Chapter 30

96 9 1
                                    

Chapter 31

Nakabihis na ako ng uniform at handang handa na akong pumasok. Sa totoo lang ayokong pumasok pero ano pa ba ang bago?

I needed to go to school kesa magmukmok dito sa bahay.

Pagbaba ko ay nadatnan ko si Nadine at si mama na kumakain sa hapagkainan. Hindi ko na sila pinansin sahalip ay dumiretso na ako sa paglalakad ng bigla akong tawagin ni Nadine kaya naman napatigil ako at napatingin sa kanila.

"Kumain ka muna ng breakfast," nakangiting alok niya sa akin.

How can she manage to smile despite of our dad's return?

"Kayo na lang," I responded then continue to walk.

Pagdating ko sa paaralan ay dumiretso na ako sa classroom. Wala pang tao sa kadahilanang napaka-aga pa. Kinuha ang notebook ko at nagsimulang magsulat ng kung ano-ano.

Nakaupo lang ako ng makita kong may pares ng pamilyar na sapatos ang nakita ko.

"Veia," mahinang sambit niya sa pangalan kaya naman napaangat ang ulo ko at tiningnan siya.

"Alam kong kasalanan ko kung bakit ka nasasaktan. Alam kong mali na minahal kita. Pinagmukha kitang tanga pero hindi iyon ang intensyon ko. Totoong mahal kita, sana huwag mong husgahan ang nararamdaman ko dahil sa kasalanan ko. Naiintindihan ko kung sisigawan o iiwasan mo ko kasi g*go ako eh. Pero gusto ko lang sabihin sa' yo na handa akong patunayan ang pag-ibig ko sa'yo," aniya at nagsimula ng maglakad palayo.

"Never believe him again Jasmine," I whisper to myself habang nakatingin sa palayong Drew.

Joshua's POV
Nasa may field ako at nakaupo sa bench ng mag-isa ng biglang mahagip ng mata ko si Nadine na masayang at naglalakad nakikipagkwentuhan dun sa isa naming lalakeng kaklase.

"Kung makangiti wagas pero sa akin ni isang hi walang maibigay. Tss," bulong ko sa sarili ko habang nakamasid sa kanilang dalawa.

Nawala sa paningin ko silang dalawa sapagka't nakatayo ngayon sa harapan ko si Trinity.

"Why do you even care?"

"Trinity, kung manggugulo ka lang, pwede bang iwanan mo na lang ako."

"Bakit Joshua? Sino ba siya buhay mo?"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Si Nadine, are you falling for her?" I was taken aback on her question.

"See, ni hindi mo nga masagot ang tanong ko."

"Best friend ko siya Trinity," mahina kong usal.

"Pero hindi 'yun ang nararamdaman niya."

'Alam ko,' gusto ko sana 'yan sabihin sa kanya pero hindi na lamang ako nagsalita.

"That girl has feelings for you. Lumayo ka na for you to save her."

"There's no need," saad ko at tumayo na at nilampasan na siya.

"Ikaw ay para sa akin lang Joshua, remember that," saad niya dahilan ng pagkatigil ko sa paglalakad.

Bakit ko kailangang saktan ang mga mahalagang babae sa akin para lang sa'yo Trinity?

I never meant to hurt Jasmine but I still did for me to save her and now Nadine, kailangan kong masanay na ganito kami sa isa't-isa dahil in the first place nasaktan ko na siya sinadya ko man o hindi.

I guess mabuti na rin 'tong nilalayuan ako ni Nadine para hindi ko na siya mas masaktan pa.

Barbara's POV
Nakasalubong ko si Jasmine dito sa corridor at buti na lang walang masyadong tao.

She gave me those inexpressive cold eyes.

I feel so sorry for her.

"Jasmine."

"Siguro masaya ka na dahil nasasaktan ako?"

"Bakit naman ako magiging masaya na may nasasaktang ibang tao? If you think na gusto kong saktan ka well, you're wrong, binalaan lang kita na layuan si Drew para hindi na humantong sa ganito."

"Yeah, dapat nakinig ako sa'yo. Salamat," sarkastikong saad nito pagkatapos ay nilampasan na ako.

Bakit parang ako pa ang nagmukhang masama? Kung naging harsh man ako sa kanya 'yun ay para layuan niya si Drew dahil alam kong darating sa puntong ito.

Well, if she doesn't recognize it then I don't care at least malinis ang konsensya ko na wala akong ginawang masama.

Drew's POV
Pag-uwi ko sa bahay ay ang matamis na ngiti ni Alexa ang bumungad sa akin.

Paano ko sasaktan ang isang babae katulad niya?

Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari nung isang araw.

"Anong sasabihin mo sa akin?"

"Alexa wala naman. Hindi naman importante."

"Sure?"

"Yup."

"Ok. Pinagbake pala kita ng cake. Sandali kukunin ko lang," aniya at umalis na at binigyan naman ako ni Barbara ng iling.

"Hindi ko pa kaya."

"I know. Matagal rin ang pinagsamahan niyo pero Drew huwag mong patagalin kasi habang tumatatagal kasi mas lumalala ang sitwasyon," wika ni Barbara kaya naman napatango na lamang ako.

"Drew, ayos ka lang?" tanong ni Alexa dahilan upang mabalik ako sa reyalidad. Nasa sala kami ngayon at nanonood ng TV.

"Oo naman."

"Pero parang may problema ka eh. Pwede mong sabihin sa akin baka sakaling makatulong ako."

Sana ganun nga lang talaga kadaling sabihin sa'yo.

"Sige kung ayaw mong sabihin ayos lang basta remember na I am always at your side," nakangiting saad niya kaya naman ngumiti na rin ako kahit alam kong pilit naman ito.

Jasmine's POV
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng isa sa taong sobra ang galit ko.

"Anak sana pwede kitang makausap."

How ironic it is na ang daming gustong kumausap sa akin ngayong araw pero ang gusto ko lang ay mapag-isa?

Kailan ba ako nila lulubayan?

"Alam kong galit ka sa akin dahil sa nagawa kong pag-iwan sa inyo ni Nadine. Marami akong naging pagkukulang sa'yo kaya gusto ko sanang humingi ng tawad."

"It must have been really easy for you to leave everything – including us."

"Jasmine it was never easy. 'Yung mga panahon na ipinagdadasal ko na sana kasama ko kayo pero wala akong magawa."

"Bakit ka umalis? You have a choice na isama mo ko pero pinili mo kong iniwan."

"Gusto kitang isama pero ayokong ilayo ka sa mama mo at kay Nadine."

" Kaya ba basta mo na lang akong iniwan? You said babalikan mo ko, oo nga pala you just did after how many years. Bumalik ka kung kailan hindi na kita kailangan," saad ko pero ni isang patak ng luha ay walang tumulo.

I will never let them see how hurting I am. I may be miserable but I will never cry in front of them again.

"Kung galit ka man ngayon naiintindihan ko dahil alam ko balang araw magagawa mo rin akong patawarin," aniya pero hindi ko na lamang pinansin sahalip ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Nakausap mo siya?" tanong ni mama kaya nagkibit balikat na lamang ako at nilampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko dahilan ng pagkatigil ko pagkatapos ay hinarap niya kong muli.

"Jasmine kinukuha ka ba niya?" Nag-aalalang tanong niya.

Really? 'Yun ba talaga ang nararamdaman niya? Baka naman magaling lang siyang artista.

"Bakit? Hindi ka na makapaghintay na mawala ako?"

"How dare you ask me questions like that! Kung gusto kitang ibigay sa kanya eh di sana noon pa," aniya pero hindi na ako sumagot pa. Naglakad na ako paalis at sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako pinigilan.

Sana nga, ginawa mo na lang.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon