Chapter 4.0

5K 102 3
                                    

Hawak ko ang kamay ni Kelly at magkasabay kaming tumatakbo.

Why are we running?

Yun kasing intsik na tinakasan namin, may anim na bodyguards pala. Kaya ayun, pinatugis kami.

Nakarating na kami sa isang makitid na iskinita pero patuloy pa rin sa pagsunod itong mga ugok nato. Pagod na ako katatakbo, at sana naman wag mangyari yung nasa isip ko sa dulo ng tinatakbuhan namin nato.

Kung tutuusin, kaya ko naman silang labanan, ayoko lang dahil baka madamay si Kelly.

Damn! Sabi na nga dead end to eh - sa loob-loob ko ng makita ang dulo ng iskinita.

Nagpatuloy pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa dulo.

Tapos ay hingal na hingal kaming tumigil. Nakatukod ang mga kamay namin sa tuhod namin.

Hingal na hingal din yung mga humahabol samin. Takte! Ang kukulit ng mga 'to! Mukhang wala na akong choice kundi ang makipagbakbakan.

"Paano ba yan? *hingal* mukhang wala na kayong *hingal* matatakbuhan." sabi nung isa dun sa anim.

Pinagmasdan ko silang mabuti, mukhang di naman sila armado.

"Hey, what do you think you're doing?"

Bigla na lang kasing gumitna si Kelly sa anim na lalake.

"Diyan ka lang, wag kang makikialam."si Kelly na wala pa ring emosyon. Di man lang yata natatakot.

"Nasisiraan ka na ba? Ako ang lalaban!" galit na sabi ko.

Pero hindi siya natinag.

"Minamaliit yata tayo nito eh. Bwahaha!" sabi nung isang ulikba. Nagtawanan silang anim.

Sinenyas ni Kelly ang kamay niya at inaayang lumapit yung mga lalaki. Nasisiraan na talaga siya!

"Isa-isa lang." si Kelly.

O_O seryoso tlaga siya? Ay pambihira!

"Hoy ikaw! Subukan mong makialam, patay ka sakin!" baling sakin ni Kelly. What the!

Nagtawanan ulit yung mga ulikba, tapos ay isa-isang sumugod kay Kelly.

Tadyak dito.

Sipa don.

Siko dito.

Suntok dun.

Nga-nga ako. :O

Isa-isa ngang napatumba ni Kelly yung mga lalake.

Amazona pala tong babae na'to eh! Daig pa ang lalake kung makipagbakbakan.

Lumakad si Kelly paalis ng mapatumba yung anim.

"W-wait!" tawag ko. Tumakbo ako para masabayan siya.

"Okay ka lang ba?"

Tiningnan niya lang ako.

"Ano bang pumasok diyan sa isip mo? Ako dapat ang lumaban sa mga yon. Paano kung may hawak pala silang kutsilyo, o baril? Mag-isip ka nga Kelly! Babae ka, di ka dapat lumalaban sa lalake." galit na sabi ko sa kanya.

At amputek, mukang wala siyang naririnig.

"Di mo man lang hiningi ang tulong ko. Kahit papano, sabay sana tayong lumaban."

"Di ko kailangan ng tulong mo." sa wakas ay sagot niya, ni hindi lumilingon sakin.

"Isa pa, sino ba ang hindi nag-iisip satin? Ikaw ang bigla na lang sumusulpot habang nagde-date kame. At anong sinabi mo, girlfriend mo ko?!" singhal ni Kelly.

"Wala kasi akong tiwala sa pagmumuka nung intsik mong boyfriend." depensa ko. Tsss, di ko akalain na marunong din pala siyang makipagdate.

"Di ko siya boyfriend. Bayad ang date na yon. Ngayon, wala akong pera dahil sinira mo yung date." si Kelly.

"Bayad? Wala ba talagang mahalaga sa'yo kundi pera? Eh paano kung rapist pala yung intsik na yun? Dahil sa pera, pinapahamak mo yung sarili mo." galit ako. Huminto siya sa paglakad at tumingin sakin.

"Ano bang pakialam mo? Ano ikinagagalit mo?"

Natameme ako.

Bakit nga ba? Anong isasagot ko sa kanya?

"Babayaran kita, sabihin mo lang kung magkano yung date na nasira ko." pag-iiba ko ng usapan. Alam ko namang may pride siya kahit papaano. Hindi siya papayag sa perang inaalok ko.

"Five thousand." sabi niya sabay lahad ng kamay.

Eh?

Tatanggapin niya?

Ibang klase talaga siya. Wala talagang mas importante kaysa sa pera?

Nagbuntong-hininga ko.

"Aanhin mo ba ng pera?" tanong ko habang dinudukot ang wallet sa bulsa. Kumuha ko ng five thousand at inabot sa kanya.

"Susunugin ko." sarkastikong sagot niya habang pinapamulsa yung pera.

Haha, funny. :|

"Uuwi na ko." si Kelly ulet.

"Teka, sandali. Binayaran kita, so dapat ibigay mo sakin yung buong araw mo ngayon." pigil ko.

"Gusto mong mamatay?" banta niya. Psss, bayolente talaga eh.

"Maging patas ka naman!" reklamo ko pa rin.

"Hinde, kailangan ko ng umuwi."

"Edi sasama ko sayo sa bahay niyo."

si Kelly ---> o_O

"Hindi pwede. Umuwi ka na!"

Pumara siya ng jeep at sumakay.

"Ayoko, sasama ko sayo."

sumakay din ako sa jeep bago pa makaalis. Umupo ako sa katapat niya.

"hay! Bat ba ang kulit mo?"

galit na sabi niya. Ampupu, konting kahihiyan naman o. Nasa jeep kami tapos sinisigawan niya ko.

"Dadagdagan ko ng five thousand. Basta isama mo lang ako."

Tiningnan niya ko ng masama.

Pagkatapos ay inilahad ang kamay.

What? Payag siya?

Naiinis na dinukot ko ulit ang wallet ko at kumuha ng five thousand. Daig pa ang pulis sa pangongotong eh.

Inabot niya yun at muling ibinulsa.

"Ikaw ang magbayad ng pamasahe." sabi niya.

Kinuha niya ang earphone at isinalpak sa tenga.

Kumuha ko ng one hundred pesos at iniabot sa driver.

"Keep the change, manong." sabi ko.

Isinandal ko ang ulo ko, at ipinikit ang mata ko.

Nagtatakang nakatingin lang samin ang ibang pasahero.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon