Chapter 4
It has been days since ng maging kami ni Joshua at kinausap ako ni Trinity. Hindi ko na masyadong inisip 'yung sinabi n'ya 'tsaka isa pa sinabi rin naman sakin ni Joshua na wala dapat akong ipagalala. Naniwala naman ako sa kanya dahil mahal ko 'yan eh kaya s'ya dapat ang paniwalaan ko.
BTW nandito lang naman kami ni Joshua sa bench nakaupo naglalambingan nga 'raw'.
"Alam mo mag-aral ka na kaya kasi di ba may quiz kayo."
"Sus sigurado naman ako na makapapasa ako basta ba nandito 'yung inspirasyon ko."
"Sus. Huwag mo nga akong mabola-bola Mr. Flordeliz."
"Bakit? Di ba ikaw naman kasi talaga 'yung inspirasyon ko."
"Oo na nga lang."
"Pero kinikilig 'yan. Uy kinikilig s'ya," sabi nito habang pinopoke ako sa pisngi.
Natigil s'ya nang may biglang lumapit sa amin.
"Um istorbohin ko muna ang paglalambingan niyo. Ano kasi eh. Um di ba Jasmine magaling kang kumanta?"
"Hindi naman," sagot ko dito.
"Sus Ms huwag kang maniwala diyan. Magaling 'yan super," pagsalungat naman ni Joshua sa mga sinabi ko.
"Gusto kasi namin na ikaw ang magbida sa isang musical play."
"Ah ano kasi."
"Oo. Gusto niya 'yun, di ba Jasmine? Gusto mong magbida dun?" tanong sa akin ni Joshua na talagang dinidiin pa.
"Pag-iisipan ko," saad ko dahilan upang tumango siya.
"Maraming salamat," wika nang babae then umalis na siya.
"Bakit mo 'yun sinabi ha?" tanong ko sa kanya na nakapamewang pa.
"Syempre gusto kong sumali ka dun."
"Eh ayaw ko nga."
"Alam mo. Napakaganda ng boses mo 'tsaka naikwento rin sakin ni Nadine na talented ka at paborito mo nung bata ka pa ay magacting-acting."
"Pero ayaw ko. Ilang taon na ko na hindi mga ginagawa 'yun."
"Kaya nga di ba nandito ako para ibalik 'yung dating Jasmine," nakangiting wika niya.
"Pero ayoko talaga."
"Sige. Kung ayaw mo ay magagalit ako sa'yo."
"Sige na nga. Pasalamat ka."
"Pasalamat ako na ano? Na mahal mo ko?"
"Huy huwag masyadong mahangin ah."
"Eh totoo naman di ba?"
"Oo na nga."
****
Naging busy ako these past few weeks dahil malapit na 'yung musical play. Bihira na rin kami magkasama ni Joshua nung mga una ay medyo madalas dalas kaming nagkakasama pero ngayon bihira na talaga. Lagi kasi akong busy kaya kung hindi naman ako busy ay siya naman 'yung busy kaya talagang bihira na talaga kaming magsama.
Naglalakad ako sa corridor nang bigla kong makita si Joshua.
"Joshua."
"Oh Jasmine." Aniya na parang hindi natutuwa na nakita ako.
"Kain tayo ng lunch."
"Ah ano kasi kumain na ko," nag-aalangan niyang wika.
"Ganun ba. Samahan mo na lang ako."
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...