grabe pala talaga ang naging galit ko sa kanila na nagawa ko silang tiisin. I'm so busy enduring the pain that I forgot that they have feelings too.
Siguro nga mali ako na magalit sa kanila ng sobra pero ganun akong tao eh - mapagtanim ng sama ng loob.
Nung marinig ko 'yung tunay na dahilan ay nakaramdam ako ng pagluwag ng aking puso. I'd been hating them so long. Siguro nga tama sila that knowing the truth will help me to let go.
Lahat sila sinaktan ako but they all have reasons why they do such act. Ako ang naging miserable dahil sa mga rason nila still may karapatan ba talaga akong magalit? Hindi lang naman sila ang may mali, ako rin naman pero bakit hindi ko magawang magpatawad noon?
Napatigil ako ng may babaeng humarang sa dinadaanan ko.
"Alexa," mahina kong sambit sa kanyang pangalan.
Alexa's POV
I need to talk to her dahil kung hindi ko madaan si Drew sa pakiusap, siya baka oo. I need Drew to come back to me."Jasmine alam kong napakakapal na ng mukha ko sa iniisip mo dahil nasa harapan mo ko ngayon upang hilingin na ibalik mo sa akin si Drew."
"Wala akong ibabalik sa iyo dahil wala siya sa akin, isa pa wala namang nagmamay-ari sa kanya. Hindi ako, hindi ikaw. You're talking to the wrong person. I'm sorry," aniya at nilampasan ko pero hinigit ko ang braso niya at padarag ko siyang ibinalik sa puwesto niya kanina. Kinailangan ko ang buong lakas ko upang magawa ko iyon.
"Ganyan ka ba talaga? Kung makapagsalita ka parang wala kang kasalanan dito well in fact kung hindi ka niya nakilala, hindi niya ko iiwan. Kasalanan mo 'to, kasalanan mo kung bakit ako nasasaktan ngayon."
" Sige sisihin mo ko kung 'yan ang makakapagsaya sa'yo. Blame me all you want Alexa pero ito ang tandaan mo, hindi ako ang dahilan kung bakit ka miserable ngayon. It's your own choice not mine."
"Wow! Ang galing mo rin naman. Mang-aagaw ka kasi. Kulang na ba ang mga lalake sa mundo para kunin mo pati ang akin. Kung. . . " hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakahawak na siya sa dibdib niya at parang nahihirapan siyang huminga.
"Jasmine, anong nangyauari sa'yo?" Natataranta kong tanong sa kanya pero hindi niya ako magawang sagutin dahil hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa dibdib niya.
"Kung umaarte ka lang tigilan mo na please. Hindi magandang biro 'to."
"T-tu. . .lu. . .ngan mo. . . a. . . ko," nahihirapan niyang wika.
"Sandali. Tatawag lang ako ng taxi," saad ko at nagsimula ng tumawag sa isang grab taxi.
"Opo. Opo. Pakibilisan naman po," sipi ko at ibinaba na ang tawag.
Binalikan ko ng tingin si Jasmine at dinaluhan ko na siya.
Gosh! Ano bang nangyayari sa kanya? Punong puno na siya ng pawis at pumipikit na rin ang kanyang mga mata.
"Huwag kang matulog. Jasmine naririnig mo ba ko? Hey! I said don't sleep."
"Nasaan na ba 'yung taxi? Ba't ang tagal?"
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin. Sumakay ako at isinakay na rin si Jasmine.
"Bring us to the nearest hospital. "
Kahit galit ako sa kanya ay hindi ko naman ginusto na mapahamak siya. Sana ok lang siya.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...