Chapter 16
Drew's POV
Masaya akong gumising ngayong araw. Napapangiti ako tuwing naaalala ko 'yung nangyari nung kaarawan ni Veia.
Halos isang linggo na ang nakalipas ng pangyayaring iyon. She is still the same cold lady but one thing change and that is she now acknowledge me as her friend.
"Baliw ka ba? " walang emosyong tanong ng kadarating na si Veia kaya tiningnan ko ito ng nakangiti pa rin habang siya naman ay napailing na lamang.
Mas lalo siyang nagmukhang maganda sa paningin ko.
Nasa bench lang pala kami ng school sa malapit sa quadrangle.
Kinuha niya ang mahiwaga niyang notebook at nagsimula na nga siyang magsulat. Kung ano ang sinusulat niya ay hindi ko rin alam.
Agad ko itong kinuha at tumakbo ako ng medyo malayo sa kanya.
"Give me my notebook," mariing sabi niya ngunit umiling lamang ako.
Nagbuntong hininga siya at lumapit na nga siya sa akin at ng akmang kukunin na niya ang notebook niya ay agad ko itong itinaas para hindi niya maabot.
Ilang beses niya ito trinay abutin pero in the end ay hindi niya man lang ito nakuha.
Tumigil na siya at tumalikod na nga sa akin at nagumpisa na siyang maglakad palayo.
"Veia nag-jo-joke lang naman ako eh. Kunin mo na 'tong notebook not," sipi ko habang naglalakad pa rin siya.
Nang hindi man lang ako nito inintindi ay hinabol ko na nga siya.
Nadine's POV
Nang makita ko si Joshua ay agad ko itong pinuntahan. Nasa likod niya pa lamang ako pero kitang kita ko na ang tinitingnan niya, si Drew na hinahabol si Jasmine.
Nang lumingon si Jasmine ay agad kong tinakpan ng dalawang palad ko ang mata ni Joshua dahil alam kong masasaktan lamang siya sa makikita niya.
"Nadine alam kong ikaw 'yan, " aniya kaya tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa kanyang mata.
Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti.
Alam kong nasasaktan siya lalo na't mahal niya ito pero nasasaktan rin ako ngayon.
"Bili tayong pagkain sa canteen, " yaya ko sa kanya kaya naman tumango na lamang siya bilang pagsangayon.
Veia's POV
Nasa classroom ako ngayon habang iniisip ang nangyari kanina.
"Veia, " aniya pagkatapos ay hinawakan ako sa pulsohan para tumigil ako.
Humarap ako sa kanya at dun na nga nagtagpo ang aming mga labi.
After 3 seconds ay dun ko lang narealize ang nangyayari.
Agad akong humiwalay.
"Sorry," aniya pero hindi ko na lamang ito pinansin sa halip ay kinuha ang notebook ko na hawak hawak niya at umalis na nga.
Bumalik ako sa reyalidad ng dumating na nga ang aming guro.
Matapos magdasal ay pinakuha niya kami ng one whole sheet of paper at tinoon ko na lamang sa pinapasagutan ang isip ko.
Drew's POV
Ang tanga tanga ko talaga. sa lahat pa namang mangyayari ay yun pa.
Buti na lang walang nakakitang faculty o nagsumbong na estyudyante kundi lagot kami sa PDA.
PDA nga ba 'yun? It was just an accident pero guilting guilty ako. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.
Hindi pa nga ako nanliligaw ay minus points na agad ako.
Yeah you read it right may balak akong ligawan si Veia.
I do like her or let me just say I am falling in love with her.
Jasmine's POV
Naglalakad na ako ngayon sa quadrangle dahil uuwi na ako ng biglang may tumawag sa akin and I know that voice.
Hinarap ko ito and I found him running towards me.
Nang makalapit na siya ay humawak muna siya sa tuhod niya at naghahabol ng hininga.
"Ang bilis mong maglakad, " ika niya.
"Yan lang ba ang sasabihin mo?"
"Sorry pala dun sa kanina. Alam mo naman na 'yun."
"OK."
"Ok. Yun lang? "
"Anong gusto mong sabihin ko?"
"Wala," aniya kaya naman tumango tango ako at tumalikod na nga sa kanya.
Sa pagtalikod ko ay isang malutong na sampal ang sumalubong sa akin.
"Sinong nagbigay sa iyo ng pahintulot na halikan si Drew? "
"Barbara ano na naman ba ito? "
"Drew hinalikan ka kasi ng walang hiyang babaeng Ito."
"Hindi niya kasalanan yun."
"Kasalanan niya yun kasi humarap siya sa 'yo."
"Alam mong kapatid kita pero hindi ko pahihintulutan tong ginagawa mo. "
So. Magkapatid pala sila. Akala ko may gusto tong Barbara na to kay Drew.
"Isa pa hindi ko papayagan na ganyan ang trato sa babaeng liligawan ko."
What?
Did I heard that right?
Ako? Liligawan niya?
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...