Konnichiwa, minna! ;)
After two months, nakapag-update din. Ngayon lang nagkaroon ng time mag-update. xD thanks sa mga patuloy na naghihintay ng update. Sorry din kung di nyo magugustuhan to, medyo nalimutan ko kc susunod na eksena sa sobrang tagal di na-update kaya puchu-puchu lang 'to at madalian. Pasensya na!^_^
-rukiaaah
CHARLIE's POV
"Di ba may usapan tayo na hindi ka mag-uuwi ng babae mo dito sa bahay?" sermon ni Mama. Nakatayo sila ni Dad malapit sa pinto ng kwarto ko.
"Ma, iba si Kelly. Hindi siya tulad ng mga babae na dini-date ko before."
"Iba? At paano siya naiba? Walang matinong babae na papayag sumama sa bahay ng isang lalake lalo na at sila lang ang tao sa bahay." si Dad.
Pambihira, umuwi ba talaga sila para alagaan ako o para sermunan?
"Nagmagandang loob lang yung tao. Hay, basta, mahabang kwento! Pwede bang saka na pag-usapan pag magaling na ko? :| "
"Ang sa amin lang ng Mama mo, di ka dpat nagpapasok ng kung sinu-sino lang dito sa bahay."
"Dad, linawin ko lang ah. Unang-una, hindi ako ang nagpapasok sa kanya kundi si Doc. Pangalawa hindi 'kung sino lang' si Kelly. I love her and I'm serious with her."
"What? Alam mo ba yang sinasabi mo Charlie? Serious relationship? Di ko alam na nasa bokabularyo mo ang salitang 'serious'." naiiling na sabi ni Dad. Hay, sakit sa ulo ng dalawa na'to.
"Seryoso ako." maikling sabi ko.
"Mukhang malala nga yata ang sakit mo." si Mama na lumapit pa sa'kin para hipuin ang noo ko.
"Ma..." naiiling na sabi ko.
"Okay fine, serious na kung serious. Ang tanong, hanggang kelan ka nman serious? 1week? 2weeks? 3?"
Nagtalukbong ako ng kumot. Malabong magkaintindihan kami nito. Tsk. Imposible ba talagang mangyari na ang gwapong si Charlie ay nakahanap na ng katapat? Di naman bawal mainlove ang isang gwapo diba? Tsk.
"Uuwi na ng Pinas ang lolo mo next week from his vacation. At alam mo na kung ano ang isa sa mga gagawin niya pagbalik niya dito." pag-iinform ni Mama.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Sa pamilya namin, si lolo lagi ang nasusunod sa mga desisyon, maging sa pag-aasawa. Si lolo ang pumipili ng mapapangasawa ng bawat isa. At alam kong hindi ako makakatakas sa kanya. Tsss!
"Si Kelly lang ang babae para sa'kin. Kung ayaw ni lolo sa kanya, wala na kong magagawa pa dun. Now please... please lang, pwede bang iwanan nyo muna akong mag-isa? Gusto kong magpahinga." pinal na sabi ko. At seryoso ko sa binitiwan kong mga salita.
Hindi ako magpapa-control sa lolo ko. Buong buhay namin, siya na ang nasunod, di ako papayag na pati sa makakasama ko habang buhay eh siya pa rin ang masusunod.
Si Kelly lang ang gusto ko, at paninindigan ko yon no matter what it takes.
*************************************
Friday
KELLY's POV
Hindi pa rin pumapasok si Charlie. Pakialam ko nman, diba? Kahit isang taon siyang hindi magpakita sa'kin, okay lang. Wala akong pakialam sa kanya, buhay niya yun eh. Kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung anong masamang hangin ang nagtulak sa'kin dito sa cafeteria, sa harap ng tatlong ugok na'to. :|
"May number ba kayo ni Charlie?" iwas tinging tanong ko.
"Syempre meron. Anong klaseng kaibigan kami kung number niya lang eh wala kami." pilosopong sagot ni Jared.
"Bakit, kailangan mo?" tanong niya.
"Ay hinde. Ugali ko lang talagang magtanong ng number ng may number. Tsss! Syempre kailangan ko." inis na tugon ko.
"Ms. Assimo?" natatawang sabi ni Sed.
"What?" mas okay pang makipag-usap sa parrot kesa kausapin itong mga mokong na'to eh. :|
"Wala. O, heto yung number niya." si Sed sabay abot ng phone niya.
Pagkakuha ko ng number ni Charlie, tinalikuran ko na yung tatlo.
"Hey Kelly, ang cute mo lalo pag nagba-blush ka!" pahabol na sigaw ni Vince. Sabay na nagtawanan yung tatlo.
Mga timang, tsss! At kailan ako nagblush? Hmp..
Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa marating ko yung favorite spot ko. Sa bench sa ilalim ng puno na nasa likod ng building.
Naupo ako, kinuha yung cellphone sa bulsa at nagsimulang magtype.
"Hoy, bat di kpa pumapasok? Di kpa ba mgaling? Txtback! Pag di ka nagreply, patay ka sakin!
-Kelly"
Nagdalawang isip ako kung isesend ko ba o hindi. Bat ko ba siya itetext? Pakialam ko nman sa kanya!
Message sent.
Tssss!
Ano bang sumanib sa'kin at ganito ako ka-affected sa pag absent ng lokong yun? Hayst, pag nakita talaga kita Charlie, sasapakin kita. >.<
Isa, dalawa, tatlo, apat...limang minuto na ang nakakalipas mula ng magtext ako, di pa rin siya nagrereply.
"Gano ba katagal magtype ng message? Psh." sabi ko sabay amba ng suntok sa cellphone ko. Patay ka talaga sakin pag di ka pa nagreply.
"Pagbilang ko ng tatlo. Isa..." para na kong sira, nagsasalita ng walang kausap. -.-
"Dalawa..." anu ba!
"Tat..."
Ring-ring-ring.
Ring-ring-ring.
Ring-ring-ring.
Charlie Calling.