Hapon
Nagmamadali akong lumabas ng classroom pagkatapos na pagkatapos ng klase para makapunta sa room ng section 5 kung saan nandun si Kelly.
Mas maaga ng isang oras ang uwian ng star section kumpara sa ibang klase kaya sigurado akong hindi pa nakakauwi si Kelly.
Pagdating ko sa room, nasa harap pa yung teacher at nagdidiscuss pa. Sumandal muna ako sa pader, 30 minutes na lang naman cguro akong maghihintay.
Kinuha ko yung earphone sa bag at isinalpak sa tenga ko.
5, 10, 20, 25 minutes pa lang ang nakakalipas ng mapansin kong naghahanda na sa pag-uwi ang section 5. Muli kong ibinalik ang earphone sa bag at nag-abang na ko sa pintuan ng room.
"Waaaa! Si Charlie ng star section!" tilian ang mga babae ng makita ko sa pintuan.
Agad na hinanap ng mata ko si Kelly. Naglalakad na siya papunta sa gawi ko. Tsk, pagdating talaga sa uwian nangunguna siya. xD
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya ng makalapit sa'kin.
Nakatingin sa amin ang mga estujante sa loob ng room.
"Sinusundo ka." nakangiting sabi ko sabay akbay sa kanya.
Naglakad na kami palayo ng room.
"Gusto mong masaktan? Kamay mo!" pagbabanta ni Kelly.
"Bakit si Gino, pwedeng umakbay, tapos ako hinde? Ang daya naman yata?" angal ko habang inaalis ung kamay ko sa balikat niya.
"Iba si Gino, iba ka." maikling tugon niya.
Hindi na ako kumibo pa.
Hanggang sa marating namin ang gate ay wala ng kumibo sa'ming dalawa.
"Uuwi na ko. Umuwi ka na rin." maya-maya ay sabi niya. Nasa labas na kami ng school at nag-aabang ng jeep.
"Ihahatid na kita sa inyo." sagot ko.
"Kaya kong umuwi ng mag-isa, tsss! Umuwi ka na."
"Mag-usap muna tayo, pwede?" alanganing tanong ko.
"Wala akong sasabihin." -.-
"Ako meron. Marami."
Tumingin siya sa'kin.
"Fine. 5 minutes." pagpayag niya.
"Ang ikli naman ng 5minutes. Kelly naman. 30 minutes, please? :)"
"Okay, 10."
"20."
Magtawaran talaga sa oras? Amp.
"15. Period!" bakas sa tono niya na pinal na yun kaya di na ko humirit pa.
"Pwede bang sa cafeteria naman tayo. Mahirap mag-usap dito sa gilid ng daan." pakiusap ko.
"Psh, ang arte!" sabi ni Kelly, pero naglakad din naman papasok ulit ng school.
:) Sumunod ako sa kanya hanggang sa marating namin ang cafeteria. Pinili niya yung dulong table.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko ng makaupo kami.
"Mag-uusap ba tayo o kakain? :|"
"Oo na, mag-uusap na." suko talaga ko sa kasupladahan niya. Wiw!
"Timer starts now." sabi ni Kelly habang nakatingin sa relo niya.
May timer..Eh? Seriously?
"I'm sorry." panimula ko.
"Sorry saan?" tanong niya. Di niya inaalis yung tingin sa relong suot.
"Hindi kita naipagtanggol."
"Wala kang kasalanan. Di mo obligasyon na ipagtanggol ako."
"Alam kong importante sa'yo ang star section. Para sa Papa mo, diba? Yun ang paraan mo para masuklian yung pagpapaaral niya sa'yo."
Tumingin siya sa'kin pero agad ding nag-iwas ng tingin.
"Gagawin ko ang lahat para mapabalik ka sa star section."
Seryosong sabi ko.
Gagawin ko ang kahit na anong paraan para lang maibalik si Kelly sa star section.
"Sira ka talaga! Di mo naman kailangang gawin yan. Bakit ba ang bait-bait mo sa'kin kahit wala naman akong ginawa kundi ang tarayan ka?" tanong ni Kelly. Tumingin siya sa'kin.
"Di pa ba sapat na dahilan na gusto kita?" nakangiting sagot ko. Nag-iwas ulit siya ng tingin.
"Bakit ako? Marami namang iba jan." nahihiyang tanong niya.
"Iyan din ang tanong ko sa sarili ko dati pero hanggang ngayon di ko pa rin nasasagot ang sarili ko. xD Well, I guess tama sila. Di kailangan ng dahilan para magustuhan ang isang tao." :D
"Para kang sira." nagba-blush na sabi niya.
Aww, ang cute niya lalo. <3
"So gusto mo ba?" nakangiting tanong ko.
"Gusto ko? Na ano?" kunot-noong tanong niya.
"Bumalik sa star section." :D
Parang nag-aalinlangang sumagot si Kelly.
"May magagawa pa ba ako kahit na gustohin ko man?" sagot niya.
"Just trust me, okay? Gusto mo ba o ayaw?"
"Gusto...syempre." mahinang sabi niya.
"Ngayong linggo din na'to, babalik ka sa star section, promise!" kumpiyansang sabi ko.
"Charlie..." tawag niya sa'kin.
"Kelly?"
"Sa-salamat." mahinang sabi niya.
"What? I can't hear you." birong sabi ko.
"Thank you..." ulit niya pero mahina pa rin.
"In-english mo lang eh, di mo naman nilakasan." natatawang sabi ko.
"Tssss! Edi narinig mo pala. Sinungaling!" akmang hahampasin niya ko, buti na lang napigil ko yung kamay niya.
"Kamay ko!" singhal ni Kelly ng hindi ko bitiwan yung kamay niya.
"Wala ng bawian, hawak ko na eh." pang-aasar ko.
"Charlie!" may pagbabanta sa tono niya.
"Anong oras na ba? Lagpas na yata yung 15minutes ah. Tara, hatid na kita."
Tumayo ako pero di ko pa rin binibitawan yung kamay niya.
Naglakad na kami palabas ng cafeteria. Holding hands, sana lagi na lang ganito. :D