Final Episode (19.1)

3.1K 58 0
                                    

"Siguro kung may kakambal ka, baka sakali. Yung kaugali mo, kakilos mo, katulad mong mag-isip, yun talagang ikaw na ikaw." pagbibiro ko.

"Tsss! Posible ba yun? No two people are alike." seryosong sagot ni Kelly. Tumawa ko.

"Ganon? Edi sorry na lang pala ang mga girls dahil hanggang tingin na lang sila sa'kin." mayabang na sabi ko.

"Kung malalaman lang nila kung gano ka kayabang, baka nga tingnan ka na lang nila. Psh." tugon ni Kelly.

"Haha! Edi mas okay. Ayoko rin naman sa kanila eh. Narinig mo na ba yung tibok ng puso ko?"

"Bakit ko naman pakikinggan yang tibok ng puso mo?"

"Alam mo ang bingi mo." sabi ko.

"Ako, bingi? Matalas pa ang tenga ko, no. Hmp." mataray na sagot ni Kelly.

"Eh bakit hindi mo naririnig yung tumatawag sa'yo?" patuloy na pagtatanong ko.

"Ha? Sino ba'ng tumatawag sa'kin?" sabi ni Kelly habang palinga-linga sa paligid.

"Yung puso ko. Sa bawat tibok nito, isinisigaw ang pangalan mo."

"Ayst. Ang corny mo talaga. Tsk." taas-kilay na sabi niya.

Tumawa ko.

"Totoo naman eh.

Kelly! Kelly! Kelly!

Yan ang sabi ng puso ko."

Natawa si Kelly.

"Ewan ko sa'yo." nakangiting sabi niya.

"Yes! Napangiti rin kita." sigaw ko.

"Wag ka ngang maingay jan. Nasa simbahan tayo, anu ba?" saway niya sa'kin.

"Wala namang nagdadasal eh. Ni wala ngang tao." katwiran ko.

"Kahit na." sagot ni Kelly.

"Tara na nga, balik na tayo sa kwarto, baka naghihitay na sila Mama satin." yaya niya.

Tumayo ako at binuhat si Kelly pabalik sa wheelchair niya.

Oo, nakawheel chair na si Kelly. Nakakalakad pa siya pero mabilis na siyang mapagod. Hindi na niya kayang maglakad papunta dito sa simbahan mula sa ospital.

Pumwesto ako sa likod niya at itinulak na ang wheelchair palabas ng simbahan.

XxX.XxX

Pagbalik sa silid, kumain lang si Kelly pagkatapos ay natulog na.

"Charlie, lumabas ka muna at maglibang-libang. Binuro mo na yang sarili mo dito sa ospital." sabi sa'kin ng Mama ni Kelly.

"Okay lang ako, Ma." sagot ko.

"Oo nga naman, Charlie. Halos dito ka na rin tumira ah. Lumabas ka nman kahit minsan. Kami na ni Mama ang bahala dito." sang-ayon ni Camille.

Ngumiti ako.

"O sige. Uuwi muna ako sandali para maligo at magbihis." sabi ko.

"Kahit bukas ka na bumalik, Charlie. Tutal naman, papagabi na rin." pahabol ni Mama bago ko lumabas.

"Hindi po, babalik din ako kaagad." mabilis na pagtutol ko.

Pag hindi ako bumalik mamaya, bukas ng hapon pa ko makakabalik after ng klase.

"Mahal na mahal mo talaga si Kelly, no? Sana paglaki ko, makahanap rin ako katulad mo." nangangarap na sabi ni Camille. Ngumiti ako.

"Sigurado yon. Sa ganda mong yan, maraming katulad ko ang magkakandarapa sa'yo." sagot ko. Tumawa si Camille.

"Sige na, Charlie. Umalis ka na. Mag-iingat ka." nakangiting sabi niya.

"Asus, nabola lang, gumanda agad ang mood." singit ni Mama.

"Hindi bola yun, no." naka-pout na sagot ni Camille sa Mama niya.

"Sige po, Ma. Aalis na ko." pamamaalam ko.

"Sige, mag-iingat ka."

Iyon lang at tuluyan na akong lumabas ng ospital.

Alam kong nahihirapan at napapagod na rin ang Mama ni Kelly pero ni minsan, hindi ko siya nakitang umalis ng ospital. Lagi lang siyang nasa tabi ni Kelly. Hanga rin ako sa tibay niya. Sa oras na tila nanghihina ako, sa kanya din ako humuhugot ng lakas ng loob. Baligtad, sa halip na ako ang umagapay sa kanya, siya pa 'tong laging nagpapalakas sa'kin.

Si Kelly, alam kong nahihirapan din ang kalooban niya na makitang nahihirapan ang ina. Minsan nga, nahuhuli ko siyang nakatitig sa Mama niya kapag natutulog ito. Tapos bigla na lang siyang iiyak.

Hindi ko rin maiwasang maiyak tuwing gabi na naririnig ko ang tahimik na pag-iyak si Kelly. Nagpapanggap lang akong tulog pero ramdam ko ang bigat na dinadala niya. Wala naman akong magawa kundi ang magtulog-tulugan na lang.

Nakakainis yung feeling na gustong gusto mong tumulong pero wala kang magawa. :/

Yung feeling na gusto mong pawiin yung sakit na nararamdaman ng mahal mo pero wala kang kakayanan. :/

Kung pwede lang na akuin ko lahat ng sakit para kay Kelly, gagawin ko. Minsan nga naiisip ko, bakit hindi na lang yung mga taong gustong magsuicide ang magkasakit? Tutal nman sawa na sila sa buhay nila. Pero lagi akong pinapagalitan ni Kelly tuwing sinasabi ko yun sa kanya.

Everything happens for a reason. Iyan ang madalas sabihin sa'kin ni Kelly. Iyan ang lagi niyang pinanghahawakan. Naniniwala siyang may magandang dahilan ang Maylikha sa mga nangyayari sa kanya at sa pamilya niya.

"Hindi man natin maintindihan sa ngayon, balang araw alam kong mauunawaan din natin. Isa pa, ang Diyos ang nagpahiram ng buhay natin, pwede niya 'tong bawiin anumang oras niya gustohin. Maswerte pa nga ako eh, atleast may warning diba? May chance pa kong magsisi ng kasalanan at magbago kahit papano bago mamatay. Hindi katulad ng iba na biglaan." lagi nyang katwiran.

My Cold AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon