XxX.XxX
Sa patuloy na paglipas ng mga araw at linggo, walang improvement sa kalagayan ni Kelly.
Her body was not responding to the treatment anymore, sabi ni doc kaya lalong lumalala ang kalagayan ni Kelly.
Sa tuwing nakikita namin si Kelly na nahihirapan, doble ng sakit ang nararamdaman namin. Tuwing pinagmamasdan ko ang maputla niyang kulay at payat niyang katawan, hindi ko mapigilan ang maluha. Mas gugustohin ko pang ako na lang ang nasa kalagayan niya. It pained me to see her like that.
"Charlie, lalabas lang kami sandali ni Camille para kumain." narinig kong paalam sa'kin ng Mama ni Kelly.
Araw ng linggo at nandito ako sa ospital, nakaupo sa tabi ng kama ni Kelly at binabantayan siya habang natutulog.
"Sige po, Ma. Ako na po ang bahala." sagot ko.
"Pagkabalik namin, ikaw naman ang kumain, ha? Baka gutom ka na rin." sabi ulit ni Mama.
"Okay lang po ako, wag n'yo kong alalahanin." sabi ko.
Narinig kong nagsara-bukas ang pinto, tanda na nakalabas na sila Mama at Camille.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pagkislot ng kamay ni Kelly na hawak ko.
Dumilat siya at luminga sa paligid.
"Sila Mama?" tanong niya.
"Lumabas lang sandali para kumain. May kailangan ka ba?" tugon ko.
Marahang umiling si Kelly, tapos ngumiti siya.
"Gusto ko sanang pumunta sa simbahan ngayon. Two weeks na rin tayong hindi nakakatambay dun eh." sabi niya.
"Pero Kelly, baka mapagod ka." pagtanggi ko.
"Uupo lang naman ako, pano ko mapapagod? Sige na, Charlie. Please?" pakiusap ni Kelly.
Tsk. Paano ko ba nman matatanggihan ang pakiusap ng nag-iisang babe ko? Amp.
"Oo na. Pero saglit lang, okay?" sabi ko. Tumayo ako at binuhat si Kelly para iupo sa wheelchair niya.
"Oo, promise!" masiglang sagot ni Kelly.
Tulak ko ang wheelchair palabas ng kwarto, papunta sa simbahan.
"Charlie..." seryosong tawag sa'kin ni Kelly.
"Ha?" kunot-noong sagot ko.
"Kapag wala na ako, wag mo sanang pabayaan sila Mama." sabi niya.
Napahinto ako sa paglakad.
"Ano bang sinasabi mo? Di ba nangako kang hindi na babanggitin pa ulit ang tungkol jan." nakayukong sabi ko.
"Pero... napapagod na rin ako... at nahihirapan." sabi niya.
Kaya lang... hindi ko kayang... pakawalan si Kelly. Kahit na habang buhay ko siyang alagaan, wag lang siyang mawala. Pe-- pero kung si Kelly na mismo ang sumusuko...
"Kelly, lumaban ka." wala sa loob na sabi ko.
"Lumalaban ako, Charlie... pero napapagod na ko. Gusto ko nang... magpahinga." pahinto-hintong sabi niya.
Pinunasan ko ang luha ko at pinagpatuloy ko ang pagtulak sa kanya papunta sa simbahan.
Hinde.
Ayoko.
Parang hindi ko kakayanin na mawala si Kelly.
Ilang sandali pa ay nakaupo na kami sa simbahan, sa may bandang unahan. Gaya ng dati, nakasandal si Kelly sa balikat ko.
"Kagabi habang wala ka, kinausap ko sila Mama. Hiniling ko rin sa kanila na pakawalan na ko." pagkukwento ni Kelly.
"Nakakatawa dahil pareho kayo ng reaction. Pareho kayong matigas ang ulo." bagya pang tumawa si Kelly.
"Dahil mahal ka namin." sagot ko.
Muling tumawa ng mahina si Kelly.
"Yan din ang sinabi niya. Kaya sasabihin ko lang din sa'yo ang isinagot ko sa kanya. Sana pumayag ka din." sabi niya.
Hindi ako kumibo.
"Kung talagang mahal mo ko, hayaan mo nang... mamahinga ako. Hirap na hirap na ko at hindi ko na kaya." bawat salitang binibitawan niya ay tumatagos sa puso ko na parang isang patalim. Masakit, sobra.
"Nahihirapan na rin naman kayo ng dahil sa'kin..."
"Okay lang sa'kin yon. Kahit habang buhay akong mahirapan dahil sa'yo, kaya ko." malakas na sabi ko.
"Pero ako, hindi na. Hindi ko na kaya, Charlie." sabi niya.
Humihingal na sa pagsasalita si Kelly. Hindi na ko kumibo pa para hindi na rin siya magsalita. Lalo lang hahaba ang usapan pag kumibo pa ko.
Nanatili kaming nakaupo.
As usual, hindi ko mahulaan kung natutulog ba siya o nagdarasal.
Yung kasabihang, if you really love that person, let him or let her go, madali lang sabihin pero napakahirap gawin. I can't let go of her.
I can't, but I have to.
Ano bang dapat kong gawin? :(
"Nilalamig na ko. Mabuti pa siguro bumalik na tayo sa kwarto." sabi Kelly makalipas ang ilang minuto.
Hindi ako kumibo. Tumayo lang ako at binuhat siya pabalik sa wheelchair niya.
Lumabas na kami ng simbahan.
Tahimik lang akong naglalakad habang tulak ang wheelchair ni Kelly, nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ang desisyon ko.
Hanggang sa marating namin ang silid niya. Binuhat ko siya at muling inihiga sa higaan niya.
Naupo ako, huminga ng malalim at tumingin kay Kelly.
"Kung pagod ka na talaga," hindi pa man tapos ang sinasabi ko ay ibig na nman umagos ng mga luha.
"Kung hindi mo na talaga kaya... pinapalaya na kita." umiiyak na sabi ko.
Naluha din si Kelly, pero nakangiti siya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Salamat." sabi niya.