Chapter 1.2

6.8K 134 9
                                    

CHARLIE's POV

"Now class, let's listen to Gelou for her important anouncement."

Katatapos lang ng pang-umagang klase namin at bago kami palabasin ay tinawag pa ni Sir si Gelou, student council president. Tumayo siya sa harapan. Tssss, I'm bored, gustong gusto ko ng lumabas ng room.

"Classmates, alam nyo ba kung ano ang meron this coming sunday?" nakangiting tanong niya. Buong atensyon ng klase ay nakatuon sa kanya.

"Oh-my-gosh! Courage Test?" maarteng sabi ni Rebecca. Ang tinutukoy nito ay ang ginagawa namin every year na courage test kung saan pupunta ang lahat sa school ng bandang alas nuebe ng gabi at maglilibot sa lahat ng room. Ang Student Council ang sagot sa mga pananakot. July pa lang, at malayo pa ang Halloween kaya hindi ko alam kung sinong matino ang nagpakana ng courage test na to. Amputek lang!

"Rebecca got it!" pumapalakpak na sagot ni Gelou. Biglang umingay sa loob ng room, na-excite bigla ang mga kaklase ko.

"Waaaa! Sa sunday na ba iyon? Ow-em, I'm so excited!"

Maarte talaga magsalita ang mga babae sa school nato, ampupu!

"Yes. At lalo kayong maeexcite kapag nalaman nyo kung ano ang prize ng mananalo." si Gelou.

Oo, tama, may nananalo sa courage test. Kung sino yung pinakamatapang, natural. Bale may finish line, kung sino yung matapang na unang makakarating sa music room sa third floor kung saan pinaniniwalaang may tumutugtog ng piano tuwing 12:00midnight. O diba, kalokohan? Putek!

"Wag mo na kaming bitinin, Gelou. Sabihin mo na yung prize!" sigaw ng baklang si Jomary.

"Haha! Wag atat. Eto na... Ang prize ng mananalo ay... Tentenenen... date with Charlie Yuan!" masayang sabi ni Gelou. Napatayo ako sa narinig? Ano daw? Takteng student council, wala akong kaalam-alam pinapang-lottery na pala ako.

Nagsigawan ang lahat ng babae sa room, maliban syempre dun sa isang nasa sulok na tila walang pakialam sa nangyayari. Nakaupo lang siya, naka-earphone at nakatingin sa bintana.

"Sandali, Gelou, walang nagsabi sakin niyan." sabi ko. Balak ko ngang hindi pumunta sa courage test eh, ampupu!

"Sorry, Charlie. Alam naman kasi naming hindi ka papayag eh, kaya di na kami nagpaalam." si Gelou.

Shit lang! Sobra na talaga ang student council.

"Syempre, pag boys ang nanalo, date with Nicole Uy naman."

Si Nicole Uy ang top 1 ng first section. Maganda siya, kaso ang arte!

"O paano, kitakits tayo dito sa school sa sunday! Nine ng gabi, bawal ma-late, okay?" nag "okay sign" pa si Gelou.

Nagpalakpakan ang lahat ng tapusin na niya ang usapan. Lahat ay required umattend sa courage test. Well, wala naman sigurong aayaw sumali dun lalo na at ang premyo ay isang date na kasama ako.

At sa wakas, dinismiss na kami ni Sir. Mabilis akong tumayo at lumabas. Baka naghihintay na sakin sa cafeteria ang tropa.

**************************************

Nagkakagulo na ngayon dito sa hallway. May gulo, at oo, sangkot ako. Hindi naman kami ang nagsimula, itong isang grupo na'to ang nagsimula ng away. Naglalakad lang kami papuntang classroom ng biglang sinuntok yung tropa kong si Vince nung isa sa mga ugok na'to. Naagawan pala ng syota. Shit! Babae lang, pinag-aawayan. Eto nga at napapalibutan ng kami ng mga usiserong estudyante, wala man lang nakialam umawat eh.

"Ayos ka lang ba, tol?" tanong ni Jared kay Vince na napasubsob sa sahig dahil sa lakas ng suntok ng mukang tukmol na'to. Apat lang kami sa tropa, at anim itong kalaban namin. Dehado kami, dude!

"Oh my, may dugo sa ilong ni Papa Vince!" sigaw nung isang babaeng nakikiusyoso.

"What? Hala, di dapat makita ni Charlie yan. Oh my, lagot na!" segunda nung isa pang babae. Mabilis na tinakpan ni Sed si Vince para hindi ko makita...pero huli na. Nakita ko ang dugo sa mukha ni Vince.

"Du-dugo. Dugo. Dugo." paulit-ulit na sabi ko. Naikuyom ko ang palad ko habang paulit-ulit na binabanggit ang dugo.

"Bakit girl, anong meron at hindi dapat makakita ng dugo si Papa Charlie?" tanong nung isang bakla.

"May traumatic experience siya sa dugo. Kapag nakakakita siya nun, nawawala siya sa sarili at nagiging mas bayolente. Nagdidilim ang paningin niya, wala ni isang makakapigil sa kanya hanggat hindi nawawalan ng malay yung binubugbog niya. Nung high school siya, muntik na siyang makapatay dahil dyan." paliwanag nung isa pa.

Tama ang sinabi nila. Sa ngayon, gustong gusto ko ng magwala. Feeling ko gusto kong mambugbog ng tao. Nag-iinit ang kamao ko, at pag hindi ako nakapanakit ngayon, baka sarili ko ang masaktan ko. Unti-unti akong lumapit sa ugok na sumuntok kay Vince. Nagtakbuhan na ang mga kasamahan niya. Madilim ang mukha ko at mahigpit ang pagkakuyom ng palad ko.

"Waaaa! Somebody, please stop him!"

Narinig kong may sumigaw, pero sa kalagayan ko ngayon, no one can stop me.

"Sira ka ba, edi ikaw na lang kung gusto mong ma-ospital, or mamatay."

May sumagot dun sa sumigaw.

Nanginginig sa galit na sinugod ko ang lalaking nasa harapan ko na may kagagawan ng kaguluhan. Nakahanda na ako sa pagsuntok.

Nagpanic ang mga tao sa paligid ko.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon