Episode 16.1

2.9K 63 0
                                    

XX.XX

Naabutan ko si Kelly sa likod ng cafeteria na naghihintay sa'kin. Lumapit ako sa kanya.

"Bakit ba ang bagal mo?" singhal ni Kelly sa'kin.

Akala ko pa naman kanina, magsosorry siya sa'kin. Tsk. Maling akala. :/

"Ano bang pag-uusapan natin? Di ba nakapagdesisyon ka na kahapon?" sabi ko.

Yun lang naman ang kinasasama ng loob ko eh. Gusto niya pa ring makilala si Marco kahit na ayoko.

"Oo nga, nagdesisyon akong babalik ako sa bahay ng Lolo mo. O, anong pinagmumukmok mo jan ngayon?" taas-kilay na tanong niya.

"Ayokong pumunta ka don." medyo malakas na sagot ko.

Pumulot siya ng maliit na bato at binato sa'kin.

"Aray. Kelly naman! Para kang bata." asar na sabi ko.

"Ako pa ngayon ang parang bata? Sapakin kaya kita jan?" sagot niya sa'kin.

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung bakit pa kami nag-uusap, di rin naman pala magbabago ang desisyon niya. Tsss!

"Walang direksyon ang isang relasyon na pinagagana ng imahinasyon, at kulang sa tiwala." mahina at iwas-tinging sabi ni Kelly.

Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa'kin. Kung talagang may tiwala raw ako sa kanya, kahit sino pa mang Adonis ang kasama niya, hinding hindi ako magdududa.

Medyo na-guilty naman ako. Masyado nga yata akong nag-aalala, lumalabas na hindi ako nagtitiwala sa kanya.

Sa sobrang takot ko na maagaw siya sa'kin ng iba, nagiging unreasonable na ako.

"Masyado ka kasing insecure.

Kahit ilang Marco pa ang ipakilala nila sa'kin, wala pa ring makakapalit sa... nag-iisang Charlie." namumulang sabi ni Kelly.

Sapat na ang mga salitang iyon para tuluyan akong mapangiti.

"Ang sweet! I'm sorry, babe." sabi ko sabay hila sa kanya. Niyakap ko si Kelly.

"Natakot lang naman ako eh. Simula pagkabata, hindi ko pa natalo si Marco sa kahit na anong bagay. Nag-aalala ko na baka pati sa'yo, matalo niya ako." pag-amin ko.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon eh matatalo ka." sagot sa'kin ni Kelly.

"Alam ko. Sorry babe."

"Bitiw na!" utos niya. Bumitiw naman ako.

"Nadala lang ng emosyon." nakangiting paliwanag ko.

"Sa susunod na hindi mo ulit ako pansinin, maghanap ka na ng ibang Kelly mo. Tsss!" back to matapang na Kelly na nman siya.

"Ang hirap naman nun. Libutin ko man ang buong mundo, wala na akong makikita na kagaya mo. Nag-iisa ka eh." sagot ko sabay kindat sa kanya.

"Corny mo! Laos na yan. Psh. -.-" si Kelly.

Tumawa lang ako.

Grabe, namiss ko talaga siya kahit na kalahating araw lang kaming hindi nag-usap. Napuyat pa ako kagabi kaiisip. Takte! :|

"So pano?" untag ni Kelly ng hindi ako kumibo.

"Anong pano?" nakangiting tanong ko.

"Babalik tayo sa bahay ng Lolo mo mamaya?" tanong din niya.

Nawala ang pagkakangiti ko. Nagseryoso ako ng facial expression.

"Ayokong makita si Marco." sagot ko.

"Edi wag mong tingnan. Psh. Problema mo?!" naka-irap na sabi ni Kelly.

"Ihahatid kita sa bahay ni Lolo, pero hindi na ako papasok pa sa loob. Maghihintay na lang ako sa kotse." sabi ko.

Tama. Baka kasi kung ano pa ang magawa ko kay Marco pag nakita ko eh. Amputek!

"Bahala ka na nga." pagsuko ni Kelly.

"Bawal ang handshake, okay? Iniisip ko pa lang na hahawakan ng Marco na yun ang kamay mo, kumukulo na ang dugo ko. Wag na wag kang papayag na maiiwan kayo ni Marco sa sala na kayong dalawa lang. Wag kang maniniwala sa mga pambobola niya. At isa pa..."

"Isa pa, uupakan na kita." singit ni Kelly.

"Babe...:("

"Alin sa salitang TIWALA ang hindi mo maintindihan? Tsss." naiinis na si Kelly. Amp. Bakit ba kasi hindi ko maialis sa sarili ko na mag-alala? :/

"Okay, fine. Tatahimik na ako. May tiwala ako sa'yo." sagot ko na lang para mapanatag na si Kelly.

"Good. Tara na." sabi ni Kelly sabay lakad paalis.

"Pupunta na tayo agad? May klase pa ah. Di ba parang masyado ka naman yatang excited?" kunot-noong tanong ko ng hindi man lang tumitinag sa kinatatayuan ko.

"Sira! Nagugutom ako. Di pa ako tapos kumain." malakas sagot ni Kelly.

"Ah." natatawang sabi ko. Tumakbo ako para maabutan si Kelly.

Naglakad kami pabalik sa cafeteria. Ang saya ng buhay. :)

"Hep. Saan ka pupunta?" pigil ni Kelly sakin ng malapit na kami sa table nila Gelou at Jayson.

"Dun." sagot ko sabay nguso kila Jayson.

"Balik. Dun ka sa barkada mo." pagtataboy niya sa'kin.

"Oo nga. Sabi ko nga, babalik na ako sa tatlong mokong." tumalikod ako at naglakad pabalik sa table namin.

"See you later, Kelly. I LOVE YOU!" malakas na sabi ko bago pa man makarating kina Vince.

Alam kong napalingon sa'kin lahat ng mag-aaral sa cafeteria. At alam ko ding namumula si Kelly sa hiya dahil sa ginawa ko. xD

"Aba, umaliwalas bigla ang paligid ah. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin." biro ni Sed.

Nagtatawanan na naman yung tatlo.

"Wala kayong pakialam ah. Manahimik kayo jan." sagot ko sa kanila. Naupo ako at nagpatuloy sa pagkain...habang nakatingin kay Kelly. <3

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon