Chapter 24
Jasmine's POV
Abala na sila mama dahil mamaya na magaganap ang birthday party ng 'kapatid' ko.
Sus mayron pang sixteen roses at candles na nalalaman. Hindi pa nga naman debut nung babaeng 'yun.
Dahil sa inis ko ay nagpunta na lang ako sa isang book store at dun nagtitingin ng mga libro na pwedeng bilhin.
"Oh Veia, ba't ka nandito? Hindi ba dapat tinutulungan mo na ang mama mo at si Nadine para sa party niya mamaya?" Wika ni Drew nang makita ako.
"Kung siya lang naman ang pag-uusapan natin then better yet you should not talk."
"Heto naman masyadong highblood. May napili ka ng libro?" tanong nito kaya tiningnan ko siya pagkatapos ay umiling ako.
"Tinatamad na akong maghanap."
"Kain na lang tayo."
"Ang hilig mo ring kumain noh?"
"Aba syempre naman!"
"Sige," sipi ko at nagsimula na nga kaming naglakad palabas sa book store.
Nang makarating kami sa pinakamalapit na fast food chain ay naghanap na nga kami ng bakanteng table. Ako ang naiwan sa mesa habang siya naman ay umo-order.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na nga siya na dala dala yung oder namin.
"Six ang start mamaya, di ba?" tanong niya ng makaupo na siya.
"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" tanong nito pagkatapos inilapit niya ang mukha niya sa akin. Mga 3 inches na lang ata ang layo.
"Meron ka ba?" mahinang tanong nito kaya naman tiningnan ko siya ng masama at ang loko ay tinawanan lang ako ng mailayo na niya ang mukha niya sa akin.
"Heto naman hindi na mabiro," aniya ng matapos na siyang tumawa.
"Kumain ka na nga lang diyan," sipi ko at nagpatuloy na sa pagkain at siya naman ay nagsimula na ring kumain.
"Sunduin kita sa inyo mamaya para sabay na tayo pumunta sa venue," wika nito kaya napaisip ako.
Sabagay hindi naman ako sasabay sa dalawang babae na 'yun. I'm sure, isang invisible lang ako niyan kung sakali.
"Sure," sagot ko at nang iangat ko ang ulo ko, dun ko siya nakita na ang lapad ng ngiti.
"Tigilan mo nga 'yan at para kang tanga diyan."
"Eh sa masaya ako."
Napailing na lang ako sa nakita ko.
Nadine's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto, nakaharap sa salamin at pilit na ngumingiti.
Mamayang gabi, alam kong ito ang gagawin ko kaya sinasanay ko na ang sarili ko.
Masaya ako sa araw na 'to at the same time malungkot na rin. Masaya ako kasi makakasama ko ang escort slash best friend slash fake boyfriend ko na si Joshua in a very special day of my life however malungkot ako kasi after nito, kailangan ko siyang pakawalan.
Who am I kidding?
Paano ko papakawalan ang taong hindi naman talaga sa akin?
Siguro papakawalan ko na ang sarili ko pati na rin siya sa kasinungalingan na 'to.
I mean, I know he wanted to cut this pretend relationship pero I know in time matatanggap ko rin.
Jasmine's POV
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...