Uwian. Lunch break.
"Ayiieee! Nasa labas ng room natin si Ginooo!"
"Talaga? Bakit nandito siya?"
"Kamusta yung itsura ko, maganda ba ako?"
Kinikilig na tilian ng mga kaklase kong babae. Sus, akala mo naman ngayon lang nakakita ng gwapo. Araw-araw naman nila akong kasama. :|
Inis na inayos ko na yung gamit ko para makalabas na. Nakakabadtrip eh. D@mn!
Lalo pang lumakas ang tilian ng pumasok sa loob ng room yung Gino. Lumapit siya kay Gelou.
Gwapo ba'to? Sus, bulag ba sila? Tsk.
"Ayun si Kelly." nakangiting sabi ni Gelou kay Gino. Tapos lumapit na si Gino kay Kelly.
Shit, nakakainit ng ulo!
"Hi prinsesa! Namiss kita." nakangiting bati ni Gino kay Kelly.
"Prinsesa? Baduy!" bulong ko na sinadya kong marinig niya.
"Ako na magdadala ng gamit mo." si Gino, tapos sapilitan niyang kinuha yung gamit ni Kelly.
"Masyadong pumapel, pssh." bulong ko ulit sa sarili ko. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. At yun namang isa, gustong-gusto. Hindi man lang kumontra.
"Lalo kang gumanda, prinsesa." si Gino.
"Sus, bola." ako ulit.
Tumingin sa'kin si Gino.
"Tol, ano bang problema mo?" inis na tanong niya.
"Tol, chill lang!" sabi ko sabay lapit sa kanila. Ngumiti ako. Aasarin ko lang ng konte.
"Tutal, gusto mo naman yatang magbitbit, pakidala na rin itong aklat ko. Salamat tol, isa kang tunay na kaibigan." nang-aasar na sabi ko sabay patong ng dala kong aklat sa mga aklat na nasa kamay niya.
Galit na tumingin sa'kin si Kelly.
"Nakataas na naman ang kilay mo, kamahalan. Papangit ka niyan, sige ka." baling ko sa kanya sabay unat ng kilay niya.
Tapos bumaling ulit ako kay Gino.
"Sige brod, salamat uli ah."
naglakad ako papunta sa pinto.
"Charlie!"
Napahinto ako ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
Hay! Bakit ba iba ang dating kapag siya ang bumabanggit ng pangalan ko?
"Ano bang problema mo?" inis na tanong niya sakin. Pumihit ako paharap sa kanila.
"Wala akong problema." nakangiting sagot ko.
"Bitbitin mo yung aklat mo!" madiing utos niya. Tsss, ayoko nga!
"Ayoko." tumalikod na ulit ako.
"Pag hindi mo 'to kinuha, patay ka sa'kin!" pagbabanta ni Kelly. Hayst, bakit ba iba ang dating ng mga salita niya sa'kin? Tsk. Pero may pride ako, hinding hindi ko kukunin iyon.
"Gutom na ako. Kung ayaw dalhin ng prinsipe mo yung mga aklat ko, iwanan nyo na lang jan. O kaya itapon nyo, o sunugin nyo. Bahala na kayo!" iritadong sagot ko. Nagtuloy-tuloy na ko palabas ng room. Nagbubulungan yung mga kaklase kong walang inatupag kundi pag-usapan ang buhay ng iba.
Kakabadtrip!
Prinsesa huh? Magsama silang dalawa! D@mn it!
**************************************
GINO's POV
Nakatingin si Kelly sa pinto kung saan lumabas yung hambog, nakakunot ang noo niya na parang nagtataka.
"Ano bang problema niya. Tssss, parang bata!" inis na bulong niya.
Habang tinitingnan ko siya, pansin kong may nagbago sa kanya. Yung mga mata niya, hindi na kasing lamig ng dati. Parang nag-improve siya, di na katulad ng dati.
"Sino ba yun?" nakangiting tanong ko sa kanya. Hindi siya kumibo, ni hindi ako nilingon.
"Si Charlie Yuan. Pagpasensyahan mo nalang, ganun talaga ang ugali nun." si Gelou ang sumagot sa tanong ko.
"Nee-chan! Tara na, gutom na ko." nag-snap ito sa harap ni Kelly.
"Ha?" gulat na sagot ni Kelly. Parang ang lalim ng iniisip. Charlie Yuan. Posible kayang siya?
Pero bakit naman siya iisipin ni Kelly? Ano bang namamagitan sa kanila?
"Di ka pa rin nagbabago, lagi ka pa ring absent-minded. Haha! Ang cute mo, prinsesa." pinilit kong ngumiti. Hindi ko na lang papansinin yung pumasok sa isip ko. Paranoid lang siguro ako.
"Pssh, ikaw din naman. Di ka pa rin nagbabago." balik siya sa walang emosyong si Kelly.
"Hindi ako magbabago sa'yo prinsesa." sagot ko.
Tiningnan niya lang ako, tapos ay tuloy-tuloy ng lumabas ng pinto.
Nagkatinginan kami ni Gelou, nagkibit-balikat siya na parang sinasabing tulad-ng-dati.
Sabay kaming ngumiti at sumunod kay Kelly.
"Nee-chan, anong gusto mong kainin?" tanong ni Gelou ng mahabol namin si Kelly.
"Kahit ano." maikling sagot niya.
"Para sa prinsesa, dapat yung pinakamasarap ang kainin natin. Di ako papayag na kakain ng kahit ano lang ang kamahalan." sabi ko sabay akbay kay Kelly. Kumapit si Gelou sa braso niya.
Para kaming nagbalik sa pagkabata. Ganito kami lagi noon. Nakaakbay ako kay Kelly at nakakapit naman si Gelou sa braso niya.
Nung una nagrereklamo si Kelly, pero nung nagtagal, di na rin siya umimik. Parang ngayon, hindi siya tumutol. Siguro, namiss niya rin ito.
Natutuwa ako at hindi na niya kami tinataboy ni Gelou. :)