I don't know what to do. Kelly is about to sing.
Tumayo siya kanina at walang alinlangang umakyat ng stage. Siguradong mapapahiya lang siya. Tssss, ano ba kasing naisipan ni Gelou eh.
Lumapit si Kelly sa nagki-keyboard tapos ay pumunta sa gitna hawak ang mic. Nakangiti naman si Gelou.
Nagbubulungan ang mga estudyante, sila man ay hindi makapaniwalang kakanta sa stage si Kelly.
Maganda ba boses niyan?
Bakit siya ang kakanta? Baka ipahiya lang tayo niyan?
Ilan lang iyan sa bulungan nila...at tama naman sila.
"Hello." testing ni Kelly sa mic.
Hala, ayan naaaa!
Napatakip ako ng tenga. Ayokong marinig.
Ayokong marinig ang boses niya.
Ayokong marinig ang sasabihin ng mga nasa paligid ko pag narinig nila ang boses ni Kelly.
"There's a song that's inside of my soul." simula ni Kelly sa pagkanta.
Ang boses na yun..
Napatulala hindi lamang ako, maging yung mga estudyanteng kanina ay nanghuhusga kay Kelly. Oo, nakatakip ang tenga ko, pero rinig na rinig ko pa rin ang pagkanta niya. Her angelic voice.
"It's the one that I've tried to write over and over again.
I'm awake in the infinite cold.
But you sing to me over and over and over again.
So i lay my head back down.
And I lift my hands and pray
To be only yours, I pray, to be only yours
I know now, you're my only hope."
Ang tahimik ng paligid, lahat ay nakatingin lang kay Kelly. Ang ganda kasi talaga ng boses niya, nakakarelax.
"Oy, pare, akala ko ba boses palaka yang si Kelly? Eh boses anghel. Mukhang napagtripan ka niya kahapon ah." nang-aasar na sabi ni Jared.
"Sshh! Tumahimik ka nga!" sagot ko.
Ayokong makarinig ng kahit na anong boses ngayon liban sa boses ni Kelly. Wala na akong pakialam kahit pinagtripan niya lang ako kahapon. Ang mahalaga, may na-confirm ako ngayon.
"I give you my destiny.
I'm giving you all of me.
I want your symphony, singing in all that I am.
At the top of my lungs,
I'm giving it back."
Tumayo ako sabay palakpak.
Ang galing! Ang galing niya.
Tumayo din ang mag-asawang kano at pumalakpak. Nagsigaya naman ang mga estudyante.
"So I lay my head back down,
And I lift my hands and pray
To be only yours, I pray,
To be only yours, I know now you're my only hope."
Lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao nung matapos niya ang kanta.
Nag-bow siya, pagkatapos ay ibinalik kay Gelou ang mic.
Nagpunta siya ng backstage...
at hindi na ulit nagpakita pa nung araw na iyon.
Worst, hindi na siya nagpakita ng buong linggo na yon. :(
**************************************
Saturday.
Nandito ako sa mall kasama ang tropa. May kanya-kanyang date ang mga walang hiya, di man lang ako sinabihan. Akala ko kaming apat lang. Takte! Out of place ang gwapong si Charlie. Putek!
"Maiwan ko na kayo, maglalakad-lakad na lang akong mag-isa. See you around!" sabi ko na nasa likod ng ulo ang dalawang kamay.
Hindi ko na hinintay na sumagot pa sila. Naglakad na ako ng tuloy-tuloy. Narinig kong tinawag ako ni Vince pero hindi na ko lumingon.
Saan ngayon ako pupunta? Hay, ang boring naman!
Pumunta ako sa hagdan at naupo...kinuha ang earphone sa bulsa at isinalpak sa tenga. Dito muna ako, wala rin naman akong ibang pupuntahan. Ayoko ding umuwi, sesermunan lang ako ni Mama.
Ano kayang nangyari kay Kelly?
One week siyang hindi nagpakita. May problema kaya siya? Or nahihiya lang pumasok ulit?
Wala naman siyang dapat ikahiya eh, napahanga niya nga ang lahat sa pagkanta niya. Hinanap nga rin siya nung mag-asawa, gusto daw siyang mameet.
Nagbuntong-hininga ako. Tapos ay tumayo ulit ako. Sige na nga, uuwi na lang ako at matutulog.
Bumaba ako ng hagdan at nagsimula nang lumakad papunta sa exit. May mga babae akong nadadaanan na halatang nagpapacute sakin.
Sorry girls, I'm not in the mood. :/
Tumingin ako sa relo ko.
11:30 na, kaya pala medyo nagugutom na rin ako. Kung kumain muna kaya ako bago umuwi?
Lumingon ako sa paligid.
Saan ba, Jollibbe, Mcdo, Mang Inasal, Kfc, chowking...
Napatigil ang tingin ko sa chowking. Isang pamilyar na tao ngayon ang nakaupo dun, sa table malapit sa entrance.
"Kelly?"
Lumapit ako para masigurado.
Si Kelly nga...at may kasama siyang lalaki na kasing edad din namin. Hmm, nakikipag-date ba siya? Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko nung naisip kong nakikipag-date sa iba si Kelly. Parang may kurot sa puso.
Baka naman pinsan niya lang to?
Ahhh! Kailangan kong malaman kung sino 'to!
Alalang-alala ko sa kanya tapos nakikipag-date lang pala siya? Damn!
Di na ko nagdalawang isip pa. Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Who are you? What do you want?" tanong sakin nung lalaking singkit ang mata. Mukhang intsik. Reaction ni Kelly ng makita ko? Wala lang. Actually, ni hindi niya ko nilingon. Psss!
"I only need one thing." sagot ko.
"What?" si intsik.
Hinila ko si Kelly patayo.
"My girlfriend." nakangiting sagot ko.
"We're leaving. Ciao!"
Hinila ko si Kelly.