Walang alinlangang pumasok si Kelly. Nilagpasan niya yung white lady. Sumunod naman ako.
Pagpasok namin, biglang sumara pabalibag yung pinto.
"Ay kamote!" gulat na sabi ko.
Shit, mapapatay ko kung sino man ang nagsara ng pinto.
May nakita din kaming rocking chair na gumagalaw kahit wala naman nakaupo dun. Pambihira, ang galing nila Gelou sa pananakot ah.
Sa wakas, nakita na ni Kelly yung flag, nasa table sa sulok, katabi ng bungo at ni chaka doll. Kinuha niya yun at saka nagtuloy-tuloy na sa pinto palabas. Sunod pa rin ako. Amputek, bakit ba ako ang sumusunod sa kanya? Di ba baligtad dapat? Ako pa ang lumalabas na mas duwag saming dalawa ngayon. Dem!
Nakalabas na kami sa unang room. Nagpatuloy na kami sa mga susunod na room. At tulad nung sa unang room, laging si Kelly ang nauuna at tagasunod lang ako. Poker face pa rin siya kahit na andaming nakakatakot na pakulo ang hinanda nila Gelou.
Dun sa isang room, may babae na nakapure black ng damit, may dugong umaagos mula sa ulo hanggang sa gilid ng pisngi, at nakabelo. Meron ding mga mukang tsanak, sound effect na nakakagulat at nakakatakot, umaalulong na aso, tawa ng demonyo at mangkukulam, mga nababasag na bagay. Kung may sakit ka sa puso, malamang atakihin ka sa sobrang takot at gulat. Imagine, ang dilim ng paligid tapos isang duguang black lady na nakatitig sayo ang kasama mo. May sounds pa na nakakatindig ng balahibo. Oo na, aaminin ko, natatakot na talaga ko. Pwede namang matakot ang isang GWAPO diba? Haha! :)
Nandito na kami sa third floor, level-up na din ang mga panakot dito.
"Ah, Kelly..." pigil ko sa kanya nang bubuksan na niya yung unang pinto sa third floor. Masaya ko dahil nakikita kong gusto niya talagang manalo. May gusto yata siya sakin eh, kahit ano susuungin maka-date lang ako. Bwahaha!
Tumingin siya sakin ng masama. Nag-iwas ako ng tingin, tumalikod at saka nagsalita.
"Hindi mo na kailangang gawin pa 'to. Kung gusto ma talaga kong maka-date, pagbibigyan naman kita. But don't get me wrong, hindi kita type...pero kung ang makakapagpasaya sa'yo ay ang date kasama ako, pumapayag na ko. Wag na nating ituloy pa 'to." sabi ko, without looking at her.
Naghintay ako ng reply niya, pero di siya nagsalita. Overwhelmed siguro.
"Alam mo," sabay harap sa kanya.
"Ke-Kelly?" Ampupu, wala naman pala akong kausap. Hay pambihira, bat ba hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ko!
Pumasok na din ako sa loob.
Damn it, may isang malaking flat screen sa loob kung saan pinapalabas ang nakakatakot na eksena sa The Ring. Iniiwas ko agad ang tingin ko.
"Kelly, k-kung natatakot ka pwede kang yumakap sakin." sabi ko. Sa totoo lang, ako ang natatakot at gustong yumakap sa kanya.
Blaaag!!!
Tunog ng nabasag na salamin.
Mabilis na napayakap ako kay Kelly sa sobrang gulat.
Pakyu Jason, pakana mo 'to, sigurado!
"Tsss, gusto mong mamatay? Bitaw!" galit na utos ni Kelly sakin.
Mamatay agad? di ba pwedeng mabugbog muna? Tapang eh!
"Sorry, nagulat lang!" sagot ko sabay taas ng dalawang kamay.
Ilang saglit pa ay nahanap na niya ang flag, at lumabas na rin kami sa impyernong room na yon!
Two more flags. Dalawa pa. Di na yata kakayanin ng tuhod ko. Takte!
"Bakit ba gusto mong manalo? Ano bang mapapala mo?" tanong ko kay Kelly habang naglalakad kami. Obvious na hindi yung date ang habol niya, so bakit gusto niya pa ring manalo?
"Prize money." maikling sagot ni Kelly.
Prize money? Ang tinutukoy niya ba ay yung ten thousand pesos na date allowance?
"Date allowance yun, hindi mo yun makukuha kung hindi ka makikipagdate." paliwanag ko.
Hindi siya kumibo.
"Pagkakuha mo ng allowance, aalis ka na sa date?"
Balak pala kong iwan sa ere nito eh.
"Angal ka?" singhal niya.
Tsss, hindi ba siya marunong makipag-usap ng matino?
"Paano naman yung share ko? Hindi lang sa'yo yung allowance."
Nandito na kami sa second to the last na room at naghahanap ng flag.
"Ibibigay ko sa'yo." sabi niya.
Amp, yung date ang gusto ko, hindi yung pera.
Teka...may naisip akong idea.
"Ganito na lang, hindi ko na kukunin yung share ko. Makukuha mo ng buo yung ten thousand. Pero itutuloy natin yung date, my treat." suggestion ko.
Nakita na niya yung flag. Palabas na kami ng pinto. Hindi siya sumagot. Ayaw niya?
"Sige, pag-isipan---"
"Okay."
Sabay kaming nagsalita.
Ano daw? Okay? Payag siya?
"O-okay?" masayang tanong ko. Bwahaha, pumayag siya.
Olraaaaaayt!
Hanggang sa makarating kami sa music room ay masaya ang pakiramdam ko. Excited! :D