CHARLIE's POV
"Subukan mong kantiin kahit dulo ng daliri ni Kelly at ipapasilip ko sa'yo ang impyerno!" galit na sabi ko.
"Bwahaha! Ang lakas din naman ng loob mong sumugod dito ng nag-iisa." sagot nung intsik.
Loko pala 'to eh, hindi niya alam kung sino ang kinalaban niya.
"Baka hindi mo alam kung sino ako, intsik. Lolo at Dad ko ang dalawang pinakasikat at pinakamagaling na general sa bansa." pagmamalaki ko.
Bata pa lang ako, sinanay na akong makipaglaban ng lolo ko.
Martial arts, suntukan, barilan, lahat yan itinuro sa'kin. Gusto ni lolo na sumunod ako sa yapak nila ni Dad.
"Hahaha! Hindi mo kami matatakot." si intsik. Tapos sinenyasan niya yung mga alagad niya na sugurin ako.
Naghanda ako sa pagdepensa.
Suntok sa isa, sipa sa kabila.
Tadyak dito, sapak sa kabila.
Iwas sa isa, sugod sa kabila.
Walang-wala ang anim na'to sa'kin. Sisiw!
Ilang saglit din akong nakipagbakbakan bago tuluyang bumagsak yung anim. Ni hindi ako pinagpawisan. :)
"O, ano intsik? Bilib ka na ba?" nakangising sabi ko sa halatang ninenerbiyos na intsik.
Nilapitan ko siya at hinapit ang damit niya. Binitbit ko siya pataas hawak lang ang damit niya.
"Sa susunod, piliin mo ang kakalabanin mo, ha?" mariing sabi ko.
"SAGOT!" sigaw ko pa.
"Yes boss!" tarantang sagot nito.
"Good! Palalagpasin kita ngayon, pero sa susunod na makita ko pa yang pagmumuka mo, humanda ka sa'kin. Naiintindihan mo?"
"Ye-yes boss!" sagot ulit nito.
Binitawan ko yung damit niya. Nagmamadaling tumakbo paalis ang duwag!
Bumaling ako kay Kelly. Nilapitan ko siya at inumpisahang kalagin yung pagkakagapos niya.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.
"Bakit late ka na dumating? Muntik na 'kong ma-rape nung manyak na 'yon!" singhal niya sa'kin.
Putek! Siya na tinulungan, siya pa galit.
Natapos ko nang kalagan ang paa at kamay niya.
"Wala man lang bang thank you?" inis na sagot ko.
Nagulat ako ng bigla na lang siyang yumakap sa'kin. Napasinghot siya.
Teka, umiiyak ba siya?
"Salamat...Charlie." mahinang sabi niya habang nakayakap sa'kin.
Napangiti ako.
Sa kauna-unahang pagkakataon, niyakap ako ni Kelly.
Binanggit niya ang pangalan ko, tapos ngayon yakap niya ko. It's a good day after all. ;)
"Tara na, ihahatid na kita sa inyo."
Tumayo kami at tinungo na ang sasakyan ko.
**************************************
KELLY's POV (for the second time. Yey!) xD
"Andito na 'ko." -.-
Naabutan ko si Camille sa sala at nag-aaral.
"Kelly!" masayang bati niya sa'kin. Haist, bat ba lagi siyang masaya tuwing babatiin ako? Pssh. Parang sira!
Umupo ako sa tabi niya. Feeling ko pagod na pagod ako. *sigh*
"Kelly, nagustuhan ba ni kuya yung binigay ko?" excited na tanong niya.
Speaking of 'him', naalala ko yung ginawa ko kanina. Tsss, niyakap ko siya, ano bang pumasok sa isip ko? Pero masaya talaga ko kanina dahil dumating siya.
"Kelly? Kelly!" tawag sa'kin ni Camille.
"Oo na, nagustuhan niya. Manahimik ka na nga lang jan." sagot ko. -.-
Nung binanggit ko yung pangalan niya, pati nung niyakap ko siya...ang weird. Yung puso ko, bigla na lang naging abnormal ang tibok. Ang lakas at ang bilis. Tapos parang may kuryente pang dumaloy sa'kin nung magdikit kami.
Ano ba yun? Dahil ba sa takot?
Siguro nga. Pssh.
"Ah, Camille." tawag ko habang nakaiwas ako ng tingin sa kanya. >_>
"Kelly?"
"Yakapin mo nga ako." sabi ko. I just want to know if I will feel the same.
"Kelly?" nagtatakang sabi ni Camille.
"Tsss! Basta gawin mo nalang. Yakapin mo ko." inis na utos ko.
Sumunod naman siya. Niyakap niya ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
Bakit ganun? Wala yung parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa'kin nung niyakap ko si Charlie.
"Higpitan mo pa, Camille." utos ko ulit. Sinunod niya naman ako. Kaso wala pa rin eh.
Haisst, nasisiraan na yata ako.
Tinulak ko ng mahina si Camille.
"Okay na." malamig na sabi ko.
Nakatingin sa'kin si Camille at nangingilid ang luha niya.
What the!
ANO'NG PROBLEMA NIYA?
"Kelly, umamin ka. May taning na ba ang buhay mo? Mamamatay ka na ba?" mangiyak-ngiyak na tanong niya.
WHAT?
Binatukan ko siya.
"Ano bang sinasabi mo jan? Wala akong sakit, at hindi pa ko mamamatay. Tssss! Mag-aral ka na nga, kung anu-ano iniisip mo jan!"
Tumayo ako at nagpunta sa kwarto ko habang mahinang binabanggit ang pangalang Camille.
Ang weird, hindi nagrereact yung heartbeat ko pag sinasabi ko yung pangalan niya. Pero pag pangalan ni Charlie ang sinasabi ko, nagiging abnormal yung heartbeat ko.
Hayyy! Ano ba kasing meron eh? Shit.
Padapa kong hinulog ang sarili ko sa kama.