Epilogue

160 8 2
                                    

Epilogue

Drew's POV
Mabilis nagdaan ang mga buwan at marami ang nagbago tulad na lang na si Barbara na pala at 'yung kinaiinisan niyang lalake na si Kester. Akalain mo 'yun na sila rin pala sa huli. Si Alexa, may communication pa naman kami pero sa ngayon ay focus siya sa pag-aaral. Habang sila Nadine naman at Joshua ay pinaglalaban pa rin ang pagmamahalan nila kahit ayaw ng papa ni Joshua kay Nadine. Pilit pa rin silang pinaghihiwalay ni Trinity ngunit matatag ang kanilang pagmamahalan.

Masaya rin ako dahil nung nakaraang buwan lang ay sinagot na ako ni Veia. Hindi ko makakalimutan ang sandaling 'yun.

Magkasama kami ngayon dito sa beach resort namin. Hinandugan niya ako ng isang kanta sa araw ng birthday ko. Napakaganda talaga ng boses ng babaeng 'to, napakalambing. Pagkatapos niyang kumanta ay hinawakan niya ang aking kamay.

"Drew, napakaswerte ko dahil ako ang babaeng minamahal mo. Hindi ako naniwala sa tadhana pero sa ngayon ay tingin ko'y tadhana ang nagbalik sa'yo sa akin. Marami na tayong pinagdaanan tulad ng masasaya at masasakit na pangyayari pero hindi tayo nito natibag. I'm sorry kung marami ang nasayang nating panahon dahil sa takot na namamayani sa puso ko at sa galit na mayroon ako sa'yo noon. Pero sa pagkakataong ito ay sana mapasaya kita ng lubusan sa pamamagitan ng pagtanggap ng pagmamahal mo sa akin ng buong buo at pagbalik ko nito sa'yo."

"Veia," mahina kong wika.

"I'm willing to be your girlfriend from this day forward Drew," aniya dahilan upang mapatayo ako sa pagkakaupo ko at niyakap siya.

"Thank you. I promise I will protect those smile of yours forever," saad ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

Walang katumbas na saya ang nararamdaman ko ngayon. Si Veia Jasmine Villamor ay girlfriend ko na.

Ngayong araw na ito ay ang first monthsary naming dalawa. Nakasakay kami dito sa aking kotse at patungo kami sa pinakamahalagang lugar sa aming dalawa – ang beach resort. Doon namin gustong ipagdiwang ang mahalagang araw na ito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami rito. Mga alas tres pa lamang ng araw at napakataas pa ng sikat ng araw kaya minabuti naming pumunta muna sa isang mini restaurant sa loob nitong resort upang kumain. Karamihan ng sine-serve nilang pagkain ay seafood. Paborito ni Veia ang seafood cuisines kaya umorder kami ng seafood pasta at tempura. Pati na rin pineapple juice at fruit salad.

"Ang sarap talaga nito," wika ni Veia habang hawak hawak ang tempura.

"Aba hinay hinay lang Veia. Kung makakain naman 'to parang wala ng bukas."

"Eh sa ang sarap," aniya pagkatapos ay sinubo na ang tempurang hawak hawak niya.

Ang cute talaga ng girlfriend ko kahit kailan.

Nang matapos na kaming kumain ay naglibot libot muna kami dito. Excited na excited nga siya eh. Akala mo hindi pa nakapunta dito.

"Picturan mo ko Drew," aniya sabay bigay sa akin ng DSLR niya at nagposing sa napakagandang mini bridge kaya naman wala na akong nagawa kundi kunin ito at pinicturan siya.

"Tapos na po binibini."

"Isa lang naman 'yun eh. Gusto ko marami," aniya sabay ngiti kaya naman napailing na lamang ako.

"Aba. Nahahawaan ka na ng kapatid mo."

"Sige na. Pagkatapos pa-picture tayong dalawa."

"Sige, sige. Ayan 1 2 3 say cheese," saad ko sabay click ng camera.

Mga nakailang shots na rin ang napindot ko pagkatapos ay lumapit na siya sa akin.

"Picture tayong dalawa."

"Wala naman ma-picture," saad ko sabay kurot ng ilong niya.

"Selfie na lang."

"Kung hindi lang talaga kita mahal eh." Mahina kong sambit.

"Ano?"

"Wala. Sabi ko selfie na tayo," wika ko at kinuha na niya ang smartphone niya at nagposing na kaming dalawa. Nang iki-click na niya ang button ay bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Candid shot," wika ko habang nakatingin sa picture naming dalawa.

Madaling lumipas ang oras sa ngayon ay magkasama na kaming dalawa rito sa seashore at nakatingin sa kanina pa naming inaabangan – ang sunset. Napakaganda talagang tingnan ang papalubog na araw lalo na kapag kasama mo ang mahal mo.

Magkahawak ang kamay naming dalawa at nakahilig ang ulo niya sa aking balikat.

"Napakaswerte natin because our moments can be frozen into those beautiful pictures," nakangiti kong wika habang nakatingin pa rin sa sunset.

"Sana pati ang oras na ito ay hindi na matapos pa," naluluha kong wika ng nabitawan na ng malambot niyang kamay ang aking kamay.

Alam ko na darating ang oras na 'to pero napakasakit pala talaga kapag nangyayari sa kasulukuyan.

Bumabalik sa aking isipan ang mga sandaling pinagsaluhan nating dalawa sa lugar na ito. Sana kaya kong ibalik ang mga masasaya at mapapait na ala-alang iyon but I cannot change the truth that I can't.

Saksi ang misteryosong dagat at kulay kahel na kalangitan sa pagmamahalan nating dalawa. Maybe our time together has ended however this love of mine will never fade.

Now, I guess the time has come for me to let you go.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon