Chapter 18
Nakakainis naman talaga oh dahil sa pagpunta ko sa kusina ay dun ko naabutan sila Nadine na masayang kumakain.
"Ah Jasmine halika, at saluhan mo kaming kumain." Yaya sa akin ni Nadine.
"Hindi na. Nawalan na kasi ako ng gana," sipi ko at tinalikuran ko na sila.
"Bakit ka naman gina ganun ni Jasmine? Hindi ka dapat niya ginaganun." Wika nang ikang pinakamamahal na ina.
"Huwag niyo na lang pong pansinin at magkaka-ayos rin kami nun balang araw."
"Hay naku!"
Hanggang ngayon mababakas pa rin sa puso ko ang galit ko kay Nadine.
Masakit kasi talaga na 'yung babaeng tinuturing kong matalik na kaibigan akala ko ilalayo ako sa sakit 'yun pala magiging sanhi pa ng sakit na naramdaman ko. Ang masaklap pa roon ay kapatid ko pa siya.
At ang aking ina na hindi ko mpagtanto kung bakit paborito niya si Nadine.
Naiintindihan ko kung ito ang paborito pero sana naman binigyan niya ko ng konting aruga at pagmamahal pero hindi ko man lang naramdaman 'yun dahil kahit kailan ay si Nadine ang hinahanap nito.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," sipi ni Drew na biglang sumasabay sa akin sa paglalakad pero hindi na ako kumibo.
"Sinabi ko naman sa'yo na huwag mo kong masyadong isipin dahil lagi ka naman nandito sa puso ko."
"Alam mo, ang corny mo talaga."
"Basta para sa'yo." Ani Drew at kinindatan pa ako.
"Ewan ko sa'yo," sipi ko at nauna na akong maglakad sa kanya pero narinig ko lamang itong tumawa.
Drew's POV
Napatawa na lamang ako habang nakatingin sa likod ng naglalakad na si Veia.
Ang cute cute talaga niyang mainis.
Kahit cold ang pinapakita niya nararamdaman ko na unting-unti ko ng matutunaw ang personalidad niyang iyon.
Handa akong gawin lahat para lang mapalabas ko ang Veia na may pakiramdam. 'Yung hindi natatakot na ipakita ang totoo niyang nararamdaman at sabihin ang tunay niyang saloobin.
Ang misyon ko ay mabigyan ng courage ang takot na si Veia. Gusto kong maging dahilan ng bawat ngiti sa kanyang mala rosas na labi.
Tulad ni Veia ay nagtungo na rin ako sa classroom.
Joshua's POV
Nasa field ako ngayon ay kasalukuyang nakaupo sa bench at nakatingin sa field.
Hindi ko maintindihan pero hawak hawak ko ngayon ay isang pirasong papel.
Akala ko, ok na ko.
Pero nang makita ko 'to sa aking libro na nakapaipit sa pahina ay biglang nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
Pumasok sa isip ko ang araw ng mapulot ko ito.
Naglalakad ako papunta sa computer lab dahil computer na ang sunod naming subject ng mahulog ang notebook na hawak hawak ko.
Kukunin ko na sana 'to ng biglang may nakita akong special paper na nakatupi.
Kinuha ko 'to at dun ko nabasa ang laman nito.
Hindi ako maaring magkamali na sulat kamay ito ni Jasmine.
'You say you hate to see me cry but every time I shed my tears. Tell me, did you close your eyes?'
Hindi ko naman talaga gustong masaktan si Jasmine at mas lalong hindi ko ginusto na umiyak siya ng dahil sa akin kaya kahit nasasaktan ako na may lalakeng handang mahalin siya ay pinipilit kong unawain na mas nararapat siya sa pagmamahal ni Jasmine.
"Mag-isa ka ata. Nasaan na 'yung best friend mo aka pretend girlfriend?"
"Come on, Trinity! Huwag ka ng magsimula."
"What? Wala akong ginagawa," sipi nito na nagmamaangmaangan pa kaya naman inilingan ko na lamang siya habang nakatingin ako sa kanya.
"Ok. Ok. Pero bakit hanggang ngayon nagpapanggap pa rin kayo? Come on Joshua, it looks like ok naman na si Jasmine so why keep on pretending?"
"Hindi naman ganun kadali 'yun, Trinity."
"Why? Unless na lang may nararamdaman ka sa Nadine na iyon."
"Alam mong kaibigan lang ang turing ko kay Nadine."
"Pero ganun rin ba siya sa'yo?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Paano kung hindi lang kaibigan ang tingin niya sa'yo? Or if ever na hindi pa, malay natin kung mas mapapatagalin niyo pa ang pagpapanggap niya who knows baka tuluyan ngang mahulog sa'yo ang loob ni Nadine. Tandaan mo kaya mo nga sinaktan si Jasmine ay para hindi na siya mas masaktan ng sobra pagnalaman niyang fiancée mo ko." Aniya bago niya ako tuluyang iniwan mag-isa.
Si Nadine? Imposible.
Nadine's POV
"Your party should be a party to remember."
"Opo mama pero gusto ko sana 'yung tayo tayo lang."
"Syempre mas maganda kung bongga."
"Oh sige nga po," I sighed in defeat.
She really loves spoiling me kaya minsan ay naawa rin ako kay Jasmine dahil hindi ko pa 'to nakitang ginawa niya sa kapatid ko.
"Isang magaling na fashion designer ang i-ha-hire ko. You should have the most elegant gown of the party."
"At ikaw, you should find your escort para sa party."
"Yes, ma."
"Yung boyfriend na sinasabi mo ang escort mo na lang."
"Sige po. Tatanungin ko." Saad ko at tinanguan siya.
"Ok." Aniya bago ibinalik ang atensyon sa magazine na hawak-hawak.
Nang pagkatapos naming mag-usap ni mama ay agad akong pumunta ng kwarto ko at doon tinawagan si Joshua.
["Oh Nadine napatawag ka."]
"Ah may sasabihin kasi ako sa'yo eh.."
["Ako rin Nadine."]
"Ano 'yun?" tanong ko rito pero hindi ito sumagot.
Doon ako napakunot ng noo.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.
Ano ba ang gusto niyang sabihin sa akin?
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...