Chapter 17
"You're kidding right?" tanong ni Barbara sa kanyang kapatid pero iling lamang ang isinagot nito.
"Pero paano si. . ." hindi na pinatapos ni Drew si Barbara sa pagsasalita.
"Nakikiusap ako sa'yo Barbara. Mahalaga ka sa akin pero mahal ko rin si Veia at ayokong nagkakasakitan kayo," aniya sa kanyang kapatid pero umiling iling na lamang si Barbara at umalis na.
"Ano na naman ibigsabihin nang sinabi mo?"
"Starting from this day liligawan na kita."
"Nagpapatawa ka ba?"
"Do I look that I am joking?"
"Ewan ko sa'yo," sipi ko rito kaya naman nilampasan ko na siya ngunit napatigil ako dahil sa paghawak niya sa aking pulsuhan.
"Aalis ka na naman," aniya habang hawak hawak pa rin ako.
"Dahil hindi ako naniniwala sa'yo," sipi ko pagkatapos ay nagsimula na ngang maglakad.
"Then, I will make you believe in everything that I said is true," ika nito kaya naman pagkatapos niyang magsalita ay umalis na nga ako.
There is no such thing as love.
Kung meron.
Bakit magulo ang mundo?
Bakit may nag-aaway at nagpapatayan?
Drew's POV
Napabuntong hininga na lamang ako sa inasta ni Veia.
Oo nga't inaasahan ko naman na ganun ang magiging reaksiyon niya pero hindi ko pa rin nagipigilang masaktan.
Alam kong nabigla ko siya lalo pa't nasaktan na siya sa una niyang pag-ibig pero sisiguraduhin ko na balang araw ay tatanggapin niya rin ang pagmamahal ko kahit hindi man niya ito masuklian.
Ganun naman talaga pagnagmahal?
Aalis na sana ako ngunit pagtalikod ko ay nandoon ang lalakeng nagpaiyak kay Veia.
"Narinig ko lahat na pinag-usapan niyo," aniya pero hindi ako kumibo.
"Nakikiusap ako sa'yo. Huwag na huwag mong sasaktan si Jasmine. Tama na 'yung naramdaman niyang sakit sa pagsinungaling ko sa kanya," aniya at umalis na nga.
Kahit hindi niya sabihin gagawin ko ang lahat para hindi ko masaktan si Veia.
Jasmine's POV
Nasakwarto ako ngayon at kasalukuyang nanonood ng TV ngunit hindi ko man lang naiintindihan ang palabas sapagka't okupado ang isip ko dahil dun sa sinabi ni Drew.
Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit iniisip ko pa 'yun.
Kung kailan pa naman tinanggap ko na siya bilang kaibigan ko ay dun pa siya manliligaw.
Pinatay ko muna ang TV at bumaba sapagka't nakaramdam ako nang gutom.
Sa pagbaba ko ay dun ko nakita ang mukha nang babaeng walang pakielam sa akin.
"Mama," aniya nang babaeng kinasusuklaman ko sa kanyang ina at niyakap pa ito.
"Kumusta ka na Nadine?" tanong nito nang makakalas na sila sa yakap.
"Ok naman ako mama."
"May boyfriend ka na?" tanong nito dahilan upang mamula ang pisngi ni Nadine.
"Mama naman," sagot nito ako naman ay dumiretso na sa kusina at kumuha ng pagkain galing sa ref.
Nagsimula na nga akong kumain. Isang slice ng cheesecake ang kinakain ko ngayon.
I am eating peacefully nang dumating ang dalawang nakakairita sa buhay ko.
"Oh Jasmine nandito ka pala," sipi ni mama habang ako naman ay hindi na lamang umimik.
Kumuha na rin silang dalawa ng pagkain sa ref at umupo na rin dito sa may table.
Binilisan ko ang pagkain ko para makaalis na rito.
"Siguro maraming nagkakandarapa dito sa dalaga ko."
"Hindi naman po mama."
"Siya nga pala Nadine gusto kong makilala ang boyfriend mo. Can you invite him sa dinner kung kailan?"
"Sure ma."
Tsss. Nakakairita silang dalawa.
Nang matapos na ako ay agad akong tumayo at dinala ang pinagkainan ko't nilagay sa lababo.
"Ikaw Jasmine kumusta ka naman?" tanong nito pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad.
"Tingnan mo 'yung kapatid mong 'yun Nadine. Napakawalang modo."
"Hayaan niyo na lang po ma."
Magsama kayong dalawa.
Bumalik na naman ang babaeng walang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin kung gaano ako ka-worthless.
Ang babaeng dahilan kung bakit iniwan ako ni papa. Ang babaeng dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko.
Mali. Hindi nga pala ako miyembro ng pamilyang 'to. Para sa kanya si Nadine lang naman ang anak niya.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit mas mahal at mas pinapaboran niya si Nadine gayung ako naman ang totoo niyang anak.
Si Nadine 'yung ampon pero pakiramdam ko ako ang walang puwang sa bahay na 'to.
Buti pa si papa pantay ang pagtingin niya sa amin ni Nadine pero iniwan niya rin naman ako.
Nasa silid na ako nang biglang may nagtext sa akin.
Kung hindi ito SMART o GLOBE siguradong si Drew 'to. Siya man lang ang binigyan ko nang number ko.
FROM: gumuhit
I hope one of these days I will see you smiling and it will be an honor if I am the reason of that smile.
PS: Palitan mo 'yung pangalan ko sa phone mo. May pangalan ako at hindi 'yun gumuhit pero kung gusto mo pwede mo namang ilagay na honeybabes o kaya nama loveydove. Thank you.
END OF MESSAGE
"Baliw," I said to myself.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...