Wednesday
CHARLIE's POV
Eight AM. Nakatingin lang ako sa bakanteng upuan ni Kelly. May LQ kami, oo, pero hindi naman siya dapat na umabsent dahil dun. Psh. Pinag-aalala niya ako eh. Akala ko pa naman magkakausap kami ngayon, kung kelan handa na akong makinig sa paliwanag niya.
Totoong nagalit ako nung nakita kong nakakapit siya kay Marco. Pero napag-isip-isip ko din na dapat binigyan ko siya ng oras magpaliwanag. Kilala ko si Kelly, at alam kong hindi niya ako ipagpapalit kay Marco gaya ng sinabi niya. Kaso nabulag ako ng selos, hindi ako nakapag-isip ng maayos nung oras na yun. Hay buhay. Ako tuloy ngayon ang nahihirapan. Ampupu.
"Kaninong cellphone sabi yung nagriring?" malakas na tanong ng teacher namin. Tsaka lang nabalik sa kasalukuyan ang isip ko. Ano bang nangyayari? Nakatingin sakin lahat ng classmates ko.
"Charlie Yuan, cellphone mo ba yung nagriring? Hindi ba ang sabi ko dapat naka-off or naka-silent ang cellphone kapag oras ng klase?" baling sakin ni Ma'am.
Mabilis kong kinapa sa bag ang cellphone ko. Putek, sino ba kasi 'tong wrong timing na tumatawag. :/
Tiningnan ko yung screen ng cellphone ko...
Kelly calling...
Napatayo akong bigla.
"Excuse me, Ma'am. Mukang emergency po eh." sabi ko. Hindi ko alam pero iba kasi ang pakiramdam ko sa tawag na'to.
"Fine. Five minutes." napipilitang sabi ni Ma'am. Tumango ako at tsaka naglakad papalabas. Lumayo ako ng konti sa classroom.
"Hello Kelly? Asan ka? Bat di ka pumasok?" nag-aalalang tanong ko kaagad.
"Charlie, si Camille 'to." narinig kong sagot sa kabilang linya.
"Ca-camille? Bakit, anong nangyari? Nasan si Kelly? May masama bang nangyari sa kanya?" lalong tumindi ang pag-aalala ko. Bakit gamit ni Camille ang cellphone ni Kelly? At bakit siya napatawag ng ganito kaaga?
"Si- si Kelly kasi, bigla na lang siyang nagcollapse kanina. Pero may malay na siya ngayon. Kaya lang, gusto sana namin siyang dalhin ni Mama sa ospital, kaso ayaw naman niya. Pwede mo ba kaming tulungan? Nag-aalala na kasi kami ni Mama sa kanya eh." hindi na napigilan ni Camille na umiyak.
"O sige, kukunin ko lang wallet ko sa bag tapos pupunta na ako. Hintayin nyo ko." natatarantang sagot ko.
"Sige Charlie. Bilisan mo ha?" sabi ni Camille.
"Okay, sige. Bye." paalam ko. Nagmamadali akong bumalik ng classroom, binuksan ko yung bag at kinapa ang wallet ko.
"I'm sorry, Ma'am. I have to go. May emergency pong nangyari eh. Please excuse me." sabi ko sabay takbo palabas.
"Charlie, bumalik ka dito. Anong nangyayari?" narinig kong pahabol na tanong ni Ma'am. Hindi ko na siya nilingon pa. Alam ko kasing mag-uusisa pa si Ma'am kung anong nangyayari at baka hindi niya lang ako payagan.
Tuloy-tuloy na akong tumakbo pababa. So kaya pala hindi pumasok si Kelly ay dahil sa may sakit siya? Tsk. Bakit di ko agad naisip yun? Kung anu-ano kasing walang kwenta ang tumatakbo sa utak ko eh. Pag may nangyaring masama kay Kelly, sisisihin ko ang sarili ko. >.
Ilang saglit pa ay narating ko na ang parking area kung saan nakapark ang kotse ko. Dali-dali akong sumakay at pinaharurot ko ang sasakyan. Walang oras na dapat sayangin, baka kung anong mangyari sa babe ko. Amp.
XxXxXx
Wala pang twenty minutes ay narating ko na ang bahay nila Kelly. Pagbaba ko ng kotse, naabutan ko agad si Camille sa harap ng gate na palakad-lakad at halatang alalang-alala.
"Camille!" tawag ko sa kanya habang lumalakad ako papalapit.
"Charlie!" biglang umaliwalas ang mukha ni Camille nang makita ako.
"Ano bang nangyari kay Kelly? Bakit siya biglang nagcollapse?" alalang tanong ko kaagad.
"Hindi ko alam. Hindi namin alam. Hindi kami mga doctor para malaman. Ayaw pumayag ni Kelly na magpadala sa ospital eh." sagot ni Camille.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Nabungaran ko ang Mama niya sa sala na halatang nag-aalala rin. Mabilis itong tumayo ng makita kami ni Camille.
"Buti nanjan ka na. Kausapin mo nga si Kelly. Kumbinsihin mo siyang magpadala sa ospital. Hindi ko mapilit eh, ang tigas ng ulo." nasa boses niya ang labis na pag-aalala.
Lalo tuloy akong kinabahan. Bakit masyadong nag-aalala si Camille at ang Mama niya?
Tinuro sakin ng Mama niya ang pinto ng kwarto. Tumango ako at lumapit sa pinto. Kumatok ako ng tatlong beses tsaka ko dahan-dahang binukas ang pinto.
Nakita ko si Kelly na nakahiga sa kama. Namumutla siya at parang hinang-hina. Putek! Bakit ayaw niya pang magpadala sa ospital sa ganitong kalagayan niya? Tsss. Lumapit ako sa kanya.
"Kelly, anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong ko. Hinipo ko ang noo niya, medyo mainit siya.
Minulat ni Kelly ang mata niya at nagtatakang tumingin sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito? Di ka ba pumasok?" mahinang tanong niya. May sakit na nga siya, yung pagpasok ko pa ang iniisip. Pasaway talaga. Tsk.
"Hindi na mahalaga yun, ang importante madala ka sa ospital." sagot ko. Inalalayan ko siya para tumayo.