Chapter 7
Jasmine's POV
Kumakain ako ngayon ng breakfast at nandito na rin para kumain si Nadine. Kaya naman tumayo na ako kahit hindi pa ako tapos. Hinawakan niya ang aking kamay upang pigilan ako.
"Hindi ka pa tapos kumain ah," sabi niya kaya naman tiningnan ko na lang siya with my cold face.
"Tapos na ako at kung pwede bitiwan mo na ako dahil papasok na ako sa paaralan." Cold kong sabi and then binitiwan na nga niya ako kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad
Nandito na ako ngayon sa kotse na patungo na nga sa paaralan.
Sayang nga lang at hindi na kami tulad ng dati ni Nadine.
Anong magagawa ko eh mas pinili niyang traydurin ako? Mas pinili niya si Joshua kesa sa akin.
Sayang nga lang at kahit gusto ko pang ibalik ang dating samahan namin eh nahihirapan ako.
Naalala ko kasi ang katrayduran nilang dalawa sa akin.
Masakit talaga ang ginawa nilang dalawa. Ang ginawa nilang panloloko sa akin.
Ang lalakeng akala ko'y handa akong mahalin ng buong buhay niya at ang babaeng binigyan ko na tiwala ko na akala ko'y hindi ako kayang saktan.
Minsan talaga hindi natin kilala ang mga taong maaring saktan tayo ng lubusan.
Sa buhay kailangan ay mag-ingat tayo sa mga taong ating pagkakatiwalaan dahil kahit sino ay maari kang traydurin.
Naglalakad ako dito sa campus ng biglang may ng bwesit na naman sa akin.
"Hey! Hindi ka man lang ba mamamansin?" sabi nito pero hindi ko lang pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Ayaw mo talaga akong pansinin ah," sabi niya then umalis na siya ako naman ay nagpatuloy na lang sa paglalakad.
The next thing I knew is may narinig akong sumisigaw and I know it was HIM.
"GUYS TULUNGAN NIYO NAMAN AKO OH. AYAW KASI AKONG PANSININ NG MAGANDANG BINIBINIG IYON. KUNG UMASTA KASI SIYA PARANG HANGIN LANG AKO. PLEASE TULONG TULONG NAMAN OH."
Nakatingin na sa akin ang halos lahat ng nandito.
Shucks nakakahiya..
"Ms pansinin mo na kasi ang boyfriend mo."
"Oo nga naman. Kawawa naman, ginawa na nga lahat para mapansin mo lang siya."
Rinig kong sabi nila at may mga sinabi pa 'yung iba kaya naman nagdesisyon akong puntahan ang lalake dun sa gitna ng campus at hinila ito. Dinala ko siya sa lugar kung saan kaming dalawa lang.
"Ano bang naisip mo at ginawa mo 'yun?" cold kong tanong peroo halata sa aking boses ang pagkagalit.
"Ayaw mo kasi akong pansinin eh."
"Bakit naman kita papansinin eh ni hindi nga kita kilala?"
"'Yun lang pala eh," sabi ng lalake at inilahad na ang kanang kamay niya at nagpakilala na.
"The name is Drew Morales. Pleasant to meet you Miss..."
"See. Ni hindi mo nga ako kilala eh."
"Kaya nga nakikipagkilala eh."
Ok barado ako dun ah.
"Veia Jasmine Villamor," saad ko pero hindi ako nakipagshake hands kaya naman kinuha niya ang aking kamay at siya ang nagshakehands sa aming dalawa tapos bigla niya itong hinalikan kaya naman agad ko itong kinuha.
"Huwag kang mag-alala in States ganun makipagkilala sa isang binibini kung ayaw mo ng halik sa cheeks o sa lips at si tingin ko ayaw mo naman nun"
Duh. States states pa siyang nalalaman eh nasa Pilipinas siya ngayon eh.
"Can I go now? I have my classes"
"Of course you can," sabi nito kaya naman naglakad na nga ako paalis nang na ako sa room agad.
"Nice meeting you Veia," rinig kong sigaw niya upang marinig ko.
Veia?
Who gave him the permission na tawagin ako sa pangalang iyon?
Tss hayaan na nga lang.
****
Tapos na 'yung klase ko at salamat ay makakauwi na ako.
Naglalakad ako ng campus ng biglang may nagbuhat sa akin na parang bagong kasal.
"Hey put me down," utos ko rito pero hindi man lang ako inintindi.
"I said put me down. Pinagtitinginan na tayo oh."
"So? Hayaan mo sila."
"You're crazy," sabi kaya naman hinayaan ko na lang siya dahil pagnapumiglas pa ako ay maaring maout of balance siya at mahulog ako.
"Good buti naman at hindi ka na nagkukulit," sabi nito at habang naglalakad siya at buhat buhat niya ako ay nakasalubong namin sila Nadine at Joshua.
Tumigil sila sa paglalakad at tumingin sa amin at tumingin rin ako sa kanila pero hindi tumigil si Drew sa paglalakad kaya namn ng malampasan na namin sila ay naagiba na rin ako ng tingin.
"Oh ba't parang natahimik ka diyan?"
"None of your business "
"Ok. Ang taray mo naman."
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Secret."
"Secret secret ka pa diyan," bulong ko sa sarili.
"Ano?"
"Wala."
Saan ba kasi ako dadalhin ng lalakeng to?
Baka naman ibebenta ka niya,Jasmine.
Mukha namang mapagkakatiwalaan siya eh.
(a/n: hey sorry for a very late and very short update. Thanks guys for supporting this story)
BINABASA MO ANG
Letting Go
Teen FictionA person who learns to let go is the strongest of them all. The third year highshool student, Veia Jasmine Villamor is a cold and aloof girl who never dare to let anyone enters her world. She was afraid to get hurt over and over again. Her past keep...