Chapter 29
Nadine's POV
Magkasama kami ngayon ni mama at nagmo-movie marathon at kinakain na rin 'yung ginawa naming cookies ng biglang may nagdoorbell."Ma'am Carmen may naghahanap po sa inyo."
"Sino raw?"
"Oscar daw po eh," nagulat ako sa narinig kong pangalan kaya agad naman akong napatingin kay mama.
"Ma," mahina kong usal kaya naman tumingin rin ito sa akin ng saglit pagkatapos ay tumayo na siya at naglakad kaya agad ko naman siyang sinundan.
"Carmen."
"Anong ginagawa mo dito? Ang kapal naman ng mukha mo na bumalik pa dito."
"Alam kong meron tayong hindi napagkakaunawaan pero sana isantabi mo muna 'yun dahil gusto ko lang naman na makapiling muli ang mga anak ko."
"Wala kang anak Oscar kaya kung pwede ba umalis ka na."
"Pa," tawag ko kay papa kaya parehas silang napatingin sa akin.
"Nadine, pumasok ka sa loob!"
"Ma, gusto kong makausap si papa."
"Pero Nadine. . ."
"Ma, please," pakiusap ko at wala na nga siyang nagawa.
Pumasok kaming tatlo sa loob at doon umupo kami ni papa sa sofa habang si mama naman ay sa loveseat. Pinatay na rin namin 'yung movie dahil hindi na rin namin 'yun matatapos ngayong araw.
"Ang ganda ganda na ng anak ko," aniya kaya naman napaluha na lamang ako.
"Pa, bakit mo kami iniwan? Alam kong lagi kayong nag-aaway ni mama noon pero ba't pinili mong talikuran mo na lang kami?" tanong ko sa kanya at nakita kong tumingin siya kay mama pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.
"Nadine may mga problema kasi kami ng mama. May mga bagay kasi na mahirap sabihin sa inyong magkapatid."
"Bakit hindi mo po sabihin na sa akin ngayon? Malaki na ko, maiintindihan ko na," wika ko at nakita ko siyang pumikit dahil sa pagpipigil niya ng luha.
"Pa, aaminin ko po nagalit ako sa inyo pero kahit ganun pilit kong iniintindi kung bakit mo kailangang umalis. Mahal na mahal kita pa eh. Ngayon, nagmamakaawa ako pa. Gusto kong maliwanagan."
"Mahirap sabihin Nadine kung bakit, pero maniwala ka. Walang araw na lumipas na hindi ko kayo naiisip na magkapatid. Miss na miss ko kayo. Maybe my decision back then was wrong, was selfish but can you blame a wounded person on deciding like that?"
"I understand pa."
Jasmine's POV
Buti naman at tumigil na ang mata ko sa pagluha ko kaya ng makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso papasok."Jasmine," natigil ako ng isang pamilyar na boses.
"Umiyak ka ba? Bakit namamaga ang mata mo?" tanong niya ng malapitan na ako. Akmang hahawakan niya ko pero nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at dumiretso sa kwarto ko.
Ang paghihirap ko sa pagtigil ko sa pag-iyak ay nawala na lang ng parang bula sapagka't nagsimula na naman akong umiyak sa aking kama.
How could this day be so lucky?
Dalawang lalakeng pinahalagahan ko ng sobra, sinaktan lang ako. 'Yung isa, niloko ako at pinaikot. Habang 'yung isa naman bumalik na parang walang nangyari. I hate them for destroying me. I hate them for letting me feel loved then leave me hanging in the end. I hate all of them.
Sa buhay, wala kang ibang kakampi kundi sarili mo. Kapag nagpasok ka ng tao sa buhay mo dapat ihanda mo rin ang sarili mo sa sakit na maari mong maranasan pag-iniwan ka nila, ganun ang buhay. How many times na sinabi ko sa sarili ko na ayoko na pero tanga kasi si Jasmine eh, hindi nakikinig, ang kulit ayan nasaktan na naman.
I just wish one day mawala na lang ako dahil alam ko naman walang malulungkot pag nangyari 'yun.
Drew's POV
Nasa garden kami ngayon ni Barbara at ikwinento ko na sa kanya 'yung nangyari kanina."Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, kawawa naman si Jasmine kung ganun."
"Akala ko ba inis ka kay Jasmine?"
"Hindi ako inis kay Jasmine. Naiinis ako sa ginawa mo kaya binalaan ko siya, pinakitaan ko siya ng masama para layuan ka niya pero walang effect."
"Barbara, gusto ko siyang makausap."
"Makausap? Bakit hindi mo na lang siya hayaan? Maawa ka naman sa kanya oh!"
"Pero totoo 'tong nararamdaman ko sa kanya."
"Wala nagsasabi na pinaglaruan mo siya."
"Pero 'yun ang iniisip niya."
"Alam mo sa pagkakataong 'to hindi mahalaga kung anong iniisip niya, kung anong nararamdaman mo dahil kahit maliwanagan pa siya it doesn't change the fact that what you had is pure mistake. Sa tingin ko ang dapat mong iniisip ngayon kung paano mo sasabihin ito kay Alexa. Hindi lang naman si Jasmine ang biktima dito, si Alexa din. Kailangan 'tong malaman ni Alexa."
"Ano ang dapat kong malaman?" tanong ni Alexa kaya agad kaming napatingin ni Barbara sa kanya.
Nadine's POV
Gabi na at tapos na rin kaming magdinner ni mama."Hindi pa rin ba bumababa si Jasmine?" tanong ko sa isa sa katulong.
"Hindi pa po eh."
"Sige salamat," nakangiti kong tugon at umalis na ito.
"Nabigla ata sa biglang pagbalik ni Oscar."
"Oo nga po ma eh. Sige po ihahanda ko lang 'yung pagkain niya pagkatapos dadalhin ko na kay Jasmine," paalam ko sa kanya kaya naman tumango na lamang siya.
Nang mahanda ko na ang pagkain ay agad akong nagtungo sa silid na Jasmine. Pagkatapos kumatok ay pumasok na at inilapag ang pagkain sa mesa malapit sa kama. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Dilat pa ang kanyang mga mata pero mugto na ito sa kakaiyak.
"Jasmine alam kong nabigla ka sa pagbabalik ni papa, ganun din ako eh. Alam kong galit ka sa kanya. Siya ang pinakaunang dahilan kung bakit ka naging cold at aloof pero Jasmine huwag ka naman sanang magpalamon sa galit. Kilala kita eh, grabe kang magtanim ng galit. Jasmine baka 'yan na galit na 'yan ang maging dahilan ng pagkasira ng buhay mo," wika ko pero wala akong natanggap na response sa kanya.
"Si papa nga pala umalis na, ang sabi niya ay alagaan mo ang sarili mo. Nagdala rin ako ng pagkain sa'yo. Magdinner ka na. Huwag mong gutumin ang sarili mo," saad ko at lumabas na sa kanyang silid.
Awang-awa ako kay Jasmine, halatang napakabigat na ng dinadala niyang sakit at galit. Naiintindihan ko si papa kasi kahit ako kailangan kong saktan si Jasmine para lang sa kapakanan niya kahit pa kamuhian niya pa ko habangbuhay.
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...