Chapter 8

240 11 2
                                    

Chapter 8

"We're here."

"Woah. Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko rito dahil dinala ako sa garden ng school.

Seriously!

Ano bang trip ng lalakeng 'to?

"Wala lang. Trip ko lang na kargahin ka at dalhin ka dito. Walang basagan ng trip, ok?"

"Dahil wala naman pala ay aalis na ako," sabi ko at tumalikod na sa kanya upang makapagsimula nang maglakad.

"Sandali." Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko't hinatak ako paharap kaya naman nagdampi ang aming mga labi namin. Nang marealize namin parehas ang nangyari ay lumayo agad kami sa isa't -isa.

"Umm pasensya na hindi ko sinasadya," aniya habang hinihimas ang kanyang ulo.

"Yeah right." Sabi ko at tumalikod ulit upang makapagsimula na namang maglakad.

"Sandali. Huwag ka munang umalis." Wika niya kaya naman humarap ulit ako sa kanya.

"At bakit? Bigyan mo ako ng magandang rason."

"Wala. Dahil sinabi ko." Saad niya kaya naman napailing na lamang ako at tumalikod ulit dito at tuluyan na akong naglakad paalis.

Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko na naman si Joshua kaya naman natigil ako sa paglalakad at  ganun rin siya. Nagkatinginan kami.

"Sandali, naman." Rinig kong sabi nung lalake. Drew ba ang pangalan nun? Oo. mukhang 'yun nga.

Nang marinig ko ang boses niya ay agad akong nagbawi ng tingin kay Joshua at nagdiretso na sa paglalakad.

"May something sa inyo nang lalakeng 'yun, noh?" tanong  nito sa akin ng makasabay ko na siya.

"Anong pake mo?"

"Sus. Ikaw naman masyado kang masungit. Chill ka lang naman. Ok."

"Tsss."

 "Alam mo kahit hindi mo naman sabihin kung ano ang ugnayan niyo for sure naman akong malalaman ko rin iyon."

"Confident ah."

"Syempre naman.  Matanong ko nga pala. Ba't pala napakacold mong tao? Napakacold rin kasi ng boses mo eh." Anito kaya agad naman akong huminto at tumingin sa kanya.

"I guess you don't have the right to interfere in my life." Cold kong sabi sa kanya at umalis na.

Sino ba siya sa inaakala niya?

Madaling nagdan ang mga oras sa akin ngayong araw tulad ng mga nakaraang araw.

Ano pa bang inaasahan ko? Napakaboring naman talaga ng buhay ko eh.

Bumaba na ako para sana kumain pero pagdating ko sa dining room ay kumakain pa si Nadine kaya naman agad akong tumalikod at babalik na sana sa kwarto ko upang mamaya na lang kumain. Kaya ko pa namang tiisin ang gutom.

"Jasmine. Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Kami ni Joshua? Oo alam kong nagkasala kami pero sana naman mapatawad mo kami. Oo nga't may mali kaming nagawa sa'yo pero sana naman magawa mo rin kaming mapatawad lalo na si Joshua. May mga bagay na wala kang alam. May mga bagay na akala  mo 'yun ang totoo dahil 'yun ang nakikita ng mga mata mo at naririnig ng mga tenga mo pero hindi mo alam na sa likod ng mga bagay na iyon ay may rason kung bakit nangyayari ang lahat. Kung bakit namin nagawang makasakit kahit sa totoo ay wala naman talagang intesyon ng masama," aniya at pagkatapos niyang mga sambitin ang mga linyang ito ay naglakad na ako palayo.

Ano bang pinagsasabi niya?

Oo amiminin ko na siguro ay mali rin ako dahil hindi ko sila mapatawad pero masisi niyo ba ako lalo pa't nasaktan ako ng todo.

Siguro nga darating rin ang araw na mapapatawad ko rin sila pero hindi pa ito ang araw na 'yun. Bakit ba ang pilit din ng isang iyon?

At sana kung dumating man iyon nandyan pa rin sila at hindi nagsasawang maghintay na patawarin ko sila.

Mahirap magpatawad lalo na kung lubos kang nasaktan.

****

Bagong araw na naman at bagong ordinaryong araw na naman ang maaring lumipas.

"Hey, Veia," bati ng isang lalakeng wala ng ibang ginawa kundi bwesitin ang buhay ko.

"Ikaw na naman. Sinusundan mo ba ako?"

"Hindi ah. Huwag kang assuming. Masama 'yun. Nakita lang kitang naglalakad kaya nakisabay na  rin ako sa'yo. Wala pa kasi akong masyadong kakilala dito."

"Problema ko pa ba 'yun?"

"Hindi nga pero malas ka dahil ikaw ang una kong nakilala dito kaya hindi kita  tatantanan." Sabi niya kaya napailing na lamang ako.

Huminto na ako dahil nandito na ako sa room  ko.

"Oh, huwag mong sabihin na sasama ka pa hanggang sa loob ng room ko."

"Siguro, pwede namang makisit-in."

"Ano 'to college? Sorry pero umalis ka na."

"Sige na nga. Until next time."

"Wala ng next time." Sabi ko at pumasok na sa room ko.

"Jasmine sino 'yung pogi na lalakeng 'yun?" Tanong ng malandi kong kaklase.

Tss.

Magpatingin ka na nga ng mata, girl.

Well, aaminin ko he has looks pero hanggang dun lang 'yun noh.

May iba pang nagtanong rin sa akin pero tulad nung ginawa ko kanina ay dinedma ko lang sila at tumungo na ako sa aking upuan.

Drew's POV

Ewan ko ba pero napapangiti na lang ako pagnaalala ko si Veia.

She's so cute lalo na paggalit though hindi masyadong visible sa expressions niya dahil lagi naman itong cold.

Still that makes her more interesting than any other girls

Ano kayang dahilan kung bakit ganun siya?

Of course it has reasons alangan naman na pinanganak siyang ganun na.

Habang naglalakad ako ay nahagip ng aking mata 'yung lalake kahapon na may kasamang ibang babae.

Ano kayang koneksyon niya kay Veia?

Malalaman ko rin 'yan SOON.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon