KELLY's POV
Sa kwarto.
Kanina ko pa sinisipat ang sarili sa salamin. Di talaga ako mapakali. Hindi ako kumportable sa pink dress na binigay ni Charlie. >.<
"Ang ganda mo talaga, Kelly. Bagay na bagay sa'yo yang suot mo." bati ng kapapasok na si Camille. Naupo ito sa kama.
"Talaga? Sa tingin mo?" wala sa loob na tanong ko.
"Oo naman! Alam na alam talaga ni Charlie kung ano ang bagay sa'yo. Mamaya nyan, pati lolo niya ma-inlove na sa'yo. Magiging magkaribal pa sila." natatawang dugtong ni Camille.
Tsss. Puro kalokohan. Bat ba kasi tinatanong ko pa 'tong isa na'to, eh lahat naman ng isuot ko, bagay para sa kanya. :|
"Masyadong maiksi, naiilang ako." hinihila ko pababa yung laylayan ng damit na suot ko.
"Hindi naman. Ayos lang. Kinakabahan ka lang kaya ka nagkakaganyan." sabi ni Camille.
At sa totoo lang, tama siya. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito, ampupu. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mamaya.
"Magugustuhan ka ng Lolo ni Charlie, wag kang masyadong mag-alala." sabi na naman ni Camille ng hindi ako magsalita.
"At bakit ako mag-aalala? Psh." pagde-deny ko. Humarap ako sa kanya.
"Kelly!"
Narinig naming tawag ni Mama. Kumakatok siya sa pinto.
"Kelly! Matagal ka pa ba? Andito na si Charlie." kinakalampag na ni Mama ang pinto.
"Nandyan na, sandali lang. Wag ka ngang maingay jan, Ma." sagot ko.
Urgh. Bigla na namang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Sinuklay ko ang buhok, sinulyapan ng minsan pa ang sarili sa salamin at tsaka ako lumabas ng kwarto.
Naabutan ko si Charlie na nakangiti at nakaupo sa sofa.
"Wow! Napakaganda naman talaga ng girlfriend ko." masayang sabi ni Charlie ng makita ako. Tumayo siya at lumapit sa'kin.
"Handa ka na ba, kamahalan?" nilagay niya sa likod ang kaliwang kamay, at saka siya yumuko. Yung kanang kamay niya nakalahad para sa kamay ko. Feeling prinsipe.
"Psh. Ang corny!" pero hindi ko mapigilang mapangiti. Para kasing sira.^_^
Inabot ko yung kamay niya.
"Whoa! Anlamig ng kamay mo, humawak ka ba ng yelo?" natatawang biro niya ng mahawakan ang kamay ko.
"Tumahimik ka nga jan! Kasalanan mo 'to eh." singhal ko. Naglakad na kami patungo sa pinto.
"Tita, Camille, aalis na po kami." paalam ni Charlie habang naglalakad.
"Sige. Enjoy!" masayang sagot sa kanya ni Mama.
Sus. Enjoy? Alam niya ba kung saan kami pupunta? Amp.
"Charlie, ingatan mo si Kelly ha. Pag umuwi ng umiiyak yan, bugbog ka sa'kin." pahabol naman ni Camille bago kami makalabas ng pinto.
"Sino ba talaga ang Mama mo, si Tita or si Camille?" natatawang tanong ni Charlie sa'kin ng makalabas na kami ng gate.
Natawa lang ako.
XXXXX
CHARLIE's POV
"Hello?
Kamusta kayo...po?
Hello?
Kamusta po kayo?
Urgh! Ano ba! Bat ba ang hirap mangupo? :/"
Natatawa ako sa paulit-ulit na pagpapractice ni Kelly. Nasa sasakyan na kami at papunta na sa bahay. Sa likuran kami nakaupo dahil may kasama naman kaming driver.
"Wag ka ngang tumawa jan. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nahihirapan ng ganito eh. Hmp!" nakairap na sabi ni Kelly.
"Wala namang nagsabi sa'yo na ipilit mo si po at opo sa mga salita mo. Relax! Just be yourself." nakangiting payo ko.
Sumimangot si Kelly.
"Nasasabi mo yan kasi wala ka sa kalagayan ko." sabi niya. Lalo akong natawa dahil ngayon ko lang nakita si Kelly na kinakabahan ng ganito.
"Manong, ihinto mo. Bababa ako!" narinig ko na lang na sabi niya sa driver. Pero hindi tumitigil si Manong. Syempre sa'kin lang siya susunod.
"Bababa ka? Bakit?"
"Pinagtatawanan mo na lang ako eh. Amp." masungit na sagot ni Kelly.
"Hinde ah. Kelan ko ginawa yun?" pagkakaila ko.
"Ngayon-ngayon lang. Tsss, gusto mong masaktan? Ako pa ang sinungaling?" nabadtrip talaga si Kelly.
"Sorry na, babe. Natutuwa lang ako dahil kabado ka."
"So pinagkakatuwaan mo nga yung sitwasyon ko?"
"Hindi yon. Natutuwa ako dahil nakikita ko yung determination mo na magustuhan ni Lolo. Ang sweet kaya." nakangiting paliwanag ko. Inirapan ako ni Kelly.
"Paano kasi kapag hindi niya ako nagustuhan? Ano nang mangyayari sa---sa'tin." nahihiyang sabi niya.
Kinuha ko yung kamay niya at tiningnan ko siya sa mata. As usual, nag-iwas si Kelly ng tingin.
"Kahit hindi ka magustuhan ni Lolo, walang magbabago sa'tin. Ikaw pa rin ang Kelly ko, at ako pa rin ang Charlie mo. Harangan man ng sibat, tamaan man ng kidlat, walang makapagpapabago nun. CharKel habang buhay." seryosong sabi ko.
"Tsss. Ang baduy! CharKel." sabi niya sabay bawi ng kamay.
"Kinikilig ka naman eh." pagbibiro ko.
Hindi kumibo si Kelly.
"Kinakabahan ka pa rin ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya.
"Let me tell you something." nakangiting sabi ko. Kumunot ang noo ni Kelly. Sinenyasan ko siyang ilapit ang tenga sa'kin dahil may ibubulong ako. Sumunod naman siya.
"I love you for who you are." nakangiting bulong ko sa kanya. :)