Chapter 9

230 13 4
                                    

Chapter 9

Joshua's POV

Alam ko marami ang galit sa akin dahil sa ginawa ko kay Jasmine pero may rason ako kung bakit ko iyon ginawa.

"Kumusta ka na babe."

"Pwede ba, Trinity? Tigilan mo ako."

"Bakit, Joshua? Ano bang mali sa ginagawa ko?"

"Trinity, pwede!"May diin kong bigkas.

"Come on, Joshua. Lagi ka na lang ganyan. Fine kung ayaw mo akong makausap ngayong araw ok lang. Pagbibigyan kita pero tandaan mo you can never hide from me, my dear. I am made for you and you are made for me and there's nothing you can do about it so just accept it. Got to go. Mukhang nandito na ang girlfriend mo." She said and emphasizing the word girlfriend before she left immediately.

"Mukhang kinukulit ka na naman ni Trinity ah."

"Oo nga, Nadine."

"Pero tulad nang sinabi niya hindi mo siya pwedeng iwasan na lang habang buhay. Fiancée mo siya at kayo ang ikakasal pagdating ng panahon." Sabi ni Nadine dahilan upang mapabuntong hininga na lamang ako.

Si Trinity Velasco ay fiancée ko at siya rin ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Jasmine, hindi si Nadine.

Trinity's POV

Marami siguro ang naiinis sa akin dahil sa maldita kong ugali. But you can blame me all you want dahil ganun talaga ako.

Marunong akong ipaglaban ang alam kong akin at kasama na roon si Joshua.

Mahal ko siya kaya akin siya.

Galit ako sa magkapatid na Villamor dahil simula nung nagtransfer sila ay nakuha nila ang lahat na para sa akin.

Galit ako kay Nadine dahil sa kanya hindi na ako nagtop 1 at lagi na lang akong pangalawa sa Nadine na 'yan. Tapos malalaman ko na magkaibigan na sila Nadine at Joshua, hindi lang basta magkaibigan, magbestfriend pa sila.

Then that Jasmine girl.

Wala akong pakielam sa kanya and I don't care kung magtop man siya sa honor roll at least hindi ko siya ka-batch pero nagalit ako sa babaeng 'yan ng malaman kong nililigawan siya ni Joshua.

Napakamangaagaw talaga ng magkapatid na 'yun. And then hindi pa nakuntento at sinagot pa si Joshua.

Hindi ako makakapayag na maagaw niya sa akin si Joshua kaya naman nung nalaman kong nalulugi na ang kumpanya nila Joshua ay nakiusap ako kay daddy.

"Please dad."

"Ok. I will invest in that company. Anything for you, my precious."

"Thank you dad." Sabi ko at niyakap siya.

Nalala ko rin nung nalaman ni Joshua na ako ang fiancée niya.

Hindi siya makapaniwala at dun sa paguusap naming iyon ay naging pabor sa akin ang lahat.

"Ikaw pala ang fiance ko," I said with a hint of shock on my voice.

"Oo nga. Nagulat nga rin ako."

"Hindi naman sa ayaw kitang mapangasawa pero Trinity ano kasi..."

"Anong, ano kasi?" I asked.

"Hindi kasi kita mahal."

"Alam ko pero wala naman tayong magagawa. Lalo ka na. Oo nga't maari kang magbackout pero nakasalalay naman ang kompanya niyo."

"Tama ka at hindi ko maatim na malugi ang kompanya dahil lamang sa hindi ako pumayag ikasal sa'yo. Ang prinoproblema ko ay kung paano ko sasabihin kay Jasmine na fiancée kita eh."

"Pwede naman na hindi mo sabihin eh." Sabi ko rito at nakita kong napatingin siya sa akin.

"I mean, palabasin mo na nangaliwa ka para siya na mismo ang makipagbreak sa'yo."

"Hindi ba't masasaktan siya dun?"

"Oo tama ka. Masasaktan nga siya pero at least alam niyang wala na kayong pag-asa. 'Tsaka mas masakit malaman mo na 'yung taong mahal mo at mahal rin siya ay ikakasal na. Mas masakit umasa sa hindi naman mangyayari."

"Sabihin na nating ok nga 'yang suhestiyon mo para mabawasan ang sakit ni Jasmine pero sino naman ang babaeng pagpapanggapin kong girlfriend?"

"Bakit hindi 'yung kapatid niya o sabihin na nating best friend mo? Si Nadine."

"Tingin mo papayag 'yun?"

"Syempre naman. Para naman sa kapatid at best friend niya ang gagawin niya eh."

"Maraming salamat Trinity ah."

"Walang anuman," I replied with a smile on my face.

Ang dali namang mapaikot ni Joshua.

Pinagpanggap ni Joshua na girlfriend niya si Nadine.

Di ba ang talino ko talaga? I'm just hitting two birds with one stone.

I know na dahil sa nangyari ay mag-aaway ang magkapatid na siyang gusto kong mangyari.

I hate those brats.

That Ashley Nadine Villamor for stealing my top 1 spot in honor.

And that Veia Jasmine Villamor for stealing the heart of my one and only love, Joshua Klein Flordeliz.

Ngayon hinding hindi ko titigilan ang magkapatid na 'yan lalo na't magkaaway sila.

Anong akala nila? Mawawala na lang bigla ang kontrabida sa buhay nila.

Na uh. Nevah.

Joshua's POV

Naglalakad kami ngayon ni Nadine ng makasalubong namin si Jasmine. Nagkatitigan kami at alam kong nakatingin rin si Nadine sa kanya.

Mukha natauhan naman siya nung may lalakeng tumawag sa pangalan niya kaya agad naman itong umalis.

"Veia, sandali. Hintayin mo nga ako." Sabi ng lalake at hinabol si Jasmine.

"Hindi pa rin kayo nagkakaayos ni Jasmine?" Tanong ko kay Nadine nang makaalis na sila Jasmine pero hindi na lang siya sumagot.

"Sorry."

"Sorry para saan?" Tanong naman niya.

"Dahil sa akin kaya kayo nagkaaway."

"Ano ka ba ok lang 'yun noh. Alam ko naman na balang araw papatawarin niya rin ako." She said giving me one of the purest smile I saw.

Jasmine's POV

"Bakit mo ba ko sinusundan?"

"Ano ka ba naman, Veia? Bakit ba ayaw mong kasama ako?"

"Ang kulit mo rin eh."

"Come on. Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa'yo."

"Ayoko. Hindi mo ba nakikita na wala akong kaibigan. So bakit ba ako ang gusto mong maging kaibigan? Marami pa naman iba diyan." Cold kong sabi at umalis na.

Iniwan ko siyang mag-isa dun. Bahala siya sa buhay niya.

Maghanap siya ng ibang kaibigan.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon