Chapter 12

185 9 0
                                    

Chapter 12

Jasmine's POV

Dalawang araw na naklipas ng makilala ko 'yung Barbara. Kasulukuyang nasa library ako at nagbabasa nang may maramdaman akong may tumabi sa akin.

"Hi Veia. Mukhang maganda 'yang binabasa mo ah," sabi nito sa'kin pero di ko inintindi.

"Alam mo kahit kailan talaga ang suplada mo," sabi nito kaya naman tumayo na ako sa upuan at umalis na nga roon."

Ramdam ko naman na hindi na ito sumunod.

Naglalakad lang ako sa corridor ng biglang napatid ako kaya naman pinagtawanan ako ng mgga tao doon.

Nang tumingin ako sa gilid ko ay dun ko nakita na tumatawa sila Trinity at Barbara.

Tumayo na ako roon at nagsimula na ngang maglakad palayo.

Habang naglalaakad ako ay rinig na rinig ko pa rin ang tawa nila.

"Anong sa tingin niyo ang ginawa niyo kay Veia?" rinig kong may nagsabi at sa boses na iyon ay alam kong si Drew iyon.

Tumigil lamang ako sa paglalakad pero nakatalikod pa rin ako sa kanila.

"Drew ano bang pinagsasabi mo?"

"Alam mo Barbara hindi na kita kilala. Ano bang nangyari sa'yo sa panahong hindi tayo nagkita?"

"Fine. Pinatid ko nga siya. Ano naman sa'yo kung ginawa ko 'yun?"

"Pag-uusapan natin 'to mamaya," rinig kong sabi nito hanggang may naramdaman akong humila sa akin.

Tumigil kami sa likod ng stage.

"Pasensya ka na sa ginawa ni Barbara kanina ah. Hindi naman talaga 'yun ganun eh. Sadyang di ko lang alam kung bakit niya nagawa 'yung ganung bagay."

"Ok," sabi ko at akmang aalis pa.

"Yun lang sasabihin mo."

"Oo. Ano pa dapat kong sabihin?"

"Kahit ano."

"Sige. Pwede ba lubayan mo na ko. Nakita mo naman ata ang nangyari kanina di ba? Alam ko naman na ikaw 'yung dahilan kung bakit ako pinatid ng barbarang 'yun eh."

"Hilingin mo na kahit ano Veia. Huwag lang 'yun."

"Bakit ba? Ano bang meron sa akin at di mo ko malubaylubayan."

"Nung una gusto ko lang namang maging kaibigan ka pero ngayon iba na ang gusto ko. Gusto kita Veia kaya naman gusto kitang ligawan," sabi nito kaya naman napailing na lamang ako at tinalikuran siya at  nagsimula na nga akong maglakad palayo.

"Totoo ang sinabi ko Veia. Mark my words," rinig ko pang sabi nito.

Tss. Kahit kailan lahat ng tao nakabound na saktan ka kaya paano ka magtitiwala sa salita na  binitawan ng isang taong di mo pa ganun kakilala.

'Yung mga taong akala mo kilala mo na nga nagawa ka pang traydurin. Ibang tao pa kayang kaillan mo lang nakilala.

Joshua's POV

Nasa classroom ako at galit na umupo sa tabi ko si Nadine.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Bwisit kasing Trinity at 'yung kasama niyang babae eh!"

"Bakit?"

"Patidin ba naman si Jasmine. Kung hindi lang dumating si ma'am Porteo sinabunutan ko na 'yung babaeng 'yun," sabi ni Nadine kaya naman tumayo na ko at umalis upang hanapin si Trinity.

Trinity's POV

Nasa cafeteria kami ngayon ng Barbara na 'to.

"Kainis talaga! Never pa akong pinagsalitaan ni Drew ng ganun and  it all because of that Jasmine."

"Yeah right," sabi ko hanggang sa biglang sumulpot si Joshua na halatangg galit na galit.

"Mag-usap tayo," sabi nito at hinila na ako.

"Ano ba! Nasasaktan ako."

"Anong ginawa sa'yo ni Jasmine para ipahiya niyo siya kanina?"

"FYI Joshua Klein Flordeliz, hindi ako ang nagpatid sa kanya. 'Yung kasama kong babae, 'yun 'yung nagpatid sa kanya kaya huwag ka sa akin magalit."

"Kahit na. Kasama ka ng babaeng 'yun at wala ka  man lang ginawa kundi pagtawanan siya."

"Anong gusto mo? Tulungan ko siya. Kasalanan ko bang lampa siya?"

"Hindi ako mapaniwala na isang babaeng tulad mo ang mapapangasawa ko balang araw."

"Hindi mo pa ko lubos na kilala. Baka mas lalong hindi ka makapaniwala sa oras na makilala mo na ang tunay na ako. Marami  pa akong pwedeng gawin na hindi mo aakalain," sabi ko at umalis na nga doon.

Kabwesit!

Ayan. Parehas na tuloy kami ng mood ng pesteng Barbara na 'yan.

Jasmine's POV

Nasa bahay na ako at kasalukuyang nasa kwarto ako binabasa ang isa sa paborito kong libro.

Wala eh. Nakakarelate ako sa bidang babae. Magkaiba nga lang ang paraan namin dalawa pero parehas kami takot magtiwala.

Maya-maya pa ay may kumatok at pumasok na nga si Nadine.

"Ok ka lang ba?"

"Ba't naman ako hindi magiging ok?"

"Dahil sa nangyari kanina."

"Huwag ka ngang magpanggap na concerned. If I know baka nga isa ka sa mga tumatawa."

"Come on Jasmine. Hanggang kailan mo ba ko mapapatawad?" tanong nito pero di na ko sumagot.

"Sige. Labas na ko," sabi nito at lumabas na nga.

Tsss.

Napakagaling talagang artista ng babaeng 'yun.

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon