Prologue - My cold angel

10.1K 202 4
                                    

It all started here...

(5 years ago)

"Waaaaa!"

Napapikit ako sa takot habang hinihintay na dumapo sa mukha ko ang kamao nitong isang batang lalaki na nakaaway ko habang hawak ng dalawa niyang kasama ang mga kamay ko. Nandito kami sa mall ng Mama ko, habang tumitingin siya ng appliances, humiwalay ako at nagpunta sa world of fun. Lumapit sa'kin ang tatlo nato at pilit na kinukuha ang laruan ko. Syempre ayokong ibigay kaya sinuntok ko yung pinakaleader. Tapos eto na, pinagtutulungan nila ko.

Lesson learned: wag hihiwalay kay Mama pag nasa mall. Tssss.

"Sino ka?"

Nagulat ako dahil ang hinihintay kong suntok ay di ko naramdaman.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. At alam nyo kung ano? Isang batang babae ngayon ang nakatayo sa harapan ko. Muntik ng tumama sa babae ang suntok na dapat ay para sa'kin.

"Dadaan ako. Wag kayo dito magsuntukan." walang emosyong sabi nung batang babae.

Asteeeeg! Ang cool niya!

"Bat ka humarang? Pano kung nasuntok kita?" tanong nung lalaking nasa harapan niya.

"Edi isusumbong kita sa tatay kong pulis. Ayun o!" tinuro ng babae yung paparating na pulis. Kinabahan naman ang tatlong mokong at mabilis na nagtakbuhan. Napaupo tuloy ako sa sahig dahil bigla akong binitiwan nung dalawa. Haha! Mga duwag din pala. Tumayo ako para magpasalamat sa babae. Nilingon niya ko. Ang ganda niya pala! Maamo ang mukha niya, kaya lang blangko ang expression ng mukha niya.

"Salamat!" nakangiting sabi ko.

Tiningnan niya ko with her blank facial expression.

"Nagdadaan lang naman ako." nagkibit balikat lang siya at saka umalis.

"Wait! Ano pangalan mo?"

tawag ko sa kanya. Pero walang lingon-likod na nagpatuloy siya sa paglakad. Nakatingin lang ako sa direksyon ng pinuntahan niya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

Dumating si Mama at hinila ako palabas ng WOF habang pinagagalitan. Then nagpunta kami sa Jollibee para kumain. Pagkatapos nagyaya na siyang umuwi.

Habang naglalakad kami papunta sa exit, bigla akong napatigil ng may marinig na kumakanta. Wow! Ang ganda ng boses, ang sarap sa pandinig. Only hope ni Mandy. Napatingin akong bigla sa stage kung saan nandun yung kumakanta. May singing contest kasi sa mall na yon. Lalo akong namangha ng makita ko kung sino yung kumakanta.

"Siya!"

Yung cool at supladang bata na tumulong sa'kin kanina. Napanganga lang ako sa kanya.

With her blank facial expression, she is as cold as ice.

But when she sings, she's like an angel.

Hinawakan ako ni Mama at hinila na palabas...but i can't take my eyes off of her.

Promise, babalikan kita.

Makikilala rin kita.

At balang araw pakakasalan kita. ♥

Charlie Yuan♥Kelly Park

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon